Chapter 23

6K 132 8
                                    

Chapter 23

Pinareserved pala nila ang buong restaurant kaya pala noong pagpasok namin sa loob ay walang katao-tao maliban sa mga staff at sa amin nila Elysian.

“Ahh I miss this!”Ishielle said emotionally.

Nahinto naman sa tawanan ang iba at napatingin sakanya, the girls look a bit teary-eyes.

“Kaya nga e. Ang tagal na din simula noong naglunch tayo kasama si Zoey.”Selene added.

“Sana masundan pa. Right, Zoey?”sabay baling saakin ni Gretta.

I smiled at them and then nodded.

It was a fun afternoon. Sobrang dami kong nakain at ng magpaalam si Selene na magrerestroom ay inaya na din niya kaming mga babae. Naalala ko noon nakagawian na naming apat na tuwing may magbabanyo na isa sa amin ay lahat kami sasama. The boys laughed at us. Inaasar na kung bakit kailangan may escort pa papunta banyo. Selene stuck out her tongue.”Puwede naman kayong gumawa kung inggit kayo.”

“Nah. We’re good.”nakangising sagot ni Ashen sabay iling sa mga pinsang babae.

Nagretouch sila Selene sa loob habang ako naman ay pinapanuod lang sila sa mga ginagawa nila ng mapasulyap saakin si Selene.

“Oh! I forgot. Bumili ako ng lipgloss. Naibigay ko na ang kay Gretta at Ishielle.”aniya at tila may hinahanap sa bag niya.”Here. This is yours.”sabay abot saakin ng isang lipgloss.

“T-Thanks.”

“Welcome! Bagay sayo ‘yan and the design…it’s so cute. Powerpuff girls! I got bubbles for you.”she squeezed.

Napatingin naman ako sa design ng lipgloss at nakitang si Bubbles nga iyon ng powerpuff girls.

“So cute right? Come on why don’t you try it?”she suggested happily. Ganoon din sila Ishielle na tumatango-tango pa na tila sinasabi na subukan ko ang ibinigay na lipgloss ni Selene kaya naman ganoon nga ang ginawa ko.

“Woah! It looks so shiny at ang bango pa ng flavour. I think its smells candy right?”Selene asked.

“Oo.”tumango ako.

“Did you like it?”

Nangingiting tumango ako sakanya.

“Great!”she happily hug me at ganoon din ang ginawa nila Ishielle at Gretta.

Nang makabalik kami sa table ay nagtatawanan na ang mga lalaki.

“Ang tagal niyo sa restroom girls ah.”Ashen chuckled.

Nagkatinginan kami nila Selene ay tsaka sabay-sabay na tumawa.

“Sorry.”Selene pouted.

“You girls are really…”hindi na tinuloy ni Ashen ang sinasabi at umiling na lang.

“Sometimes I wonder what’s interesting in the girls restroom.”Pierre laughed.”Kahit si Rain ang tagal din sa banyo.”

“Syempre, kuya Pierre unlike sainyong mga boys we have a lot of things to do inside the bathroom like to freshen up, put a lippie or a make up etc.”paliwanag ni Selene making the boys shook their head.

“Or to have a gossip?”Ashen added.

Napairap naman si Selene doon.”Whatever, kuya Ashen. We have to go. Hanap na kami nila mama. Tumakas lang talaga kami.”she said.

“You two…”Park sighed.”Stop giving your parents headache specially you, Selene.”

“Opo, kuya Park kaya nga aalis na kami e.”she winked at him.

”Bakit ba palagi na lang ako ang nakikita niyo. Ako kaya ang pinakamabait sa amin tatlo nila Gretta.”Selene murmured but it was so clear than everyone of us heard making us burst into laughter.

Habang tumatawa ay hindi sinasadyang napalingon ako kay Elysian nahuli ko siyang nakatitig saakin at ng makita niya iyon ay matamis niya akong nginitian then he mouthed ‘I love you’ dahilan para mapahinto ako sa pagtawa at mapatulala sakanya iba ang epekto nun saakin kumpara sa mga unang beses niyang sinabi ang tatlong salita na iyon. Parang nagslow mo ang paligid at si Elysian na lang ang nakikita ko him and his black pair of orbs sending me into a void…it was dark but beautiful. He is beautiful, his eyes were black like I am lost in the depth.

Isang marahan na haplos sa pisngi ko ang nakapagpabalik sa akin sa huwisyo. Si Elysian agad ang bumungad saakin ng mapakurap-kurap ako. How long since I started spacing out? Hindi ko namalayan ang pag-alis ng tuluyan nila Selene.

“Ishelle and the twins left a minute ago. You’re spacing out. Are you alright?”he asked worriedly. Nanatili pa din ang kamay sa pisngi ko.

“O-oo ayos lang ako. Sorry hindi ko namalayan na umalis na pala sila Ishelle.”sagot ko.

“That’s okay.”he slightly nodded.”But I want to know why are you staring at me while you’re spacing out. Tungkol pa din bas a interview ko? Is there a problem with that?”

Mabilis akong umiling sa tanong niya. Paano ko ba sasabihin na ang dahilan kaya tulala ako kanina ay dahil sakanya? Baka pagtawanan niya lang ako.

“Don’t tell me you space out because you can’t handle too much of my handsomeness is that it?”he asked.

He even gave me a shock face at bahagyang nakaawang ang labi niya habang nakatitig saakin. Hindi ko tuloy alam kung seryoso ba siya sa tanong niya o pinagtritripan niya ko.

“That’s like Ashen’s line. Huwag mong sabihing nahawa ka na sa kalokohan ng pinsan mo?”I giggled.

“Well…”he grinned meaningfully to me.

Sa mga sumunod na araw ay naging busy na ulit si Elysian kumpara sa mga nakalipas na araw ngayon ay sunod-sunod ang meeting niya. Nakikita ko ang pagod at pagkabagot sa mukha niya habang nagprepresent ang isa sa employee nila. This is his fourth meeting today may mga susunod pa at ang mga iyon ay sa ibang place na gaganapin ang meeting nila. He have to leave later at 2pm.

Nang matapos ay lumabas na agad si Elysian at saglit na nagtungo sa office nito pagkatapos ay mamaya-maya lang din ay aalis na.

“You don’t have to come to the next meeting, Zoey.”napahinto ako.

“Huh? Pero…”

“You can go early. You’ll see your sister today right? You’re going to watch a competition.”he told.

Doon ko naalala na manunuod pala kami ng swimming competition ni Cassidy Kingsley ngayon. Mabuti na lang at nabanggit ni Elysian kundi pag nagkataon ay hindi pa ko makakasama at siguradong magtatampo saakin si Sasha.

“Oo muntik ko ng makalimuta.”napangiwi ako.

Elysian smile lightly.”That’s why I’m sending you off. I’ll see you tomorrow, Zoey.”then he left the office…just like that.

Hindi ko alam kung may problema ba kami o kung may kasalanan ba ako sakanya…he seems a bit off. O mas tamang sabihin na ang formal formal ng pakikitungo niya saakin simula kaninang umaga pagpasok ko.  Baka talagang ganon lang siya sa trabaho? Napapabuntong hininga akong naupo saglit para magpahinga mamaya lang din ay aalis na ako at uuwi para makapagbihis bago pumunta at manuod sa swimming competition.

Heartless Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon