Chapter 16

15.2K 369 9
                                    

Chapter 16

Nasa harapan ako ng Corrins Empire napakatayog ng gusali na pagmamay-ari ng mga Corrins.

Nasa pinakahuling floor ang mga office ng may-ari ng Corrins Empire. Sa huling floor andoon ang mga office nila Park, Pierre, Ashen, Deyron at Elysian. Ang pangalawa sa panghuling floor naman ay andoon makikita ang office ng mga secretary nila. And the rest of the floors of Corrins Empire ay nahahahati sa Limang pamamahala. The first 8 floors are under Park’s supervising. The next 8 floors are under Pierre’s. The next 8 floors are under Ashen’s care. The next 12 floors are under Deyron’s’. And the 13 floors are under Elysian’s. May 49th floors ang Corrins Empire. But I heard that all the floors in Corrins Empire are all subject to Elysian’s ruling.

“Miss Zoey Cadwell?”a woman approached me.

Napalingon ako ditto at magalang na ngumiti.”Yes po, Ma'am.”

“This way po.”iminuwestra nito ang unahan.”Kanina pa po kayo hinihintay ni sir Elysian.”

Nanlamig ako ng marinig ko ang pangalan ng lalaki. Akala ko ba busy siya? Palihim akong napairap. Ilang beses akong patagong napapabuntong hininga habang naglalakad kami patungo sa office ni Elysian.

The woman knocked three times before she open the door.”Sir Elysian, miss Zoey Cadwell is here. Your new secretary.”anunsyo ng babae ng makapasok kami sa opisina ni Elysian.

Parang reunion ang nangyare. Andoon ang Corrins Cousins at ang Sisters Corrins. Palihim kong pinunasan ang pawis na tumulo sa gilid ng noo ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang tagal na noong huli ko silang nakita at nakausap.

Mula sakanila ay bumaling sa babae ang atensyon ko.

“Secretary?”naguguluhang tanong ko ng makabawe ako sa pagkabigla.

“Yes, Zoey. Nagresigned kasi ang secretary ni Elysian. Pansamantala lang naman habang wala pang nahaha---“

“Wala naman ng balak maghanap yan e.”singit ni Ashen kay Park.

Humagalpak naman ng tawa si Ashen at Pierre.

“P-pero po hindi kasi iyon nasabi saakin.” Marahan akong napailing.

“Wag ka mag-alala hindi ka naman papahirapan ni Elysian. Wala ka namang ibang gagawin kundi umupo lang sa kaharap na lamesa ni Elysian.”nakangising wika ni Pierre.

“H-huh?”

“Kuya Pierre, Kuya Ashen, that's enough!”saway ni Ishelle sa dalawa.

“Ako ang nagrecommend sayo, Zoey.”si Deyron.”I'm sure you can be an effective secretary. Highly recommended ka ng school mo na makapasok sa Corrins Empire. And I've done some background checked about your academics and you're top of your class and your batch. Running for summa cum laude.”dagdag niya pa.

“And also in sports? You're a multi-tasking person. Flexible. And reliable.”si Ashen na seryoso na ngayon habang nakahalukipkip.

Hindi na ko nagulat sa mga sinabi nila pero hindi ko pa din maiwasan na mamangha. Talaga bang binabackground check nila ang mga tinatanggap nilang nag-oojt dito? Ganoon sila kahigpit? Sabagay Corrins Empire ito at hindi basta-basta.

“Don't worry, Zoey. Siguradong madami kang matutunan kay Elysian.”si Pierre.

Mabagal akong tumango sa mga ito. Kahit naguguluhan ay wala naman na kong magagawa. Hindi naman ako puwedeng humindi lalo na at ojt ako dito. At boss ko sila.

“Sige po.”I nod politely.

“Great!”nagulat ako ng sabay na napapalakpak si Selene at Gretta. Napangiwi naman si Gretta ng makita akong napatingin sakanila at napaayos silang dalawa ng pagkakatayo.

