Chapter 31
“Mrs. Corrins...”napahinto ako ng tawagin ako sa apilyiedo ng asawa ko. Matagal na kaming kasal ni Elysian pero sa tuwing tinatawag ako sa apilyiedo ni Elysian hindi ko pa din mapigilan na manibago at mapangiti. Agad na bungad saakin ang principal sa Greenfields Academy. Pangatlong beses ko na itong naipapatawag sa principal office sa buong linggo dahil sa mga kalokohan ng anak ni Elysian. Kung bakit kasi sakanya pa nagmana e. Okay na sana na namana nila ang kagwapuhan at magandang lahi ng Corrins pero bakit pati ugali nakuha din ng mga anak namin. Tss!
“Mrs. Santibañez.”I smiled apologetically at her.
“Mom!”agad na lumapit saakin si Ezeyll nang makita ako. Yumakap pa ito saakin.
“What happened, Ezeyll?”I sighed.
Napanguso naman ito at hindi sumagot.
“Mrs. Santibañez, ano po bang kasalanan ni Ezeyll?”tanong ko ng makaupo ako sa visitor's chair.
“Actually, Mrs. Corrins, walang ginawang problema si Ezeyll. In fact, siya po ang nagpatawag dito sa principal office para sabihin na dinaya siya sa laro.”paliwanag ni Mrs. Santibañez.
Nanlaki ang mata ko at ako ang nahiya sa inasal ng anak. Kelan ba ko masasanay sa mga anak namin ni Elysian?Like father like sons.
Pagkatapos kong kausapin si Mrs. Santibañez ay sinundo ko na din si Eosell. Naabutan ko ito sa classroom na tahimik sa isang sulok. Nakamasid lang sa paligid niya at walang kareak-reaksyon ang mukha.
“EOSELL!”tawag ni Ezeyll.
Napangiwi ako ng makitang may teacher pa na nagtuturo sa loob ng classroom ni Eosell at itong si Ezeyll walang pasintabing tinawag ang kapatid niya.
Nang makita kami ni Eosell ay doon lang nagkaroon ng reaksyon ang mukha nito. He grinned at his brother. Tumayo ito at saktong tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase nila.
"Mom, Ezeyll."nangingiting bati ni Eosell ng makalabas siya sa classroom nila. Kuhang-kuha nito ang lahat ng features ng ama niya, minsan nakakapagtampo lang dahil ako ang nagdala sakanila sa loob ng siyam na buwan tapos kay Elysian lang pala silang dalawa magmamana.
Nakipag-apir ito sa kapatid at yumakap naman saakin.
Hindi ata matatapos ang buong isang linggo na hindi ako ipinatatawag sa principal office dahil sa dalawang ito. Hindi sila ang inirereklamo, sila ang nagrereklamo. Corrins nga naman.
"Ano bang gagawin ko sainyong dalawa."naiiling na sambit ko.
Napatingin silang dalawa saakin at niyakap ako.
"Mom, don't stress yourself too much. Hindi ka pa ba sanay na laman ka ng principal office?"Eosell asked coolly.
"Eosell, hindi ako natutuwa. Masiyado kayong iniisipoiled ng daddy niyo."I shooked my head.
Hanggang makarating kami sa sasakyan ay ganoon ang pinag-uusapan namin.
"Baby,"
Nagulat ako ng pagdating namin sa mansion ay nandoon na si Elysian. Maaga itong umuwi galing Corrins Empire?
Nakipagfistbum sakanya ang mga anak namin.
"Inistressed niyo nanaman ang mommy niyo?"naiiling na tanong ni Elysian sa dalawa.
Lumapit ako at inirapan siya pagkatapos ay hinalikan siya sa labi."Paano iniispoiled mo. Sa susunod na ipatawag ako sa Greenfields Academy dahil sa pagigig mala-hari umasta ng dalawang 'yan bahala na talaga kayong mag-aama sa buhay niyo."walang laman na pagbabanta ko sakanila.
BINABASA MO ANG
Heartless Billionaire
Teen FictionElysian Corrins (1) In an ocean crowd where everyone waiting for the King to choose them as his Queen, there this woman who stand out and for the very first time the Heartless Billionaire melt as he lay his eyes on her and in that moment he knows he...