New Life

5.2K 135 9
                                    

'Hey, Olive. Working late again?"

Napaangat ang tingin ng dalaga sa nagsalita. "Yes. Just finishing some stuff here." Ibinalik ni Olive ang tingin sa monitor ng computer. "I'll be home in fifteen minutes."

"I'm heading your way. Do you need a lift?"

"That's so nice of you, Steve. But I have a car." She genuinely smiled at her co-worker. "I can go on my own."

Steve shrugged his shoulders. "Alright. Not a biggie. Be safe." Isinara na nito ang pinto ng opisina ni Olive.

Nang mawala na ang tunog ng yabag ni Steve ay napasandal si Olive sa swivel chair. She looked at the ceiling while pressing the bridge of her nose.

It's already past six in the evening. Kanina pa dapat siya nakauwi ngunit nasa opisina pa rin siya para asikasuhin ang files ng kliyente niya.

Working overtime is not new for her. She's been doing it for the past five years of her life, trying to occupy herself by overworking in a real estate firm in Manchester, Connecticut.

She yawned and blink her eyes. Nakakaramdam na siya ng pagod at antok kaya isinara na niya ang computer para makauwi na.

♡♡♡

Dumaaan muna siya sa Tindahang Pilipino para bumili ng stocks. She has adapted well in United States but not her tummy. Hinahanap-hanap pa rin niya ang pagkaing Pinoy.

Halos mapuno na ang basket niyang tangan ngunit hindi pa rin siya pumupunta sa cashier para magbayad.

"Parang may nakakalimutan pa ako." Napakagat-labi siya habang sapo-sapo ang noo. "Ah, oo. Palaman."

Agad siyang pumunta sa bay 3 para maghanap ng Eden Cheese.

"Eden cheese... Eden cheese.. Eden Ch—"

Napatigil siya sa paghahanap nang mapadako ang tingin niya sa isang yellow container na may label na "Star Margarine".

Napatuod siya sa kinatatayuan pero saglit lang iyon. She ignored the product as if it is not existing. "Eden cheese, there you go."

Napangiti si Olive at noo'y pumila na rin agad sa cashier. Kumpleto na ang pinamili niya.

♡♡♡

"Mama!" a small kid with blue eyes and blonde hair approached Olive as she came home.

"Nico!" Niyakap niya ang bata sabay hinagkan sa noo nito. "I missed you, bud! How's school?"

"I drew a dinosaur, Mama." Pumunta ito sa sala at binuksan ang maliit nitong school bag na may litrato ng Paw Patrol.

"You're such a great artist, son!" hangang sabi ni Olive. "I'm so proud of you."

"Puring-puri 'yan ni Ms. Miller kanina, Olive." Lumitaw mula sa kusina si Taylor, ang hipag niya na asawa ng kaniyang Kuya Jerico. Nakasuot ito ng apron. Ang Ms. Miller na tinutukoy nito ay ang teacher ni Nico sa nursery. "He got three stars on his wrist."

"Awesome!" Ginulo ni Olive ang ulo ng anak. "And because of that, I have pasalubong for you!"

"Yey! Pasalubong." Ngirit na ngirit ang bata sa excitement sa sinabi ng ina.

"Chooey choco!"

Kumuha ng isa si Olive at binuksan iyon. Maganang isinubo lahat iyon ng bata at nginuya. "Yummy!"

"Dinner's up. Let's go," yaya ni Taylor sa kanila.

♡♡♡

Payapang pinagmamasdan ni Olive ang natutulog na anak. Nasa bungad siya ng pintuan ng kuwarto nito.

Pleasure Me, Mr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon