Dalawampu

33 1 0
                                    


Drew

I can't sleep. Ilang beses na ako nagpa-iba-iba ng puwesto pero walang nangyayari. Hindi pa rin ako makatulog. Tiningnan ko ang humihilik na sina Shaun at Adril sa kabilang kama. They look so peaceful unlike me, I'm feeling odd and nervous. Why?

It's been weeks since we were sent here. Part of me still hoping we could get out here as soon as possible. Sana man lang tumino na ako noon pa. Wala sana kami sa lintik na rehab na 'to.
Alam ko namang kasalanan ko.

Umupo na ako sa kama at uminom ng tubig pampakalma ng sarili. Di ko maintindihan pero kinakabahan ako. May problema kaya? Sina Veron at Carl, ayos lang kaya sila? I hope so.

Pagtingin ko sa wall clock, 2 A. M na pala pero bakit di pa rin ako natutulog, di ako makatulog? Para akong minumulto. Kung may magmumulto man sa'kin, alam ko isa siya sa mga b-in-ully ko. No! I hate ghosts.

Sumilip na lang ako sa bintana. Magpapahangin muna ako dito saglit para naman dalawin ng antok. Alam ko na kung ano ang nagmumulto sa'kin, ang reason kung bakit di ako makatulog at yon ay dahil ang dami kong kasalanan.

I promise myself the moment I could finally get out of here, I'll fix my life once again. I promise. I will say sorry to Veron, Carl, my family and anyone I bullied. I will change myself.


~~~

Patricia

"T--tita Kara, kumusta na po si Veron?"

Suot ko pa ang night gown ko kagabi, di ko pa nagagawang magsuklay. Pati tsinelas ko, magkaibang pares pa tapos di pa ako nagto-toothbrush. Sobrang nataranta ako kaninang 4 A.M sa pagtawag ni Tita Kara. Di pa siya makapagsalita nang maayos no'n at ang nasabi lang niya ay punta raw ako sa ospital.

Hawak ko pa ang lowbatt na cellphone ko sa kamay ngayon. Huhu :( Di ko pa rin alam ano talaga nangyari kay Veron.

Napayakap na lang sa'kin si Tita Kara kaya lalo na akong kinabahan. Ano'ng nangyari sa kaibigan ko?
Iginiya niya ako sa loob ng kuwarto ni Veron. Nakita ko siyang nakaupo sa kama, nakasuot ng hospital gown at yakap ang sarili habang umiiyak.

"Veron," banggit ko sa pangalan niya at niyakap ko ang kaibigan ko. Si Tita Lily, nasa gilid nakaupo sa isang plastic chair habang pinupunasan ang luha. Ano'ng nangyari ba? Ba't nandito sila ngayon sa ospital?

Pumasok ang isang nurse na may dalang wheelchair. Huminto ito sa tapat ni Veron. "Sakay na po kayo ma'am", sabi ng nurse sa kanya pero nakatulala lang ang kaibigan ko. Pati si Tita Kara, umiiyak na rin. Teka, hindi ko talaga maintindihan. Ano ba ang nangyayari?

Tumayo na si Tita Lily at inalalayan din si Veron na makaupo sa wheelchair pero nagwawala siya at nagsisigaw.

"Hindi! Ayoko!" Tinutulak niya palayo si Tita Lily at ang nurse. Si Tita Kara, lumayo na muna habang pinupunasan din ang luha.

"Ma'am, wag po kayo magulo. Bubuka po agad 'yong tahi ng sugat ninyo", paalala ng nurse kay Veron habang inaalalayan siya.

Nagpupumiglas pa rin si Veron. Mayamaya pa, nakaupo na siya sa sahig habang yakap-yakap pa rin ang sarili ko. Nadudurog ako habang pinapanood siya. Sana panaginip lang ito, 'no? Kasi di ko kaya panoorin kaibigan kong nahihirapan.

Anak ng Puta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon