EPISODE 10

68 11 4
                                    

Episode 10

Intended or Coincidence?

••••

December 20, 1999

Khyla's POV


BOTH of them was still in shock mode the moment they saw those pictures I've got from the police station. Looking at their reaction, they look confused and so am I when I actually saw it a while ago.

"How could this happen?" tanong ni Vince habang hindi niya maitanggal ang mga mata niya sa mga larawang nasa mesa.

"Tama nga talaga ang hinala natin. Maaaring may kinalaman sina May, Bryan at ilan pa sa kanila sa nangyari kay Mary. Ang ipinagtataka ko lang, ay kung bakit hindi iyon pinaalam ng mga pulis sa atin. Bakit nila pinalabas na tayo lang ang suspeks nila?" pagpapaliwanag ko sa kanilang dalawa.

"Sa tingin ko ay may kinalaman pa rin sila diyan. Kilala na natin sila noon pa man, kilala na natin kung ano ang mga kayang gawin nila. Pero bakit ngayon pa lang natin iyon na realize. Kung sana ay naalala natin ang mga ginawa nila, sana ay matagal na nating nalaman ang mga 'to," salaysay naman ni Marty.

"Ngayong may mga impormasiyon na tayong nakalap, sa tingin ko'y oras na para lumabas tayo at magpakita sa mga pulis," dahil doon sa sinabi ko ay sabay nila akong matamang tinignan.

"Sigurado ka ba?" tanong ni Vince.

"Alam mong magiging kahihinatnan kapag gagawin natin 'yang gusto mo," dagdag naman ni Marty.

"Kailangan nating sumubok," saad ko.

"Pero alam mo ang pwedeng mangyari. Maaari nilang baliktarin ang sitwasyon. Hindi pa rin naman tayo nakakasigurong sila nga ang may gawa nun lalo't pa at wala tayong matibay na patunay. Hindi sapat ang mga larawang 'yan," lintanya ni Vince.

Naiintindihan ko ang mga pinanggagalingan nila, ang mga nais nilang ipaliwanag pero hanggang kailan pa kami magtatago sa mga pulis. Hanggang kailan pa kami tatakbo sa kanila. Lalo lang namin silang pinag-iisip na marahil kami ang may sala kung patuloy kami sa pagtakbo at pagtago.

"Alam ko. Naiintidihan ko kayong dalawa, subu-" tatapusin ko pa sana ang sasabihin ko ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya inabot ko iyon sa may mesa.

Nakita ko mula roon ang pangalan ni Bryan.

"Si Bryan," sabi ko sa kanilang dalawa.

Hindi sila sumagot kaya sinagot ko ang tawag niya.


Ni loud speaker ko ang phone ng saganun ay makarinig kaming lahat sa aming pag-uusapan ni Bryan.

"Hello Bryan, anong atin?" tanong ko sa kaniya sa kabilang linya. Matagal-tagal na rin naming hindi nakakausap at nakikita si Bryan. Mula nung mapabalita ang nangyari kay Mary, bigla na lamang siyang naglaho at hindi na namin siya mahagilap pa.

"Khyla, may gusto akong sabihin sa inyo," iyon ang una naming narinig sa kaniya kaya pareho kaming tatlong napatingin sa isa't-isa at mababakas doon ang mga katunangang namumuo sa aming mga utak ngayon.


"Ano iyon Bryan, sabihin mo na," tugon ko. Narinig namin itong bumuntong-hininga.

"Kailangan nating magkita, doon ko sasabihin sa inyo ang mga gusto kong sabihin," sagot niya.

What Happened To Mary?(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon