EPISODE 13

71 10 1
                                    

Episode 13

Is This For Real?


Khyla‘s POV

“Ma,” mahinang tawag ko kay mama. Dumiretso muna kami dito sa bahay dahil gusto ko lang makita si mama. Alam kong nag-aalala na siya sa akin dahil matagal na din niya akong hindi nakikita. Simula nang mangyari ang isyung ito, hindi ko na nakita pa si mama. Hindi dahil sa ayaw ko, gusto ko lang na huwag na siyang idamay pa sa problemang kinasungkutan ko. Lilinisin namin ang pangalan namin.

“Sino ‘yan?” narinig ko ang boses ni Mama. Nang buksan niya ang pinto ay gulat ang kaniyang mukha ng makita niya ako. “Khyla? Ikaw ba ‘yan?” tila hindi nito makapaniwalang sabi.

“Ako ito ma,” tugon ko.

“Pasok kayo,” wika niya. Pumasok din kami. “Saan ka ba nagpunta? Ang tagal na kitang hindi nakikita,” tanong niya sa akin.

“Mahabang kwento ma. Hindi rin kami magtatagal ma. Dumaan lang kami dito upang makita ka at ipaalam sa iyo na okay ako. Na nasa mabuting kalagayan lang ako,”

“Pero papaano kayo nasangkot sa nangyari kay Mary? Kayo nga ba ang may gawa nun anak? Hindi sa dinidiin ko kayo pero bakit?” alam ko ang nararamdam ni mama.

“Ang hirap pong ipaliwanag  sa ngayon ma. Maging kaming tatlo ay hindi pa namin alam ang kasagutan. Patawarin niyo sana ako kung napasok ako sa ganitong sitwasiyon. Alam kong pinuno niyo ako ng magagandang aral pero wala sa amin ang problema ma, nasa mga taong mapanghusga,” mahabang paliwanag ko pa kay mama.

“Naniniwala naman ako sa inyo. Alam kong mga inosente kayo,”

“Khyla may mga pulis na paparating,” rinig kong usal ni Vince.

“Ma, alagaan niyo po ang sarili niyo ha. Ipinapangako ko po sa inyo, makakabalik po ako ng ligtas dito at aayusin po naman ang gulong ‘to. Pangako po iyan,” mahinang salaysay ko pa kay mama.

“Tao po?” boses ng pulis na ang narinig namin.

“Khyla tayo na. Hindi nila tayo pwedeng mahuli. Masasayang lang ang lahat,” pagtawag naman ni Marty. Ayoko mang iwan sana si mama kaso ito lang ang paraan. Masakit man, kakayanin ko.

“Mag-iingat kayo anak ha. Vince, Marty, alagaan niyo ang anak ko ha? Ingat kayo,”

“Opo Tita,” Vince.

“Sige po Tita, hindi po namin pababayaan si Khyla,” Marty.

Bago paman pagbuksan ni mama ang mga pulis ay nakaalis na kami ng bahay.

****

(Two Days After)

Khyla‘s POV

Dalawang araw na magmula ng tumakas kami sa presinto. Masama mang pakinggan ang aming ginawa ay balewala na iyon dahil maraming nakataya sa bawat isa sa amin.

Kasalukuyan kami ngayong nandito sa isang abandonadong bahay. Hindi namin alam kung sino ang may-ari nito. Med‘yo may kalumaan nga lang ang bahay ngunit maaari pa namang tirahan. Hindi na kami bumalik pa sa bahay ni Marty dahil alam kung doon kami hahanapin ng mga pulis. Baka nga nandoon na sila at hinihintay nalang ang pagdating namin. We need to be more careful right now. Dapat tignan namin ng mabuti ang kilos at ginagawang desisiyon namin dahil dito nakataya ang magiging kalayaan naming tatlo.

“Ganito nalang ba tayo palagi? Nagtatago na parang mga tunay na kriminal? Na parang takot sa mundo?” bigla ay pagbasag ni Marty sa naging katahimikan naming tatlo. Lumilipad ang utak ko sa maraming iisipin. Ni hindi ko na alam kung hanggang saan kami dadalhin ng pagkakataon. Takot na ako sa mga posibleng ibigay sa amin ng tadhana dahil walang kasiguraduhan kung ano ang aasahan namin.

What Happened To Mary?(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon