Chapter 22

6K 150 0
                                    

Chapter 22

Panay ang titig ni Kean sa noo ko na may band-aid medyo malaki iyon kaya talagang mapapansin.

”What happened to you?”usisa niya saakin.

It was Friday today. Maaga akong uuwi at sakto namang nagtext saakin si Kean at niyayaya ako na lumabas.

“Ah, wala. Aksidente lang.”pagsisinungaling ko sabay inom sa kape ko.

“Ganoon ba. Bakit kasi hindi ka nag-iingat?”nailing na sabi niya.

Tipid ko siyang nginitian at hindi na nagsalita.

“Anyway, the reason why I want to meet you because I want to tell you that we’re going abroad.”pagbabalita niya.

“Ano? Bakit? Hanggang kelan kayo magbabakasyon doon?”I asked him.

Mahina siyang natawa at umiling.”Hindi kami magbabakasyon doon, Zoey.”

“Huh? Eh ano pala?”nagtatakang tanong ko sakanya.

“We’re staying there for good. Doon na kami titira…for good I guess.”he chuckled.

Malungkot akong napatango sakanya.

“Wag kang malungkot magkakaroon pa din naman tayo ng communication at kapag may time ako uuwi ako dito sa pilipinas at bibisitahin kita. Hindi naman ako mawawala. Nandito pa din ako para sayo ayun nga lang malayo na.”he chuckled.

“Kelan ang alis mo?”tanong ko.

“After our graduation.”sagot niya.

Kean is one of the few person I could call my friend in fact siya lang naman ang kaibigan ko sa school. Si Sasha kasi ay graduate na 2 years ago. Ngayon na aalis na si Kean at pupunta ng ibang bansa hindi ko mapigilan ang malungkot.

“Ganon talaga ang buhay, Zoey minsan may aalis at may darating. Isa pa hindi ba sinabi niya na uuwi naman siya at bibisitahin ka?”si Sasha.

“Alam ko naman iyon, Sasha pero hindi ko lang maiwasan na malungkot.”

“Normal lang naman ang malungkot lalo na kung aalis ang kaibigan mo pero ang hindi normal ang ginawa sayo ni Sera. Pag nakita ko ang babae na iyon talagang tatamaan saakin iyon.”gigil na sabi niya.

Nuong umuwi ako ng araw na nagkasakitan kami ni Sera si Sasha ang unang nakakita saakin at agad niya akong inulan ng maraming tanong tungkol sa sugat ko sa noo at knowing Sasha wala na akong nagawa kundi sabihin ang totoong nangyare.

“Hayaan mo na. Baka mas lalo lang lumaki ang gulo pag ginawa mo iyon.”I shooked my head.

Mataray naman niya akong tinignan.”Hayaan? No way! Baka nga ang pamilyha pa nun ang nasa likod ngb pagpapakidnappped sayo e.”galit na bintang niya.

“Sasha! Hindi tayo puwede basta-bastang magbintang lalo na at wala tayong pruweba baka mamaya ay tayo pa ang mapahamak.”I said.

“Fine.”humalukipkip siya.“Palibhasa bitter. Teka alam mo na ba ang balita?”she asked me.

“Huh? Anong balita?”I asked curiously.

“Iyong about sa rumoured wedding ni Elysian at Sera na kumakalat sa balita.”she told me.”Nagsalita na kasi ang mga Corrins specifically si Elysian tungkol sa kumakalat na issue.”pagkukuwento niya.

“A-ano daw ang sinabi ni Elysian?”tanong ko.

“Ano pa ba? Edi sinabi niya na hindi totoo ang kumakalat na balita at walang kasalang magaganap. Kaya siguro sinugod ka ni Sera.”may sasabihin pa sana si Sasha kaya lang tumunog ang cellphone niya.

Heartless Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon