Chapter 18

6.3K 182 2
                                    

Chapter 18

Katulad nga ng sinabi ni Elysian kagabi wala nga siya sa opisina kinabukasan. Ashen told me that the meeting is about Elysian and Sera’s rumored wedding. I can’t help to be more curious. Si Sera ang kikitain nito sa sinasabi nitong out of the town meeting ang ibig bang sabihin nun totoo ang kumakalat na balita tungkol sa kasal nila?
Hindi ko namalayan na nakuyom ko pala ang kamao ko at parang may kung anong kumirot sa dibdib ko dahil sa balitang nalaman. Talaga bang ikakasal na siya? Bakit parang hindi matanggap ng puso ko na…

“E-Excuse me magrerestroom lang ako, Ashen.”paalam ko na ikinatigil naman ni Ashen sa pagsasalita at parang nagulat sa bigla kong pagtayo at pagpapaalam. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at iniwan na siya opisina niya para magtungo sa banyo.

Napahawak agad ako sa dibdib ko ng makapasok ako sa restroom. I don’t know why it hurts but it hurts. Gusto kong patigilin ang sakit na nararamdaman ko pero hindi ko alam kung paano at hindi ko din alam kung bakit sumasakit ang dibdib ko ngayon. Nagsimula lang ito noong banggitin ni Ashen ang tungkol sa relasyon ni Elysian at Sera. Sinabi niya saakin na sa makalipas na pitong taon ay tanging si Sera lang ang babaeng nakatagal kay Elysian ito lang din ang makitang madalas kasama ng binata kaya hindi na nakakapagtaka kung ito din ang makatuluyan ni Elysian. Habang sinasabi iyon ni Ashen hindi ko mapigilan na makaramdam ng pait sa puso ko. Ako dapat iyon. Ako dapat ang nasa tabi ni Elysian kung hindi lang nangyare ang lahat ng problema sa pamilya namin.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga at pinakalma ang sarili pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang pagkawala ng hikbi ko at nang mag-angat ako ng tingin sa salamin nakita ko ang mukha ko na basa na ng luha ang pisngi. Why am I crying? It was just a simple crush back there. Crush ko lang naman si Elysian kaya bakit nasasaktan ako ng ganito. At isa pa matagal na iyon. It was 7 years ago kaya dapat wala na din ang paghangang nararamdaman ko sakanya noon.
Mabilis kong pinahid ang luha ko ng biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong skirt ng tignan ko kung sino ang caller nun nakita ko ang pangalan ni Elysian.

“H-Hello.”I trembled.

“I’m on my way there.”

“Ano?”

“Papunta ako diyan sa office. Where are you?”aniya.

“Nasa restroom. Tapos na ba ang m-meeting mo?”I stumbled upon my words mentioning his meeting knowing that he met Sera and the meeting is all about their wedding.

Hindi agad siya sumagot hanggang sa may narinig akong buntong hininga sa kabilang linya.

”Anong sinabi sayo ni Ashen?”tanong niya.

Sumingot ako bago sumagot.”Wala naman.”pagsisinungaling ko.

“Zoey, tell me what did he tell you? And are you crying in the restroom?”

“H-hindi. B-bakit naman ako iiyak?”balik tanong ko sakanya at mariing kinakagat ang ibabang parte ng labi para pigilan ang makalikha ng ingay.

“Damn it! Wait me at my office…”

“Elysian…”

“Fucking wait me at my office, Zoey. I’ll be there in five minutes.”gigil nitong utos saakin tsaka binaba na ang linya.

Wala na akong nagawa kundi maghintay nga sa office ni Elysian.

Habang naglalakad patungo sa office ni Elysian  nakita ko si Ashen na naghihintay saakin sa labas ng office ni Elysian.

“Let me guess pabalik na ang boss mo?”he grinned at me.

Tumango ako.

“Umiyak ka? Namumula ang mata mo, Zoey.”mas lalong lumapad ang pagkakangisi niya.

Napanguso ako at nag-iwas ng tingin sakanya.

“So it work, huh.”humalukipkip siya.”Hindi ka pa din nagbabago.”nailing na sabi niya.

“Anong ibig mong sabihin?”kunot-noong tanong ko.

“Maka-Elysian ka pa din. You’re just unaware, Zoey but you want all his attention.”

“Ano?”

“Hmm let just say you always want to be with Elysian even though the four of us are available siya pa din ang hahanapin mo.”he said meaningfully.

“Hindi kita maintindi---“

“ZOEY!”

Paglingon ko agad akong sinalubong ng yakap ni Elysian. Napakurap-kurap ako at hindi agad nakabawe.

“You assholes!”Elysian growled at Ashen making his cousin chuckles.

“I just give a slight push that’s all. Hindi ko naman ginustong paiyakin si Zoey.”paliwanag ni Ashen.

Si Elysian naman ay saakin na bumaling at tila sinusuri ang mukha ko.”You cried.”puna niya.

Napanguso ako pagkatapos umiling.

“Hindi.”bahagya akong lumayo sakanya at ipinagsalikop ang dalawang kamay ko.

“Oh, baby you know you’re not a good liar. Come here.”muli niya akong hinila at niyakap.

“Tell me why did you cried?”tanong niya.

Hindi ako suamgot. Nakakahiya!

Maya-maya pa ay hinagod niya ang likuran ko at nanatili kami sa ganoong puwesto.

“I was in the meeting…it is a friend. He’s offering me a partnership in his new business. We haven’t talk about it yet because I hurriedly drove here when I heard your sobs.”he explained, sighing.

Friend?  His? Lalaki? Pero ang sabi ni Ashen? Did he tricked me?

I pulled from our hug and I looked at him confused.

“Meeting? Friend? Lalaki ang kameeting mo?”I asked him.

He nodded.”Yes.”

“Pero ang sabi ni Ashen kasama mo ngayon si Sera at pinag-uusapan niyo ang kasal niyo?”

Biglang nawalan ng emosyon ang mukha niya.

“He told you that?”he asked, nag-iigting ang panga.

Tumango ako.

“Kaya ka umiyak dahil akala mo si Sera ang kasama ko sa meeting?”

Hindi ako sumagot at pilit na iniiwas ang mukha ko that he is cupping right now.

“Baby, if it’s not you I’m going to marry then fuck whoever that girl is.”sumimangot ang mukha niya.”Huwag kang nagpapaniwala sa sinasabi ni Ashen. Baliw na ang isang iyon.”

“Pero nasa balita kayo ni Sera.”I pointed out.

“I know.”he sighed.”Bukas aayusin ko ang tungkol doon so you don’t have to worry about it.”aniya.

“Hindi naman ako nag-aalala tungkol doon t-tsaka a-ano bang pake ko kung i-ikasal k-kayo ni Sera. It’s not like we have a relationship or something.”nailing na depensa ko.

He lick his lower lips and then he look at me as if he see something amusing.”Looks like you forgot something, baby.”

“Ano ba puwede bang tigilan mo ko sa kakatawag na baby. Hindi mo naman ako baby at hindi na ako baby.”umiiling na sinabi ko.

“I know. I can see. Then if you are not a baby anymore that means I can do this now…”he said huskily.

Bago ko pa matanong kung anong ibig niyang sabihin ay sinunggaban na niya ako ng halik. Mabagal lang sa una at tila nang-aakit ang halik niya at ng mahina akong mapadaing dahil sa halik niya narinig ko ang sunod-sunod na pagmumura niya at ang pagpasok niya sa akin sa loob ng opisina niya.

“You’re right you’re not a baby anymore, Zoey.”he smirked at me. Parehas pa kaming hinihingal.

Heartless Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon