Prologue
Someone‘s POV
Year 1997
“MARY, sabay na tayo,” agad akong napalingon sa aking likuran ng may marinig akong magsalita. Pagkaharap ko, bumungad sa akin ang napakaaliwalas at nakangiting mukha ni Clara. Isa siya sa mga kaibigan ko dito. Maliban kina Vince at Khyla, siya din ang palagi kong nalalapitan.
“Kakarating mo palang ba?” tanong ko sa kaniya. Kasalukuyan kaming narito sa paaralan ngayon.
“Mga ilang saglit na din ako rito. Talagang hinintay kitang dumating para may kasabay ako. Alam mo na, iba ‘yung pakikitungo ng ilang kaklase natin sa ‘kin. Ikaw lang naman ang nakakaintindi sa akin e. At tsaka, sila Vince at Khyla din pala,” aniya.
“Hayaan mo nalang sila. Ang importante, wala kang ibang ginagawang masama,”
“Maiba tayo, ba‘t hindi mo nga pala kasabay ‘yung dalawa?” tanong niya, tinutukoy sina Vince at Khyla.
“May dadaanan pa kasi daw sila kaya nauna nalang akong pumunta dito. Maya-maya din, dararing na din ‘yun,” paliwanag ko pa sa kaniya.
Napahinto kami sa aming pag-uusap ng biglang tumunog ang bell sa buong campus, hudyat sa pagsisimula ng klase. Kaagad naman naming tinungo ang aming classroom. Magkaklase kami ni Clara, nasa may second floor ‘yung classroom namin. Samantalang sina Vince at Khyla naman ay magkaklase din. Grade 9 palang kami at sina Vince at Khyla naman ay Grade 10 na.
Sakto namang pagdating namin, wala pa si Mrs. Macapagal. Ang adviser namin.
Ilang saglit pa, dumating na din ito at nagsimula na sa kaniyang klase. Tahimik na ang buong campus dahil lahat ay aligaga na sa mga bawat klase nila. Pukos na pukos naman kaming lahat sa harap, nakikinig at nagsusulat habang nagtuturo si Mrs. Macapagal ng kaniyang leksiyon. Isang oras na ang lumipas, natapos na din ang unang klase namin.
“Kain muna tayo?” anyaya sa akin ni Clara. Tumango lang ako sa kaniya bilang pagsang-ayon.
Ibinalik ko muna sa loob ng aking bag ang mga gamit ko at pagkatapos nun ay tumungo na kami sa may canteen. Habang nasa hallway, narinig naming dalawa ang isang pamilyar na boses. Nang kami ay humarap, nakita naming dalawa ang tumatakbong sina Khyla at Vince.
“Sa‘n punta niyo?” usisa sa amin ni Khyla at hingal na hingal ito, maging si Vince rin.
“Sa canteen lang, kakain,” sagot naman sa kanila ni Clara.
“Bakit ba kasi kayo tumakbo?” ako naman ang nagtanong sa dalawa.
“Panay kasi ang tawag namin sa inyong dalawa kanina, hindi niyo naman kami narinig kaya tumakbo nalang kami para mahabol kayo,” ani Vince, tagaktak ang mga pawis sa kaniyang mukha.
“Ganun ba, ang ingay din kasi kaya siguro hindi namin kayo narinig,” gagad ko. “Sabay na kayo sa amin,” dugtong ko at sabay na kaming apat na pumunta sa canteed upang makakain. Araw-araw namin itong ginawa, ang sama-sama kaming kumain o di kaya ay ang umuwi mag-hapon kapag tapos na ang bawat klase naming lahat.
Nang marating namin ang canteen, kaagad kaming tumungo sa may counter upang makabili ng aming makakain.
“Ay teka lang, naiwan ko yata ang wallet ko sa bag,” turan ni Clara. Napatingin kami sa kaniya.
“Pahiraman nalang muna kita,” pagrepresenta ko pa.
“Naku ‘wag na Mary. Kunin ko nalang ‘yun. Balik din ako kaagad,”
“Sigurado ka? Pwede ka naman manghiram muna sa amin e. Tsaka, ang layo ng classroom natin mula dito. Mapapagod ka lang mag akyat-baba niyan,” dugtong ko.
BINABASA MO ANG
What Happened To Mary?(Completed√)
Mystery / ThrillerIt was December 4, 1999, and Mary Dedios, a cheerful, well-rounded, and kind young lady, had been reported missing. No one knows what happened or where she has been since that day, and the question of who did it to her remains unanswered. Mary's mys...