EPISODE 1

226 18 3
                                    

EPISODE 1

You Should Have Known

****

Third Person‘s POV

SEPTEMBER 10, 1998

TAHIMIK lamang na nakaupo si Mary sa kaniyang upuan habang may sinusulat ito sa kaniyang kwaderno. Siya lang mag-isa ang nasa loob ng kanilang klase dahil ang mga kaklase niya ay nagsilabasan muna dahil recess time na nila.

Pabalik-balik na tumingin si Mary sa kaniyang kwaderno at sa harap. Habang pukos na pukos siya ng may marinig siyang napatawa sa labas. Nang maibaling niya ang kaniyang tingin sa pinto, nakita niya ang kaklase niyang si Monica, kasama ang dalawa pa nitong kaibigan na si Stacy at Cham.

“Hindi ba ikaw iyong kaibigan ni Clara?” bigla ay rinig niyang sabi ni Monica.

Hindi siya nakasagot sa sinabi nito, sa halip ay ibinalik ang tingin sa kaniyang sinusulat at inisip na wala siyang ibang kasama sa loob.

“Hindi ba‘t. . .ikaw ang dahilan kung bakit siya namatay?” dahil dun, napatayo si Mary kaagad. Nahampas niya ng malakas ang kaniyang upuan dahilan upang mapaatras ang tatlo sa kanilang nakita.

“Ops, mukhang nagalit na ata si ate ninyo,” mahinang usal naman nung isa—si Stacy.

“Hindi mo alam ang nangyari!” may pagdidiing sabi ni Mary kay Monica.

“Sigurado ka?” napaisip siya sandali sa sinabi nito sa kaniya.

“Huwag mo na kasing ipagkaila Mary, ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Clara. Ang selfish mo kasi!” anang Cham. Ang bading niyang kaklase. Mariin silang tinignan ni Mary.

“Ano bang problema ninyo?!” mas lalong napataas ang boses niya.

“Bakit? Hindi ba totoo naman,” muling sabi sa kaniya ni Monica. Hindi alam ni Mary kung bakit siya ginaganito ni Monica. Wala naman siyang nagawa rito. Maliban na lang nung naunahan niya si Monica sa top students sa kanilang section. Consistent top 1 si Monica ngunit bigla siyang naungusan ni Mary. Mula nun, nagsimula ng magalit sa kaniya si Monica.

Hindi ba‘t ang babaw lang ng dahilan niya kung iyon man talaga? Para lang dun? Gosh!

“Wala kayo nung mangyari ang insidenteng iyon kaya huwag kayong umasta na para alam ninyo ang lahat kasi ang totoo, wala talaga kayong alam!” gagad sa kanila ni Mary. Panandalian silang natahimik.

Rinig niyang napatikhim si Monica.

“Kahit na ano pang sabihin mo, mamamatay tao ka! Killer! Murderer!” habang sinasabi iyon sa kaniya ni Monica, hindi maiaalis ni Mary na maikuyom ang kaniyang mga kamao at ramdam niya ang namumuong galit sa kaniyang kaloob-looban.

“Wala kang karapatang sabihin sa akin iyan!” palakad na sana siya sa kinaroroonan ng tatlo ng mapatigil siya kaagad.

“Bakit anong gagawin mo? Papatayin mo rin ba ako? Kaming tatlo?” direktang usal sa kaniya ni Monica.

“Look at her, para na siyang papatay oh,” dugtong naman ni Stacy.

“Oo nga e, nagpipigil lang,” Cham.

Sa halip na sagutin niya ang mga walang kwenta na nitong pinagsasabi sa kaniya, kaagad na lang na nilisan ni Mary ang kanilang classroom. Rinig niya pang napahalakhak ang tatlo.

“Killer!” iyon ang huling salitang narinig niya mula kay Monica.

*****

TWO DAYS AFTER

What Happened To Mary?(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon