EPISODE 15

68 10 0
                                    

Episode 15

Forgiveness is the Key

••••

Khyla’s POV

BUMALIK na kaming lahat sa bahay nina Tita Nelda. Nakaalis na rin ang ambulansiyang kumuha kay Mary. Pagkaabot namin doon ay naroon ang mga pulis. Marahil kami ang pakay nila.

“Khyla, Santiago, Vince Fernandez and Marty Santos, inaares—” hindi na nito natapos ang kaniyang sasabihin ng magsalita si Tita.

“Hindi na kailangan officer. Wala silang mga kasalanam sa nangyari,” bulalas naman ni Tita. Bakas sa amin ang saya dahil sa wakas, nalaman na namin ang katotohanan sa nangyari kay Mary. “Nagpapasalamat din ako sa inyo officers dahil sa tulong na ginawa ninyo. Malaking bagay iyon,”

“Tungkulin po namin iyon Misis Dedios. Mauna na po kami dahil aayusin pa namin ang kaso ng anak ninyo,” anas ng pulis.

Nakaalis na din ang mga ito.

“Alam kong malaki ang kasalanan ko sa inyong lahat,” panimulang wika ni Tita. “Kung sinabi ko sana ang tungkol sa kondisiyon ni Mary, hindi na sana humantong pa ang lahat sa ganito. Bilang ina niya, naroon iyong takot ko. Kaya sana ay maintindihan at mapatawad ninyo ako,”

“Naiintidihan ka namin ma. Kung ako man din ang nasa posisiyon ninyo, ganun din ang gagawin ko,” si Ate May naman ang nagsalita. Nilapitan niya ang kaniyang mama at niyakap ito.

“Ah tita, pwede po ba akong magtanong?” nahihiya man ay nagtanong na ako kay Tita.

“Oo naman. Ano iyon Khyla?”

“Papaano po nakabalik dito si Mary? At saan po siya namalagi sa isang buwang lumipas?” sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

“Dahil sa tulong ng isang matandang babae. Ayon sa kwento niya, nakita niya si Mary na walang malay sa may tabing daan na malapit sa bayan ng Halimuyak. Ang huling bayan dito. Dahil wala siyang mapagtanong kong taga saan ito, minabuti niyang dalhin nalang si Mary sa bahay niya. Isang buwan niya ring tiniis at pinakisamahan ang anak ko. Maging siya ay napapansin din ang pag-iba-iba niya ng ugali. At ng mapabalita niya ang tungkol nga kay Mary, nung una ay nagdalawang isip pa siya dahil baka siya pa daw ang mapagbintangan ngunit kalauna‘y nilakasan niya ang loob niya at tinulungan niyang makabalik dito si Mary. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kaniya dahil kung hindi sa isang katulad niya, baka tuluyan ng nawala sa atin si Mary. Masakit nga lang dahil hindi natin siya makakasama pero ang importante ay buhay siya,” mahabang pagpapaliwanag pa ni Tita. Mas naging maayos na ang lahat dahil na rin kay Tita Nelda.

Naiintindihan ko naman siya kung bakit niya iyon ginawa. Kung ako din naman siguro ay ganun din ang ginawa ko, lalo na kung mahalaga sa iyo ang taong ‘yun.

Nagpaalam sa amin si Tita dahil kinakailangan pa niyang sumunod sa hospital kung saan pansamantalang gagamutin si Mary.

“Salamat Khyla,” bigla ay niyakap ako ni Ate May. Gulat man ay niyakap ko siya pabalik.

“Para saan ate?” taka kong tanong.

“Salamat kasi hindi po sinukuan ang kapatid ko. Inaamin kong may hindi kami pagkakaunawaan noon ni Mary pero ng dahil sa mga nangyari, napagtanto kung naging unfair ko sa kaniya. Pinaramdam ko sa kaniya na parang wala ako sa tabi niya, na parang wala siyang ateng matatakbuhan kapag may problema man siya. Kaya napakalaking salamat sa iyo, sa inyo nina Vince at Marty dahil hindi kayo sumuko sa kabila ng nangyari sa ating lahat,” gagad niya. “At isa pa, kailangan ko ding humingi ng tawad sa inyong tatlo. Pasensiya na kung noon ay iba ang trato ko sa inyo. Pero nitong mga nagdaang araw, na realize ko na sana pala naging mabuti ako sa inyo. Dahil sa pangyayaring ‘to, marami akong na-realize at natutunan. Pareho lang tayong naging biktima ng maling akala. Naging biktima ng mapanghusgang mga tao at lipunan. At higit sa lahat, pareho tayong naging biktima ng isang masalimuot na pangyayaring ‘to,”

What Happened To Mary?(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon