AUTHOR'S NOTE

59 9 0
                                    

AUTHOR‘S NOTE

Unang-una sa lahat labis ang saya ko dahil sa wakas nakatapos na rin ako ng isang nobele. Ito ang unang storya ko na ang genre ay mystery. Sa totoo lang, hindi naging madali para sa akin ang lahat. Kagaya ng ibang manunulat ay may araw din na hindi ko feel ang magsulat. Sinimulan kong isulat ito nitong September lang, nung una ay mabilis akong nakakapagtapos ng isang chapter, kung minsan pa nga ay dalawa ang natatapos ko pero dahil na rin sa pagiging busy sa modules ay hininto ko muna ang pagsusulat nito. Halos dalawang buwan din akong huminto at nitong December lang ay napag-isip-isip kong ipagpatuloy na ang storyang ito.

Marami akong mga pinagdaanan sa pagsusulat nito. Minsan ay napapaisip ako kung okay ba itong sinusulat ko, kung tama ba ito at kung worth it ba itong basahin. Umabot ako sa point na iyon, na inisip ko kung ipagpapatuloy ko ba ito o hindi nalang pero dahil naniniwala ako sa kakayahan ko bilang isang manunulat ay pinagpatuloy ko ito at sa wakas. . .natapos ko na rin ito. Labis ang saya na naramdaman ko nung matapos ko ang storyang ito dahil bilang manunulat, isang malaking achievement na sa atin ang makapagtapos man lang ng isang kwento.

Ngayon, magpapasalamat ako sa mga babasa nito at magbabasa pa (kung meron man). Alam kong hindi gaanong kaganda at kalinis itong kwento ko, hindi kagaya ng mga binabasa ninyo sa mga paborito ninyong author pero alam ko sa sarili ko na pinaghirapan ko ito ng husto. Marami akong naubos na kami sa pagsusulat nito, marami akong naubos na papel at marami akong ginawa para lang matapos ko ang kwentong ito.

I hope you‘ll enjoy reading this story and I hope na maiinspire ko kayo nito (kung mayroon mang inspiring dito sa kwento ko. Tsk) Happy reading sa inyo. And tenkyuu in advance.

—jargonxx

What Happened To Mary?(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon