EPISODE 11

65 10 0
                                    

Episode 11

Expect the Unexpected

••••

"ANO ng gagawin natin?" natatarantang pagtatanong ko sa kanilang dalawa. Narinig kami ng mga pulis.

"May tao ba d'yan?" mas lalo pang lumakas ang boses ng pulis, ibig sabihin sila ay nasa malapit na.

Hindi nila kami maaaring makita. Hindi pa sa ngayon.

Tumingin ako sa mga kasamahan ko, maging sila ay natataranta ta hindi malaman kung ano ang gagawin.

Nang mapansin kong mas lalong lumalakas ang boses ng mga pulis, mas lalo pa akong kinabahan. Parang nakikipagkarera ngayon ang puso ko sa kabang aking nararamdaman. Naghihintay lamang akong tawagin ako ng aking mga kasama ng biglang may humila sa akin at tinakpan ang aking bibig.

"H'wag kang sisigaw," mahinang sabi ni Vince. Narito kami ngayon sa isang maliit na storage room. Madilim ang buong paligid at kas'ya lang kaming tatlong nakapagtago.

Sumilip si Vince sa may maliit na butas. Nakiramdam muna kami sa buong paligid.

"Mukhang natakasan na tayo," sabi ng pulis.

"Pero hindi naman tayo nakakasigurong tao nga iyon. Pa'no kung pusang gala lang pala," ani naman ng isa pa.

"Marahil ay hindi na iyon dadating pa. Baka natunugan nilang may pulis na darating kaya hindi na sila tumuloy pa. Mabuti nalang, bumalik na tayo sa presinto," dugtong naman nung isa pang pulis. Tahimik pa rin kami. At nang marinig namin ang papaalis nilang sasakyan ay saka pa kami tuluyang lumabas mula sa aming pinagtataguan.

"Thank God at hindi nila tayo nakita," marahan kong sabi sa dalawa.

" 'Buti nalang talaga," bulalas naman nitong si Vince.

"Umalis na tayo," ani Marty kaya hindi na kami nagsalita pa at mabilis na lumabas nitong warehouse at dali-daling sumakay nitong sasakyan. Lumubog na ang araw kaya med'yo madilim na ang buong kalangitan at ang paligid. Halos kalahating oras din ang tinagal namin doon sa warehouse, idagdag mo pa 'yung nangyari sa amin kanina doon sa mga pulis. Malaki ang pasasalamat ko't hindi nila kami nakita.

PAGKAABOT namin sa bahay, muli naming napag-usapan ang nangyari. We didn't expected that at all. No one see's that coming!

"Pasensiya na kayo ha," panimula ko pang sabi sa kanilang dalawa. Narito kami ngayon sa sala at pagod na umupo.

"Bakit?" Vince.

"Para saan?" Marty.

Magkasunod nila akong tinanong.

"Kasi muntikan na tayong mapahamak ng dahil sa akin,"

"Wala ka namang kasalanan e," ani Marty.

"Kung sana ay nakinig ako sa inyo, hindi na sana tayo muntikang mahuli ng mga pulis. Ang tanga-tanga ko!" bulalas ko.

Galit ako sa sarili ko kasi hindi ko nagawang makinig sa kanila. Galit ako kasi nagpakatanga ako at ang dali kong naninawala kay Bryan. Galit na galit ako sa sarili ko mismo. Wala naman kasing ibang dapat sisihin kung hindi ako lang. Sarili ko lang!

What Happened To Mary?(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon