EPISODE 2

184 17 27
                                    

Episode 2

She is Mary Dedios

••••

DECEMBER 04, 1999

Mary‘s POV

“HINDI ka na ba ginugulo ni Monica at ng mga kaibigan niya?” tanong sa akin ni Khyla.

It‘s been almost a year, pero sa isang taong iyon, wala akong ibang naranasan kung hindi ang mga pangbubully sa akin ni Monica. She was really angry at me to the point na pinagsasabihan niya na ako ng mga death threats. Pero hindi ko iyon inisip dahil hindi naman niya iyon ginagawa. Natatakot man, pilit kong pinapakita sa kaniya na hindi ako apektado sa mga pinagsasabi at mga pananakot niya sa akin.

“Hindi na. Wala na rin naman kasi siya sa eskwelahan e. Ang rinig ko, pumunta na daw sa ibang bansa. Mukhang namang totoo, pero iyong magulang niya e hindi naman niya daw kasama sa pag-alis. Pero huwag ka ng mag-alala, ok na naman dahil wala na siya dito,” mahabang pagpapaliwanag ko pa sa kaniya.

“Buti naman at umalis na din siya,” anas pa nito.

Masaya nga ako ng marinig ko ang usap-usapang iyon pero mukhang hindi iyon totoo. Baka hindi nga talaga pumunta ng ibang bansa si Monica. Ewan ko, hindi ko alam. Tsaka, wala naman akong pakialam sa kaniya. Ang mahalaga lang ay payapa na ang buhay ko. Wala ng manggugulo sa akin.

Iyon lang ang mahalaga.

****

FIVE DAYS LATER

NAGKAKASIYAHAN ang buong bayan ng Amorsolo dahil kapistahan ng kanilang patron ngayon. Bawat isa ay aligaga sa kani-kanilang mga gawain. Maraming tao ngayon at maririnig mo ang saya sa mga boses ng bawat isa.

"Nay, saan ko po ito ilalagay?" tanong ng isang dilag sa kaniyang mahal na Ina.

"Doon na lang sa loob anak. At saka, tawagin mo na rin ang ate mo. May iuutos lang ako sa kaniya." Sagot naman ng kaniyang ina sa kan'ya. Tumango na lamang ito at kaagad na pumasok sa kanilang bahay at sinunod ang iniuutos sa kaniya ng ina niya.

"Ate May, tawag ka po ni mama doon sa labas," Tawag nito sa kaniyang nakatatandang kapatid na kasalukuyang naghuhugas ngayon ng mga pinagkainan ng mga bisita.

Hinintay niyang sumagot ang kaniyang ate ngunit wala itong tugon mula sa kaniya. Matagal ng ganito sa kaniya ang sarili niyang ate. Kung hindi siya kinikibo nito, minsan naman ay galit ito sa kaniya.


Hindi na niya lamang pinansin pa ang ugali ng kaniyang ate. Nasanay na rin naman siya.

Nagbihis muna ito ng damit dahil balak nila ngayon ng kaniyang dalawang kaibigan na sina Khyla at Vince na pumuta sa bayan kung saan gaganapin ang palaro. Mahilig silang manood ng mga laro lalo na pagdating sa baskteball. Hindi din naman kalayuan sa bahay nila ang bayan.

Matapos itong makapagbihis ng panibagong damit ay dali-dali naman itong lumabas sa kan'yang silid dahil narinig niya ang boses ng kaniyang isa sa mga kaibigan sa may labas ng kanilang bahay.

"Hi Mary," Nakita niya sa may labas ng gate ang kaibigang si Khyla habang kumakaway sa kaniya.

Kumaway naman siya pabalik at tinungo ang kaibigang si Khyla.

What Happened To Mary?(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon