EPISODE 6

106 14 8
                                    

Episode 6

Khyla‘s Strange Dream

••••

Khyla's POV

"WALA bang ibang nakakita sa atin?" tanong ko. Narito na kami ngayon sa bahay kung saan nakatira si Marty. Wala pa ring pinagbago ang bahay nila. Kagaya pa rin ito ng dati pero nanatiling maganda. Minsan na kaming nakapunta dito nina Mary at Vince kaya hindi na panibago pa sa amin ang kanilang bahay.

"Mukhang wala naman. Masyado pang tahimik at walang katao-tao ang paligid kaya marahil ay walang nakakita sa atin dito," pagpapaliwanag naman nitong si Vince habang tumitingin sa bintana.

"Gutom na ba kayo?" si Marty naman ang nagsalita.

Pareho kaming napalingon ni Vince ng marinig naming nagsalita si Marty.


"Hali na muna kayo, kain na muna tayo,"

Sabay na kaming pumaroon ni Vince sa may kusina kung saan naroroon si Marty habang abalang naghahanda ng makakain namin.

"Bakit nga pala hindi mo kasama ang mama at kapatid mo dito, Marty?" bigla ay tanong ko naman rito.

"Nagpaiwan kasi sila sa Maynila. May business na din kasi kami doon kaya mahirap na para kina mama na bumalik dito pero ako, mas pinili ko na lang munang umuwi dito. Na miss ko na rin kasi kayo dito," salaysay niya. Napatango na lamang kaming dalawa ni Vince sa kaniyang mga paliwanag.

Wala na munang ni isang nagsalita sa amin dahil kasalukuyan na kaming kumakain. Marami pa akong dapat sabihin at itanong kay Marty. And now that he's back, pwedeng-pwede ko na iyon gawin.

••••

GABI na at mas'yado ng tahimik ang buong kabahayan at maging ang paligid. Narito ako ngayon sa taas, sa mismong kwarto ni Marty. Si Vince naman ay nandoon sa kabilang kwarto at magkasama silang dalawa. Well it's too obvious, ako lang ang babae dito kaya ako lang mismo ang mag-isa sa silid. Sanay na din naman ako sa ganito.

It's almost 10 in the evening and still I can't sleep. Ang daming nakikipaglaro sa isip ko ngayon. Ang dami mga tanong at hinuha ang nabubuo ko sa aking isip ngayon. Dahil hindi pa ako dinadalaw ng pagkaantok, lumabas na muna ako ng aking kwarto at madaling tinungo ang baba. Bigla kasi akong nakaramdam ng pagkauhaw.

Nang makababa ay madali ko namang nakita ang kusina dahil medyo may kalahikan ito. Kumuha ako ng baso at binuksan ang ref at kinuha mula roon ang isang pitsel na naglalaman ng malamig na tubig. After I fill in the drinking glass, I immediately closed the refrigerator. At sa pagkakataong maisara ko iyon ay para akong isang tuod na hindi magawang makagalaw sa aking kinatatayuan. It's her...again. It's Mary!

Kinusot ko ang aking mga mata sa iisiping nag-iilusyon lamang ako ngunit ng matapos ay naroon pa rin siya. She was standing beside the ref but now, she's different. Hindi na siya punong-puno ng dugo. She's all clean.


"Mary, ikaw na ba talaga 'yan?" pinipigilan ko ang mga luha ko na hindi pumatak. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito. 'Yung Mary na maaayos tignan. "Mary, totoo na ba 'to?" dagdag ko. Gusto ko siyang lapitan kaso natatakot ako na baka kapag lumapit ako, maglaho siya. Natatakot akong muli siyang mawala sa mga mata ko.

"Mary, na-miss na kita. Saan ka ba galing? Anong totoong nangyari sa 'yo? Sana naman maliwanagan na kaming lahat sa tunay na dahilan ng pagkawala at pagkamatay mo dahil 'di ko na alam kung hanggang saan ko pa ito makakaya. Hindi ko na alam kung saan kami magsisimula. Gulong-gulo na ako bes kaya sana ay matulungan mo kami," hindi ko man alam kung naririnig o naiitindihan niya ako, gusto ko lang siyang muling makausap. Nais ko ng maliwanagan sa mga nangyayaring ito.

What Happened To Mary?(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon