EPILOGUE

89 10 6
                                    

EPILOGUE:

BAD NEWS!

••••

Khyla‘s POV

Kasalukuyan akong nasa balkonahe ngayon at nagkakape. Narito kaming lahat sa bahay ni Marty kasama sina Ate May at ang iba pa. Balak kasi nilang magbakasiyon kami sa isang beach resort at nandito kami upang pagplanuhan iyon. Pukos na pukos akong nakatingin sa labas ng biglang lumapit sa akin si Ate May. Hindi ko maipaliwanag ang kaniyang mukha.

“Anong meron ate May? May nangyari ba? Ate May?” sunod-sunod kong tanong rito. Tahimik lang ito at walang ano-anong humagulhol siya ng iyak. Napatayo naman ako at nilapitan siya. Anong nangyayari?

“Ate May, anong meron?” pag-uulit ko sa kaniya. Pilit na huwag umiyak.

“Wala na siya Khyla,” naiusal niya at hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin.

“Sinong nawala ate?”

“Wala na si Mary,” sa pagkakataong sabihin niya iyon ay napaupo na lamang ako sa kawalan ng lakas. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang sinabi niya. “Kakatawag lang sa akin ni mama at sabi niya patay na si Mary. Nagpakamatay siya sa hospital Khyla,” salaysay niya at hindi ko pa rin maiproseso ang lahat-lahat.

Hindi ito ang inaasahan ko. Hoping akong gagaling pa si Mary pero ngayon mukhang malabo na ang lahat dahil wala na siya. Patay na ang kaibigan ko.

Kagaya ni ate May ay napahagulhol na lamang ako ng iyak. Ano pang magagawa ko, wala na si Mary. Iniwan na niya kami. Pansin kong lumapit sa akin si Vince at pinapakalma ako. Maging sin Steff at Hanna ay naiyak na rin. Masakit malaman ang katotohanang wala na siya. Ang hirap lang kasing tanggapin kasi parang kailan lang ay kasama pa namin siya tas  ngayon ganitonh balita ang bubungad sa aming lahat. Hindi ito ang balitang inaasahan ko sa buong buhay ko.

****

Tatlong araw na mula ng mawala si Mary. Nandito kami ngayon sa kanilang bahay kung saan siya nakaburol. Seeing your bestfriend in that position was the hardest and most painful thing I have ever experienced. Tatlong araw na rin akong umiiyak. Ngayon ang huling lamay niya dahil bukas na ang libing niya. Pakiramdam ko ay may kulang na sa akin na kahit kailan ay hindi na mapupunan pa. Ang dami naming pinagsamahan ni Mary  at ang sakit-sakit isipin na hindi ko na siya makakasamang muli kahit na anong pilit ko pa. I will no longer see her precious smile, I will no longer be with her and I will no longer have a bestfriend like her. Nag-iisa lang siya. 

“Inumin mo muna ito,” ramdam ko ang labis na pag-aalala sa akin ni Vince. Inabutan niya ako ng isang basong tubig , ininom ko naman iyon.

“Matulog ka muna. Sandal ka lang sa akin,” aniya. Isinandal ko ang aking ulo sa balikat niya at sinubukang ipikit ang aking mga mata.

(The Next Morning)

NAKAHANDA na ang lahat. Napakaraming tao ang nakiluksa sa pagkawala ni Mary. Inilabas na nila ang kabaong ni Mary at isinakay na iyon. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa sementeryo nitong bayan.

Habang naglalakad ako ay sumasabay din ang pagpatak ng mga luha ko at sinabayan pa ng isang nakakalungkot na musika. Nasa tabi ko naman si Vince at inaalalayan ako. Rinig ko sa bawat parte ang hagulhol ng mga tao. I know Mary was loved by many at patunay iyon na isang mabuti siyang tao. She is a good daughter, a good sister and most importantly a good friend.

What Happened To Mary?(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon