SPECIAL EPISODE 1

75 10 0
                                    

SPECIAL EPISODE 1

YEAR 2002

••••

Khyla‘s POV

“ANONG kailangan mo sa akin?” tanong ko sa taong kaharap ko. Nanginginig ang buong katawan ko at pakiramdam ko, anumang oras mauubos na ang lakas ko dahil sa takot at kabang namumuo sa buong sistema ko. There was a woman standing—a meter apart from me. May suot itong puting maskara kaya hindi ko ito makilanlan.

“Huwag kang mag-alala, hindi naman kita sasaktan. . .basta sumunod ka lang sa bawat sasabihin ko sa ‘yo,” bulalas pa niya sa akin.

“Sabihin mo na lang kasi kung ano ang gusto mo!” hindi ko na napigilan ang sarili ko na magalit sa kaniya. Ni hindi ko alam kung anong kailangan ng taong ito sa akin. Nagising na lamang ako at nandito na ako sa lungga niya.

EARLIER TODAY

“Saan mo gustong ilagay ‘to,” gagad ni Marty sa akin at tinuro ang tarpaulin sa may sulok. Kaarawan ngayon ni Mary kaya nandito kaming lahat upang i-celebrate iyon. Oo nga at wala na siya pero nangako ako sa huling pagkakataon sa kaniya na hindi namin siya kakalimutan. She‘ll always be in our hearts and mind.

“Diyan nalang guro sa may gitna Marty para kita,” sagot ko sa kaniya. Nandoon sa tarpaulin ang bawat litrato ni Mary na kasama niya kami. Ang saya lang balikan at alalahanin lahat-lahat ng mga binuong ala-ala naming kasama siya. Pero iyong sayang ‘yun ngayon ay hindi na kagaya pa ng dati. Iba na ang saya na nararamdaman namin sa tuwing maalala namin ang lahat ng nangyari. Iyong sayang may halong lungkot at sakit.

Tumango-tango naman sa akin si Marty. Nagpatulong siyang ikabit iyon kay Steff at Hanna.

“Magpahinga ka muna,” nagulat ako ng may biglang yumakap sa likuran ko. And it was Vince.

“Malapit na din naman itong matapos,” tugon ko dito. “Tulungan mo nalang kaya ako dito,” dagdag kong sabi sa kaniya. Dali-dali naman itong tumulong.

Isang oras ang lumipas at natapos na din kami sa aming ginagawa. Kung nandito lang sana si Mary, I‘m sure ang saya-saya niya ngayon dahil tinupad ko ang hiling niya. Sabi niya kasi sa akin na kapag magbi-birthday daw siya, gusto niya iyong concept na pang girly. Kaya nagplano ako kasama sina Ate May. Kita mo sa buong silid ang kulay peach na siyang paboritong color ni Mary. How I wish we still have Mary on our side right now. If I could just turn back time, I would definitely do it. But that‘s life, may aalis, may mawawala at may magpapaalam.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Ate Mary ng makasalubong ko siya.

“Magbabanyo lang ako ate May. Kanina pa kasi ako iihing-ihi e,”

“Gusto mo bang samahan kita? Baka kasi maligaw ka dito,” anyaya niya. Nandito kasi kami ngayon sa isang hotel na malapit lang sa bayan. Bagong tayo palang ito.

“Naku, ‘wag na ate May. Magtatanong nalang ako,” sagot ko.

“Sure ka?”

Tumango ko sa kaniya bilang sagot. Umalis na din ako. Malamig na ang hangin sa labas at medyo madilim na rin. May kalakihan din ang hotel na ito kaya nahirapan akong hanapin kung saan ang banyo. Nang may makasalubong akong babae, staff ata iyon dito ay kaagad na akong nagtanong.

What Happened To Mary?(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon