EPISODE 14

66 10 1
                                    

Episode 14

Key to the Mysteries

••••

Khyla‘s POV

MAAGA akong nagising. Actually, halos 5 oras lang ang tulog ko dahil patuloy ko pa ring iniisip iyong kagabi. Hindi ko siya maitanggal sa utak ko. Ang hirap lang kasing paniwalaan. Nakakalito na.

“Gising ka na pala,” boses ni Vince ang bumungad sa akin. “Uminom ka muna ng kape,” dugtong niya. Humarap naman ako dito.

“Saan kayo nakakuha niyan?”

“Maagang gumising si Marty. Umuwi muna siya sa kanila para makakuha nito. Huwag kang mag-alala, walang ibang nakakita sa kaniya,” paliwanag niya. Tumango lang ako. “Are you okay?”

Tinuro ko ang sarili ko. He nodded. “Oo naman,” malimit kong sagot. Tumayo na din ako at tumungo na sa may mesa kung saan nandoon si Marty. Sumunod naman si Vince.

“Ano ng balak mo ngayon?” Marty asked me. Uminom muna ako ng kape bago siya sinagot.

“I think it‘s time,”

“Time for what?” direktang sabi niya.

Bumuntong-hininga ako.

“Time for us to come out. Hindi na ako natatakot ngayon na makita ng mga pulis. Ngayon pa at alam na nating hindi pala talaga patay si Mary,” paglilinaw ko dito.

“Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?” I faced Vince whos talking.

“Napag-isipan ko na ito kagabi. Ayaw niyo bang malaman kung ano nga ba ang totoong nangyari?” pansin kong nagkatinginan sila sa isa‘t-isa.

“Gusto. Sino ba naman ang ayaw,” gagad ni Marty.

Matapos kaming makapag-kape ay napagpasiyahan na naming pumunta sa bahay nina Mary. Alam kong doon lang namin makukuha ang mga kasagutang matagal na naming hinahanap. Pakiwari ko‘y pinaglaruan lang kami ng pagkakataon, sinubok niya kaming tatlo kung hanggang saan lang ang kaya namin. Good for us at hindi kami basta nalang sumuko.

Nang marating namin ang bahay nila ay masiyado iyong tahimik.

“May tao ba talaga diyan?” usisa ni Marty.

“Subukan natin,” sagot ko.

“Tao po?” tawag pansin ko sa tao sa loob ng bahay.

“Sino ‘yan? Saglit lang,” narinig ko ang boses ni Tita. Sa pagkakataong buksan niya ang pinto at makita kami ay mabilis niyang isinarang muli ang pinto.

“Tita alam kung kasama niyo po si Mary diyan,” panimula ko pa. “Kausapin niyo naman po kami Tita. Gusto lang po naming maliwanag sa lahat,”

“Wala akong maisasagot sa inyo. Patawarin niyo sana ako,” bulalas naman ni Tita.

“Alam ko pong galit kayo sa amin pero sana naman po maalala niyo kung gaano kahalaga sa amin ang anak ninyo. Hindi lang po kayo ang nahihirapan, kami din po,” anas ko pa. Hindi ko na napigilang mapaluha.

Nakita kong binuksan ni Tita ang pinto.

“Khyla, may gusto sana akong sabihin sa inyo,” aniya at naguguluhan ako kung ano. Pinapasok niya kami ngunit hindi na sumama pa ang dalawa at nagpaiwan nalang sa labas. Iniwan niya muna ako sa may sala.

Inilinga-linga ko ang mga mata ko upang hanapin si Mary pero wala akong makita. Nang mapunta ang tingin ko sa isang maliit na mesa sa may gilid, may nakita akong brown envelope mula doon. ‘Test Result’ basa ko sa nakasulat sa harap. Ano kayang laman nito? Dahil sa intriga ko ay kinuha ko iyon. Wala si Tita dito ngayon dahil pumasok muna ito sa kaniyang kwarto. 

What Happened To Mary?(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon