Chapter 12

14.4K 377 4
                                    

Chapter 12

Sinundan naman ako ni Sasha hanggang kuwarto ko at mukhang walang balak tantanan tungkol sa nalalapit na kaarawan ko. Wala ata siyang ibang planong gawin kundi ang kulitin ako tungkol doon buong araw.

“Come on, Zoey! That's your 18th  birthday hindi puwedeng hindi natin icelebrate!”apila niya at naupo sa gilid ng kama ko.

“Sasha.” napabuntong hininga ako. Nakaraang buwan niya pa ko kinukulit tungkol sa birthday ko kahit na sinabi ko naman na na ayokong icelebrate iyon.

“Hindi naman ako nagcecelebrate ng birthday noong 14 hanggang 17 ako e. Ano ba naman iyong hindi din ako mag celebrate ng 18.”kibit-balikat na sagot ko. Umupo ako sa harap ng vanity mirror at kinuha ang brush pagkatapos sinuklayan ko ang buhok ko.

"Exactly! For a change!"tumayo siya at lumapit saaakin tsaka kinuha niya ang brush at siya na ang nagsuklay sa buhok ko. Pagkatapos ng lahat ng nangyare sa pamilya namin ay nabago ang relasyon ko kay Sasha. Noong mga panahon na kami lang nila kuya ang nagtutulungan at nagdadamayan I started to treat her like a real sister at nararamdaman ko din na ganoon siya saakin although hindi kami nakapag-usap about sa past treatment namin sa isa't isa pero pakiramdam ko ayos na kaming dalawa at hindi na naming kailangan pag-usapan pa ang tungkol doon. Hindi na siya nagiging bitch saakin...sa iba na lang.

"Atsaka debut mo 'yon. Finally legal age kana!"she clapped her hands, happily.

"Sasha, naman e. Atsaka tatlong linggo na lang ay birthday ko na. Wala ng oras para sa preperasyon."pagdadahilan ko naman.

"Leave it to me! Ako ng bahala doon. All you need to do is say yes and boom we'll give you the best party ever!"nangniningning sa excitement ang mga mata niya.

"Fine."nailing na pagpayag ko. I give up.

Napapalakpak siya."YES!"she exclaimed.

"So anong pinag-uusapan niyo girls? Mukhang masaya ka, Sasha, ah? Hmm...let me guess napapayag mo na si Zoey na magcelebrate ng 18th birthday niya?"nakangising tanong ni kuya Zach na pumasok sa kuwarto ko. Nakapang opisinang attire pa ito at kakauwe lang.

“Hindi talaga ako tatantanan ni Sasha e.”naiiling na sabi ko kay kuya Zach at yumakap dito.

Humalakhak naman si kuya Zach.”You know Sasha.”makahulugan nitong sabi saakin.

Napanguso naman si Sasha saaming dalawa ni kuya Zach.

"Anyway, movie marathon tayo? I bought ice cream on my way home."he wiggled his eyebrows.

"OMG!"sabay na tili namin ni Sasha at natawa ng magkatinginan kami. Saturday bukas at wala akong pasok.

Napailing naman si kuya Zach sa nagging reaction naming ni Sasha.

"Sige na bumaba na kayo. Susunod na din ako magbibihis muna ako."si kuya Zach at lumabas na ng kuwarto ko.

Nang makita ako ni Sasha na papunta sa kinatatayuan niya ay nakangisi niya kong sinalubong. Mukhang kinareer talaga nito ang paghahanda para sa birthday ko.

“So what do you think, huh?”she asked proudly habang inilalahad sa akin ang kabuuan ng venue kung saan gaganapin ang 18th birthday ko.

“Speechless?”she raised an eyebrow. Hinawakan niya ko sa braso at sinimulang itour sa kabuuan ng lugar.

Puro pastel colors ang makikita sa lugar dahil iyon ang tema ng debut ko. Hindi ko alam kung paano namanage lahat ni Sasha ang preperasyon para sa 18th birthday ko gayong kaka-oo ko lang naman kahapon. Siguro nga matagal na niya itong plinano. Si Sasha talaga...

Heartless Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon