EPISODE 7

75 12 2
                                    

Episode 7

The Mystery Box

••••

"Hey, are you okay?" bigla kong narinig ang boses ni Vince kaya dahan-dahan kong ibunuka ang aking mga mata.

Wait! Papaano ako nakauwi dito?

Dahan-dahan kong tinayo ang aking katawan at inalalayan nila akong umupo. Nasa sala kami ngayon.

"How did I get here?" tanong ko sa kanila habang tinitignan silang dalawa.

FLASHBACK

Vince POV

We're now on our way to find Khyla. Dito namin naisipang dumaan sa may likod bahay kung saan nakita ni Marty na nakabuka ang pinto.

Gamit ang flashlight na binigay sa akin ni Marty, pinailaw na namin itong dalawa dahil wala kaming ibang makita sa daan. Wala ring buwan ngayon kaya medyo madilim ang buong paligid. Mukhang uulan yata.

"Sa tingin mo tama itong dinadaanan natin?" I suddenly asked Marty whose busy looking around.

"I think so. We need to try. At sa tingin ko naman dito dumaan si Khyla sapagkat sa may dulo nitong maisan na 'to, malapit na doon ang bahay nina Mary kaya posibleng naririto siya," he explained. Tumango lamang ako at muling tinuon ang mga tingin sa harap.

For about a half hour, biglang nabaling ang atensiyon naming dalawa ng mapansin namin ang isang ilaw sa may 'di kalayuan mula dito sa direksiyon kung nasaan kami ngayon. Without any hesitation ay dali-dali namin iyong tinungo at nagbabaka-sakaling iyon na si Khyla.

Ngunit papunta pa lang sana kami ng bigla kaming mapatigil at nagtago ng may iba kaming nakita. Napaupo kaming dalawa ni Marty habang pasimple naming hinawi ang mga dahon ng mais para makita kung ano at sino iyon. From a far, may tatlong lalaki at maging tatlong babae kaming nakita. They we're wearing a white mask-fully covering their faces.

Hindi namin inalis ang aming mga tingin doon ngunit hindi namin masiyadong kita kung ano ang ginagawa nila. Nakahugis bilog silang anim. And the next we heard was a loud shot of gun. Dahil dun ay bigla kaming napatago ni Marty at mukhang napansin nila kami.

Hindi na kami nagtagal pa ni Marty at patakbo na kaming nagtungo sa kung saan. Wala na kaming ibang maisip kung hindi ang matakasan ang kung sino mang mga taong iyon. Kung nakita man nila kami o hindi, it doesn't even matter basta ang naiisip namin ay ang mahanap na si Khyla. Maaaring mapahamak siya sa ginagawa niya.

Pagod man kami ay walang humpay pa rin kami sa pagtakbo hanggang sa makita namin iyong ilaw na aming nakita kanina. Nagmamadali namin iyong tumungo and we're right, si Khyla nga iyon. I was about to grab her hands when she suddenly lost her balance kaya madali ko rin naman siyang nasalo. At eksakto namang hindi kami napansin ng anim na taong kakarating lang. 'Buti nalang at nakapagtago kaming tatlo sa may makakapal na bulto ng mais.

"Mukhang natakasan tayo," rinig ko pang sabi ng lalaki.

"Tayo na," dugtong naman ng isang lalaki at mukhang nakikilala ko ang tinig na iyon, hindi ko lang matandaan kung kanino at sino.

What Happened To Mary?(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon