Chapter 9

14.3K 353 4
                                    

Chapter 9



Halos mabali na ang leeg ko sa kakahanap kay Elysian sa party pero bigo akong makita siya 'ni kahit anino nito ay hindi ko nakita. Where could he be? May emergency ba ito at hindi makakapunta sa party?

“Zoey.” untag ni Ishelle na nasa tabi ko. Gulat akong napatingin dito bago may kung ano itong inginuso sa harap namin. Nang sundan ko kung ano iyon nakita ko ang nakakunot noong si Kuya Zach. Ang pag-iisip tungkol kay Elysian ay saglit kong nakalimutan dahil kay kuya Zach.

Agad akong tumayo at niyakap ito.”Kuya Zach!”

“Happy birthday, princess!”hinalikan ako nito sa pisngi.

“Salamat, kuya!”

“H-Happy birthday, Zoey.”parehas kaming napalingon sa puwesto ni Sasha. Nakairap ito at tila nahihiya. 

Marahan akong ngumiti dito at tumango.”Salamat.”

Binuka nito ang bibig pero muling itinikom pagkatapos ay tumango na lang at umalis na.

“Sila mama?”baling ko kay kuya Zach.

“Malalate lang sila ng kaunti pero makakarating sila.”ngumiti ito at tinapik ang ulo ko.

Napanguso ako.”Ganoon ba. Halika dito ka muna maupo.”aya ko kay kuya Zach.

“Mukhang namiss ako ng prinsesa ko ah!”biro niya.

“Sinabi mo pa!”I giggled.

"Asan nga pala ang mga Corrins?"tanong niya ng makaupo.

Nagtanguan muna sila ni Ishelle ng magtama ang mga mata nila.

"Iba ang table nila saamin, kuya Zach."paliwanag ko.

"I see."tumatangong komento ni kuya Zach ng ilibot ang paningin sa iba pang kasama ko sa table na sila Selene at Gretta.

"Hindi na din ako magtatagal at babalik na ko sa table na nakareserve sa pamilya natin. Enjoy your night, princess."he winked.

Nang makaalis si kuya Zach ay impit na tumili si Selene.

"That's your kuya Zach, Zoey?"hindi makapaniwalang tanong ni Selene.”He's drop dead gorgeous!"tila natatakam na komento niya pa.

Napailing naman si Ishelle sa inasal ni Selene."I know you, Selene. Siguradong isang linggo lang at iba nanaman ang gusto mo."

"You bet."inismiran siya ni Selene at kinuha ang pineapple juice nito.

Samantalang napansin ko naman ang kakaibang kislap sa mata ni Gretta habang pinagmamasdan ang dalawa. Para bang may nakikita siyang interesanteng mangyayare? Weird.

"Sisters over boys, girls."makahulugang sabi ni Gretta na ikinakunot naman ng nuo ng dalawa.

Nagkatinginan sila Selene at Ishelle bago nagtaasan ng mga kilay.

"Basta! I like Zach, that's it!"pagtatapos ni Selene sa usapan.

Nagkibit-balikat na lamang si Gretta samantalang wala namang imik si Ishelle.

"Zoey Cadwell, the birthday celebrant. "Nakangiting lumapit saakin si Sera? Parang mas tumangkad si Sera at nagmatured?

Sopistikada itong tumawa."Oh! Forgive me, my name is Seraphina I'm Sera's mother."pakilala nito.

Magkamukhang-magkamukha sila kung hindi lang sa pangangatawan at ang pagkamatured ng ginang ay talagang aakalain na siya si Sera.

"G-goodevening po!"

Marahan siyang tumango at ngumiti saakin."here's my birthday gift, hija. I wanted to give it personally because I want to see the birthday celebrant."she smiled creepily.

"T-thank you."

Tumango siya at nagtagal ang tingin saakin bago binati ang iba pang nasa table. Hindi din ito nag-tagal at umalis na.

"Like mother like daughter."komento ni Selene ng makaalis na ang ginang.

"Anong ibig mong sabihin?"takang tanong ko.

Pumangalumbaba si Ishelle sa lamesa at tumingin sa gawi ko.

"Sinubukan din kasi noon agawin ang daddy ni kuya Elysian kay tita Aleign."tamad na kuwento ni Ishelle.

"A-ano?"

"Pero hindi siya nagtagumpay. Noon pa 'man talagang target na ng pamilya nila Sera na mapangasawa ang mga Corrins pero 'ni isa sakanila ay hindi nakapangasawa ng isang Corrins."

"But she seems nice."komento ko. Bumaba ang tingin ko sa regalo na ibinigay nito saakin.

"Mukha lang."Selene grinned.

"Zoey!"

"Mom! Dad!"

"Happy birthday, princess!"

I decided to join mom in their table. Halos nahahati ang atensyon ko sa mga bisitang walang sawang bumabati saakin at karamihan doon ay hindi ko kilala.

"We are planning to go england by the end of the month, Zoey."balita ni mommy."May laro kasi ang kuya mo at sa england gaganapin."

Napatingin ako kay kuya na ngayon ay nakangisi saakin. Isang soccer player si kuya at madalas niyang bigyan ng karangalan ang Hacres Harith dahil sa husay niya sa larong iyon.

"Gusto mo bang sumama?"nakangiting tanong ni mommy.

Agad na lumiwanag ang mukha ko sa narinig ko.

"Really, mom?"I smiled widely."Syempre po gusto ko sumama."I nodded.

"Sabi ko na e. Kaya limang ticket na ang ipinabook ko."sabi ni kuya Zach sabay kindat saakin.

"Thank you!"masayang-masaya kong niyakap si kuya Zach napabitaw lang ako ng may umubo sa likuran ko at pagharap ko kung sino iyon it was Elysian.

Seryoso ang mukha nito at nakalagay ang isang kamay sa bulsa ng suot na pants. 

"Ely!"tumayo si kuya Zach at nakipag-apir dito.

"Goodevening, tito Zam."bati ni Elysian kay dad at bumaling naman siya kay mom."Tita Chloe."hinalikan niya sa pisngi si mom at nang mapadako ang tingin kay Sasha ay tumango siya sa babae."Sasha."

"Hi Ely!"Sasha greeted Ely. Siya mismo ang lumapit dito at humalik sa pisngi ni Ely. Bahagya akong nagulat doon kahit pa alam ko naman na mga bata palang kami ay may gusto na si Sasha kay Elysian.

Napalingon ako kay kuya Zach ng mahina itong tumawa.

"Sasha."marahang saway ni mom kay Sasha. Si Sasha naman ay ngumisi lang sa direksyon ko.

"I'm sorry. I just missed Ely so much."Sasha pouted then glanced at my direction and smirked.

Akmang ikakawit ni Sasha ang kamay sa braso ni Elysian ng mabilis itong umalis sa kinatatayuan at nagpunta sa tabi ko.

"Mom is looking for you."aniya.

"Huh? B-bakit daw?"

"She wants to introduce you to some guests."sagot niya.

Tumango ako sakanya bago nagpaalam kila mom at iniwan na sila sa table nila.

“Ah!”tili ko ng biglang mamatay ang ilaw. Nabitawan ko ang kamay ni Elysian at narinig ko ang pagmumura nito. Maya-maya pa ay may kung sino ang nagtakip ng tela sa ilong ko at nawalan na ko ng malay.

Elysian...

Nagising ako sa isang madilim na lugar.  Hindi ako makagalaw.

"TULONG!"sigaw ko. Nasilaw pa ko sa liwanag nang bumukas ang pinto sa harap ko.

"Gising kana pala."he grinned.

"S-sino ka?"

"Hindi mo na kailangan malaman iyon miss."iling niya.

"A-anong...anong kailangan mo saakin?"takot na tanong ko.

Nahigit ko ang hininga ko ng kinuha nito ang isang baril sa tagiliran at kinasa iyon. Nakakatakot ang mukha nito ng muli itong mag-angat ng tingin saakin.

"Kailangan mong mamatay, Zoey Cadwell."he smiled devilishly.

"N-No..."mahinang usal ko ng itutok niya saakin ang baril.

Pagkatapos nakarinig ako ng putok ng baril at ang pagtumba ko sa sahig. Unti-unting nanlabo ang paningin ko hanggang sa narinig ko ang boses ni kuya Zach at ni Elysian.

Heartless Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon