"Nag-take ng day off ang isang Olivia Barcelo? That's a miracle!" palatak ni Gianna.
Tipid na ngumiti si Olive. Kapagkuwa'y naglagay ng ilang lata ng flakes 'n oil sa push cart. "I need a couple of days to clear things on my head, Gi."
"You should have done that before. Masyado kang nag-o-overwork. Ayaw kong maging ulila sa bestfriend 'noh?"
Napapailing na napapangiti sa amusement si Olive. "Well, I appreciate that, Gi. You're the best bestfriend ever."
Nasa Tindahang Pilipino ang magkaibigan. Ito ang itinuturing nilang girl bonding na bibihira lang mangyari.
Gianna also migrated in the US when she and her husband decided to settle down. Nauna lang ng ilang buwan si Olive.
"Mommy, mommy." A four-year old little girl pulled the hem of Gianna's dress. It's Kelly, Gianna's daughter.
"Yes baby?"
"Nico and I want to go to the chocolate's corner. Can we?"
Tumingin muna si Gianna kay Olive. Ngumiti lang nang malapad ang huli, hudyat na wala itong pagtutol sa nire-request ng batang babae.
"Alright." Pinisil ni Gianna ang pisngi ng anak. "Just make sure not to go anywhere. We'll not keep you out of sight, okay?"
"We'll do, Mom. Thank you!" Noon di'y hinawakan ni Kelly ang kamay ng kaibigang si Nico.
"Be careful, Nico and Kelly. You two might trip over!" pahabol na sigaw ni Olive.
Napatawa ang magkaibigan habang pinagmamasdan ang kanilang mga anak na umiindak pa papunta sa inaasam na chocolate corner. For those kids, they consider it as a safe haven.
"Anlaki na rin ni Kelly, 'no?" saad ni Olive habang nakatanaw sa dalawang bata.
Tumango si Gianna. "Baka hindi natin namamalayan e dalaga't binata na ang mga anak natin." Naglagay siya ng Argentina corned beef sa push cart. "Let's go to the Women's Care corner."
Magkatulong nilang itinulak ang pinaglagyan ng mga bibilhin. Sinimulan na ni Olive ang pagkuha ng ilang piraso ng Dove Soap.
"Kailan kayo babalik sa New York?"
Gianna shrugged her shoulders. "I don't know. Maybe in two weeks or a month? It really depends on my husband's scope of work."
"Medyo matagal pa pala. We still got a lot of time to catch up. Bibihira na lang tayong magtagpo lalo pa at magkaiba ang states na tinitirhan natin." Olive chuckled.
"Sus, ikaw lang naman ang hinihintay ko, girl. Ilang beses na ba kitang niyayang lumabas mula nang dumating kami sa Connecticut?" Gianna jokingly said.
Itinaas ni Olive ang dalawang kamay at inilagay ang mga iyon sa baywang. "Eh paano naman kasi, you always tell me na may irereto kang lalaki for me. Alam mo namang wala akong time sa ganiyan eh." Olive looked at her son in a distance. "My son is my priority."
"I'm just giving some recommendations, Olive. You know how much I wanted to see you happy. When Nico turns 18, he'll leave you. You know America."
Natatawang-naiiling lamang si Olive sa kaibigan.
"Are you still not dating because of him?"
Napatigil si Olive sa pag-amoy sa tester ng eau de toilette na naka-display. Tinitimbang ang isasagot sa kaibigan.
Wala mang binanggit na pangalan si Gianna ay iisang tao lang ang naiisip ni Olive sa tanong na iyon.
Olive tilted her head to face her bestfriend. "Of course not."
BINABASA MO ANG
Pleasure Me, Mr.
RomanceThis story contains adult language. If you are still wearing baby bra, please do not proceed. The fate of Olive, a real estate agent and Nicky, future CEO of a cosmetic company started when they stumbled upon each other one night in a bar. Start dat...