“Skip the formalities and introduction, Zoey. Magkakakilala naman na tayong lahat. We'll just go ahead and we will leave the two of you. Si Ely na ang bahala sayo. He will be your 3 weeks boss.”paliwanag ni Park.

“Ok po, sir.”

Mahina itong tumawa at umiling.”Park na lang. Hindi ako sanay.”he then laugh awkwardly.

“Pero boss ko kayo that’s why I have to address you in formalities.”depensa ko.

“Si Ely lang ang boss mo. So just call us by our names.”Park gave me a slight nod.

“Kahit nga si Ely ayaw patawag ng sir e.”nakangising sabi ni Ashen.

“Masiyado ka namang others, Zoey. Parang hindi ka naman tumira sa mansion ng mga Corrins.”Pierre grinned.

“Ang tagal na po kasi n'on.”I reasoned out.”Atsaka nasa trabaho tayo.”

“You have a point there. But still don't call us sir. Kapag tinawag mo kaming sir irereport ka namin sa school mo.”Ashen smirked.

“H-huh?”

“Tss! Ang kukulit niyo. Iwan na nga natin sila!”si Selene at hinila na sila ng mga babae palabas ng opisina.

Nang tumahimik at maiwan kami ni Elysian sa loob ay biglang naging awkward ang atmosphere siguro dahil wala ng maiingay.

“Ah.”I faked a cough.” Saan po ba ako magsisimula, Sir?”tanong ko.

Imbis na sagutin ako ay tumitig lang siya saakin. Naiilang naman ako sa paraan ng pagtitig niya.

“Si---“

“It's Elysian, Zoey.”

“Sorry po.”I gulped. Naalerto ako ng tumayo ito.

“Follow me.”he command. Pagkatapos nauna ng lumabas.

Naabutan ko siya sa elevator at ng makita niya ko ay pumasok na siya sa loob. Patakbo naman akong sumakay doon.

“Saan po tayo pupunta?”tanong ko.

“I have a party to attend tonight. You need to be there too.”

We reached a fashion boutique. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin dito lalo na at pambabae ang boutique na pinasukan namin. Bigla kong naisip si Sera. Baka bibilhan niya ang babae ng gown. Siguradong siya ang date nito sa party na pupuntahan mamaya. Naiisip ko tuloy kung hindi ba magiging awkward kung magkasama kaming tatlo mamaya? Pero trabaho naman ang ipinunta ko doon kaya.

“Zoey.”tawag niya kaya naman nabalik ako sa realidad. At tarantang nilapitan si Elysian na kausap ang sales lady.

“S-Sir...”nang makitang lumukot ang mukha niya ay dali-dali kong binawe ang sinabi.”I mean Elysian.”I gulped.

“Para sakanya po ba, Sir?”nakangiting tanong ng sales lady.

Tumango si Elysian at sabay silang dalawang bumaling saakin. Nagtataka ko naman silang dalawang tinignan.

“Ah marami po kaming bagay na gown para sakanya. I'm sure fit po iyon sakanya lalo na at maganda po ang pangangatawan niya. Balingkinitan.”

Bigla naman akong naconscious sa sinabi ng saleslady.

“Okay.”ani Elysian.

“This way ma'am.”iminuwestra ng sales lady ang unahan at nagtataka naman akong naglakad.

“Sabi ni sir kailangan niyo daw po ng gown for a party. Formal daw po.”

After one and half hour ay sa wakas nakapili na ko.

“S-Sorry natagalan.”wika ko ng makalapit ako sakanya.

Tumango lang siya at nag-abot sa cashier ng card.

“Ah...puwede naman ako na ang magbayad.”sabi ko.

Naswipe at naibalik na sakanya ang card niya bago ako hinarap.

“Nabayaran na.”aniya. Pagkatapos nauna ng lumabas bitbit ang paper bag.

“Sino ba ang may party mamaya?”maya-maya pang tanong ko.

“Remember Calyante?”he asked.

Tumango ako. Isang beses ko lang ito nameet noong dinala niya ako sa party na inihanda ng mga kaibigan niya para sakanya.

“He's married now.”

Heartless Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon