Chapter 6

16.5K 411 3
                                    

Chapter 6





Pagkatapos naming magsayaw ni Elysian dali-dali akong nagpaalam na pupunta muna sa restroom. Hindi ko alam kung bakit ako pupunta sa restroom kahit na hindi naman ako naiihi. Basta ng mapagtanto kong crush ko nga siya ay ngali-ngali akong nagpaalam sakanya. 'Ni hindi ko na nga nahintay pa ang sagot niya at umalis na ako agad dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.



Hindi ko namalayan na kanina ko pa pala pigil ang hininga ko hanggang sa makapasok ako sa loob ng restroom. Wala sa sarili akong napatitig sa salamin. Ang bilis ng tibok ng puso ko kanina ay unti-unti ng kumalma. Napabuntong hininga ako at napatitig sa salamin. Could it be?



"Kamusta naman ang feeling?"muntik na kong mapatalon sa gulat ng biglang may nagsalita sa gilid ko. Paglingon ko ay nakita ko ang nakangising mukha ni Sera.



"S-Sera..."gulat akong napasinghap sa mukha ng babae.



Mas lalong lumapad ang pagkakangisi ng labi niya at lumapit ng kaunti saakin na ikinaatras ko naman. Bigla akong nakaramdam ng takot ng maalala ang nagging huli naming pagkikita at kanina lamang iyon.



"Kamusta ang feeling prinse-prinsesa sa mansion ng mga Corrins?"nang-uuyam na tanong niya saakin.



Batid ko ang galit sa tono ng pananalita niya.



"Well...you don't need to answer. Kung ako sayo sulitin mo na lang while it last kasi baka pagkurap mo ako na ang nasa posisyon mo."she smiled evily.



"Hindi kita maintindihan, Sera. Hindi ko alam kung bakit galit ka saakin gayong wala naman akong ginagawang masama sayo."nagtataka kong sabi sakanya.



"Bitch!"she snapped. "Painosente pero haliparot naman. Ang bata-bata pa!"akusa niya.



"Hindi..."umiling ako at kinagat ang ibabang parte ng labi."...hindi totoo yan."



She laughed hysterically."Stop acting bitch! Gusto mo dagdagan ko ang sampal ko sayo kanina?"banta niya at umamba na sasampalin ako that made me flinched.



"Go and dare, Sera." isang malamig na boses ang nagsalita mula sa cubicle sa harap naming na biglang bumukas pagkatapos tuluyan ng lumabas ang babae sa cubicle.



Maganda ito, mala-gatas ang kutis ng balat at napakakinis. Parang maharlika ang dating lalo na ang tindig at postura nito.



"R-Rain?" gulat na sambit ni Sera habang nakatingin sa babae. Inayos ni Sera ang sarili at muli kaming nilingon. She is glaring at me.



Sumilay ang matamis na ngiti sa babaeng tinawag ni Sera na Rain."Yes, it's me Rain the one and only."



Lumapit siya saamin at hindi iniaalis ang tingin kay Sera na parang hinahamon niya ito.



"Don't make a scene here, Sera."ngumisi ito kay Sera."Unless talagang gusto mong galitin si Elysian then go ahead."she chuckled sophisticatedly.



Hindi nagsalita si Sera pero halata ang inis sa mukha nito ng nagwalk-out.



Humarap naman saakin si Rain."Don't mind her. She's really a bitch."paiirap na sabi niya..



Napatango naman ako.



"Zoey? Zoey!" Ishelle worried face came rushing to me."I saw Sera...lumabas siya dito I thought she did something bad to you again kaya nagmamadali akong pumunta dito."she explained.



Bumaling ang tingin niya sa kaharap namin.



"Rain!"nagulat ito ng makita si Rain pero ng makabawi ay niyakap niya ito at ginantihan naman din siya ng yakap pabalik nito."I thought you're in Hrysos?"

Heartless Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon