EPISODE 16

71 10 0
                                    

Episode 16

New Life, New Beginnings

••••

Two Months Later

ARAW ngayon ng bayan namin. Ika-25 na kapistahan ng bayan ng Amorsolo. Kung nitong mga nagdaang taon ay tahimik lang ang selebrasiyon ng lahat, malaki na ang ipinagbago nito. Marami na rin kasing mga bagong lipat dito sa bayan kaya nadagdagan ng tao at maging ng saya ang buong paligid. Abala ang lahat sa paghahanda. Nanumbalik na rin ang sigla at saya nitong bayan ng Amorsolo. Kung noon ay puno ito ng takot at masasamang kwento, napalitan na ito ng nga masasayang kwento ngayon.

“Kailangan mo ba ng tulong ko?” bigla akong napahinto ng may yumakap mula sa likuran ko. Nang tingalain ko iyon si Vince ang nakita ko. Nakangiti pa ang mokong.

“Anong ginagawa mo rito?”

“Ano pa ba edi syempre dinadalaw ang girlfriend ko. Ayaw mo ba nun?” sabi niya at nagpakyut pa ang mokong.

“Pero sinong katulong ni Tita ngayon sa inyo?” tanong ko ulit. Tinutukoy ang mama niya.

“Nandoon naman ang mga pinsang kong sina Bambi at Mika. At isa pa, tumulong naman ako kay mama bago ako pumunta dito,”

“Aba‘y dapat lang noh. Alangan naman hayaan mo lang si Tita mag-isang gumawa nun,”

“Huwag na nga muna natin silang pag-usapan. Sasama ka ba sa akin mamaya sa baryo. May laro ako mamaya,” usal niya.

“Hindi siguro. Madami kasi akong ginagawa dito e,” pang-iinis ko dito. Kagabi lang ay nangako akong sasamahan ko siya upang i cheer siya sa basketball game nila mamaya kasama sina Bryan, Marty, Ken at Hiro.

“Hindi ba nangako ka na sa akin kaga—” agad-agad kong tinakpan ang bibig niya.

“Opo, hindi ko naman nakalimutan ang ipinangako ko. Iniinis lang kita,” gagad ko.

“Susunduin nalang kita dito mamaya. Uuwi muna ako upang magbihis,” aniya.

Tumango lang ako. Aligaga ako sa paghahanda ng mga plato ng bigla na niya lang akong halikan sa aking pisngi.

“Goodbye,” mabilis pa sa alas kwatro itong nakaalis. Takot sigurong mabatukan. Tsk.

****

“Ready ka na?” bungad sa akin ni Vince ng makarating ito. Nakapagbihis na rin ito ng jersey niya.

“Tara na,” tugon ko. “Nga pala, daan tayo kina Ate May. Sabi niya sabay nalang daw tayong lahat papuntang baryo,” dagdag ko dito.

Hindi na ako sinagot nito. Nagpaalam na ako kay Mama at umalis na din kami.

Mabilis lang kaming nakarating sa bahay nina Ate May. Pagkadating namin doon, ay naghihintay na sa amin ang lahat.

“Kanina pa ba kayo?” tanong ko kay Hanna.

“Hindi naman,” malimit niyang saad.

“Hello po Tita,” bati ko ng makita ko si Tita Nelda.

Kinawayan niya lang ako dahil busy ito.

What Happened To Mary?(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon