EPISODE 5

107 16 13
                                    

Episode 5

The Plan; It's Now or Never

••••

(December 12, 1999 at the Police Headquarters)

Khyla's POV

"INIIMBITAHAN po namin kayong dalawa sa presinto."

I was in shock the moment I heard those words from the police.

I can't blame them because we're the last person na naging kasama ni Mary before siya nawala. Pero ganun pa man, papatunayan namin sa kanila na wala kaming kasalanan. We're all innocents. Hindi porket kami ang huli niyang nakasama, hindi nila kami maaaring pagbintangan ng basta-basta lang. Dapat alamin muna nila ang lahat bago sila magbigay ng paratang sa amin.

Kasalukuyan kami ngayong nasa police headquarters. Hindi na dinala pa ni Vince ang sasakyan niya sapagkat sa mga pulis na lang kami sumama. Hindi pa nga totally rumerihstro sa akin ang mga narinig ko kanina, heto naman kami at tila pinagbibintangan sa nangyari sa kaibigan namin.

But why it's just me and Vince? Pa'no naman si Bryan? Nakasama rin namin siya bago pa mawala si Mary. Bakit kaya wala siya rito?

Bigla naman akong napabalik sa reyalidad ng may lumapit sa aming pulis na babae. Iginaya niya kami sa isang silid. Nuanang pinasok nila si Vince samantalang ako ay naghihintay lamang sa labas. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila sa loob sapagkat wala akong kahit na anong narinig. Ni hindi ko rin sila nakikita dahil hindi gawa sa salamin ang silid.

Halos kalahating oras din ang tinagal ni Vince sa loob. Nang makalabas siya ay kaagad akong pinasok ng babae sa loob ng silid.

Pagkapasok ko, ang naroon ay dalawang lalaki at isang babae. Ang isang lalaki at ang babae ay nakasuot ng pampulis na uniporme samantalang ang isang lalaki naman ay pang-detective ang damit na suot. Marahil isa siya sa mga nag-imbestiga sa bangkay.

Pinaupo nila ako sa isang upuan na kaharap ang isang malapad na mesa. Sa dulo nun, naroon nakaupo ang lalaking pulis.

"Miss Santiago," bulalas ng lalaking pulis. "Kayo ba ang huling kasama ni Mary Dedios bago siya mawala at matagpuang patay?" tanong nito sa akin.

"Yes po, Chief," sagot ko naman sa kaniya.

"Nakita niyo ba ang mga pangyayari bago matagpuang patay si Mary Dedios?" bigla ay tanong nitong muli sa akin.

I sighed for a moment.

"Hindi po Chief. Nalaman nalang po namin ang nangyari nang pumunta kami sa bahay nila. Wala po kaming nakita. Wala din po kaming alam," pagpapaliwanag ko sa kaniya.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kahit saang sulok man akong tumingin, bantay sarado ako ng mga tingin nila. Parang bang inaalam at tinitignan nila ang bawat galaw ko.

Matapos ang halos tatlumpung minutong pagtatanong nila sa akin ay natapos na din kami. Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang mga katanungan at impormasyong iyon. Para bang kinokorner nila ako at hinihintay lamang na may mali akong masabi.

"Sige Ms. Khyla Santiago, maraming salamat sa pakikipag-coordinate sa amin. Maaari na kayong makaalis," bulalas nito sa akin.

"Maraming salamat din po, Chief," tugon ko at kaagad akong pinagbuksan ng pinto ng isa pang pulis sa loob.

What Happened To Mary?(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon