EPISODE 9

83 11 0
                                    

Episode 9

Giving Up is not an Option 

••••

Khyla's POV

IS this true?

Can she really do such things? Can she? I think, maybe she just did!

Looking at the monitor of the laptop we're Marty pointed his finger makes me shock as well as Vince when he saw it. Reading those news, it also makes me think so much. I have so many questions on my mind going on right now.

"Basahin ninyo, sila ang tinuturong suspek ng mga pulis," anas ko habang tinuturo ang screen ng laptop.

"Pero papaanong hindi iyon alam ng lahat? Na para bang wala lang sa kanila," direktang sagot naman ni Marty.

"Anong tingin niyo, magagawa kaya nila ate May at ng grupo niya ang mga paratang na 'to?" muli kong tanong. Ewan ko ba pero parang mas lalo lang gumulo ang sitwasyon ngayong marami na kaming natuklasan. At isa na doon ay 'yung, tinuturong suspeks mismo si ate May at mga kasamahan niya sa nangyaring patayin dito. Hindi ko lubos maisip na kaya nila iyong gawin. Kung totoo man, paniguradong labis na masasaktan si Tita Nelda at kung narito pa si Mary, I'm sure siya rin kahit pa sa kabila ng hindi nila pagkakaunawaan. Nadamay lang naman kasi si Mary sa akin e. Mas pinili pa niya kasi ako kesa sa ate niya kaya ganun nalang kung magtratuhan sila sa isa't-isa. I wish I could have done something, edi sana hindi na 'to nangyari lahat. 


"Hindi natin iyan malalaman kung wala tayong gagawin," Vince directly stated his answer. Well, he has a point though.

"Pero saan tayo mag-uumpisa?" singit naman ni Marty. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan na kami ng tadhana pero gayunpaman, hindi kami susuko hanggang wala kaming nalalaman at nakukuhang mga sagot. 

"Kung saan nangyari ang lahat. Doon tayo mag-uumpisang maghanap ng mga panibagong impormasiyon kung saan maaari nating magamit," mabilis ko namang sagot sa kanilang dalawa. At mababakas rito ang pagtataka nila sa sinabi ko.

"Saan?" tanong ni Vince.

"Sa presinto, doon paniguradong makakahanap tayo ng mga impormasyon at ebedinsiya," pagkasabi ko ay sabay silang napataas ng kilay. Tila hindi yata nila inaasahan ang sinabi ko.

"Pero papaano? Anong pumasok sa utak mo, alam mo namang wanted pa tayo," tugon ni Vince.

"Sino ba kasing nagsabing magpapahuli tayo," anas ko.

"Anong ibig mong sabihin?" bulalas naman ni Marty habang napapakamot-ulo na sa kalituhan.

"Gabi natin pupuntahan ang presinto. Dalawa nalang ang bantay doon kapag gabi na kaya hindi tayo mahihirapang mapasok iyon. Napag-aralan ko na ang bawat sulok ng presinto kaya wala ng magiging problema pa," lintanya ko.

"Kung 'yan ang makakatulong sa ating pag-iimbesitiga, handa ako," Vince.

"Ako din, para sa kaliwanagan ng lahat ng mga nangyayaring 'to, handa na rin ako," dugtong naman ni Marty.

"Pero bago 'yan, maaari ba muna tayong magpunta sa pamilihan?" tanong ko. May bibilhin lang kasi akong mga gamit. "Doon na lamang tayo mamili sa kabilang bayan, sa may Agoncillo dahil walang nakakakilala sa atin doon," dagdag ko at napatango lang sila.

What Happened To Mary?(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon