Night

17.9K 354 51
                                    

Dalawang buwan ang mabilis na lumipas. Hindi na rin nakakapunta sa bar sina Gianna at Olive dahil madalas silang mag-overtime. Bukod sa mag-bestfriend sila ay magkatrabaho rin sila sa real estate company kung nasaan sila ngayon.

“Our team needs to meet the quota for this quarter. Target is P25,000,000.00 yet we only have P11,000.000 as of today.” Nagparoon at parito si Patriciah Camingao sa loob ng meeting room habang nagpe-present ng sales report.

“We still have two months. What’s the plan, team?”

Nanatili lang na nakaupo at walang imik ang mga ahenteng nakapalibot sa hugis oval na conference table.

“How about you, Ms. Barcelo?” Tiningnan niya si Olive na nasa may unahan lang. “Dalawang buwan ka nang walang benta. You know the impact of that to our team, right?”

Marahang tumango ang dalaga.

“Magpapatawag na lang ulit ako ng meeting. Kaya natin ’to, okay? I believe in you.”

“Yes, boss!”

Nang magsipaglabasan ang ibang mga ka-team ay tinawag ni Patriciah ang pansin ni Olive. “Miss Barcelo, can we talk?”

“Okay po.”

Hinintay muna nilang makalabas ang lahat at nang masiguro na silang dalawa na lang ang naroon ay isinara ni Mrs. Camingao ang pinto. Umupo siya sa harap ng kaniyang subordinate.

“What’s wrong, Hija?” Ginagap niya ang kamay ni Olive. “You used to be performing well. Hindi na ikaw ’yung Olive na kilala ko. Dahil pa rin ba ito kay Gino?”

“Yess, bos—”

“Tawagin mo akong Patty kapag tayong dalawa na lang. Tatanggalin ko muna ’yung border natin as boss-agent for now. I can be your friend.”

Napasinghap si Olive.

“To be honest, Patty. Oo, siya pa rin. Siya ang dahilan kaya nagkakaganito ako. Sa totoo lang hindi ko rin gusto kung ano ang nagiging epekto noon sa akin. You know me well. May dalawa akong kapatid na pinapaaral sa college. May pamangkin akong nagda-dialysis. At dahil hindi ako makabenta, hindi ko matustusan ’yun. And all of this is because of Gino. I hate him!”

Walang salita ang namutawi kay Patricia. Tinapik-tapik lang niya ang braso ni Olive.

“I’ll give you the rest of the day to breathe. You can go home now.”

“Salamat, Patty.”

♡♡♡

Tiningnan ni Olive ang relong-pambisig. Inisip niya kung saan siya pupunta. Alas dos pa lang kasi ng hapon.

Today is the 28th of October. Ngayon ang nakatakdang kasal ni Gino sa mapapangasawa nito.

Dinala siya ng mga paa niya papunta sa bar na huli nilang pinuntahan ni Gianna. She went straight to the counter to drink. Gusto lang niyang uminom nang uminom.

Hindi niya alintana ang ingay at lakas ng tugtog sa paligid. Mas pansin niya ang panaghoy ng puso niyang umiiyak at nagpipira-piraso.

“Gino, why?”

Sumubsob siya sa counter hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.

♡♡♡

Olive grunted. Amoy ng isang air freshener na sumusuot sa ilong niya ang bumungad pagkagising niya.

“H-Huh? Nasaan ako?”

“Olive, you’re awake.”

Nilingon ng dalaga ang nagsalita. “Nicky?”

Napahawak sa batok ang binata. “Yeah. Uhm. Nakita kitang nakasubsob sa counter kaya kinuha kita. Hindi mo kilala ang mga nandoon at baka mapahamak ka. And that’s it...”

Pleasure Me, Mr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon