EPISODE 3

163 17 19
                                    

Episode 3

The Day Before Mary Dissappeared

••••

December 04,1999
[4:30 PM @Bryan's Residence]

Khyla's POV

KANINA ko pa napapansin ang pagiging tahimik ni Mary. Ni hindi naman niya kasi sinabi sa amin kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa kan'ya. Tanging sagot niya lang sa amin ni Vince ay okay lang siya, na walang nangyari. Ngunit ganun pa man ay ramdam ko na hindi siya nagsasabi ng totoo. I can feel it. I really do. Sa tinatagal ba namin na naging magkaibigan, kilala ko na iyang si Mary. We're like soul sisters.

"Hey, are you sure your really okay? You know you can talk to me if there's something bothering you," Pag-aalala kong tanong kay Mary na ngayo'y ang layo ng mga tingin.

"Yeah, I am okay. Don't mind me, Khyla. May iniisip lang ako pero nothing to worry. I'm alright," Sagot niya sa akin ngunit makikitaan mo ang kakaibang ekspresyon ng kaniyang mukha. Parang kanina lang ay ang saya-saya pa namin habang papunta kami sa bayan ngunit ng papaalis na kami ay biglang naging tahimik itong si Mary. Para bang may bumabagabag sa kaniya na hindi niya masabi sa aming mga kaibigan niya.

"Hey, okay lang ba kayo d'yan? May kailangan pa ba kayo? Magsabi lang kayo ha." Bulalas naman nitong si Bryan ng makabalik siya sa amin sa may likod bahay nila.

"Ang dami na nga nito oh," Sagot naman sa kaniya ni Vince.

"Nga pala Bryan, kumusta ka naman doon sa Maynila? Tagal mong nanatili dun," Bigla-bigla ay naitanong ko. Matagal na rin kasi magmula nung umalia sina Bryan dito at pumunta sa Maynila. Doon na nga niya naipagpatuloy ang pag-aaral niya. We've been friends since our childhood days, kasama sina Vince at Mary. Naalala ko pa nga, kaming apat lang ang palaging nagkakasama at kalaro ang isa't-isa pero right after na umalis si Bryan, kaming tatlo na lang ang naiwan.

"Okay naman. Hindi kagaya ng dito sa atin na may mga kaibigan ako. 'Di katulad ng sa Maynila na ang hirap makahanap ng mga totoong kaibigan but here, narito naman kayo." Tugon niya sa tanong ko. Well, maybe he's right. Mukhang mahirap ngang magkaroon ng kaibigan sa Maynila lalo pa't baguhan ka pa lamang doon.

"Buti naman at bumalik kayo dito. Akala nga namin nina Mary at Vince na mananatali ka na doon." Muli kong sabi sa kaniya. "Di ba Mary?" Dagdag ko at tinanong si Mary ngunit napalingon ako sa kan'ya ng hindi man lang ako sinagot nito. Marahil ay hindi niya narinig ang sinabi ko.

"Pasens'ya na. May sinasabi ka ba Khyla?" Tanong niya habang napakamot ulo itong tumingin sa akin. She looks bothered.

"Mary, ayos ka lang?" Tanong sa kan'ya ni Vince. Bigla ay nag-iwas ito ng tingin.

"Ayos lang ako Vince. Huwag niyo na akong isipin pa. Walang problema sa akin kaya magsaya na lamang tayo,"Nakangiti man siya ng sabihin niya ang mga salitang iyon ay mahihimigan mo pa din ang kakaiba ng boses nito. Hindi ko alam kung bakit ayaw magsabi ni Mary sa amin but I tried to understand her. Maybe it's too personal that she couldn't tell us about it and if that's the case, I deeply understand her.

I just nodded and face myself infront of the table.

Ipinagpatuloy namin ang aming pagkekwentuhan, at sa pagkakataong 'to ay sumali na sa amin si Mary. Masaya lang kaming nag-uusap dahil marami kaming mga tanong kay Bryan about sa Maynila. Hindi pa kasi kami nakakapunta doon at kung ako din naman ang tatanungin, wala naman akong balak na pumunta doon. Nasanay na naman ako sa buhay probinsya.

What Happened To Mary?(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon