Confess

5.9K 163 9
                                    

Magkakalayo ang poste ng mga ilaw na siyang nagtatanglaw sa mangilan-ngilang sasakyang nagdaraan. Sa gilid ng kalsada ay nakatigil ang sasakyan ni Nicky. Sila naman ni Olive ay nanatili lang sa loob at nakaupo. Katahimikan ang pumapagitan sa kanila.

"Nicholas."

Napahawak nang mahigpit si Nicky sa manibela ng kotse nang marinig si Olive sa pagbigkas ng tunay niyang pangalan. Nilaliman niya ang paghugot ng paghinga bago hinarap ang dalaga.

"Biyang..."

Lumabi si Olive. Iniiwas niya ang tingin sa binata. Halo-halo ang emosyon na kaniyang nadarama.

"I just knew about it the first time I went to your house. Noong makita ko 'yung picture mo noong bata ka pa, nagkaroon ako ng kutob na baka ikaw ang kababata kong si Biyang. But I give the benefit of the doubt. Baka kasi kamukha mo lang. Pero..."

Pinukulan ni Olive ng sulyap ang binata, kita ang interes sa mga mata niya.

"Pero mas lumakas 'yung pakiramdam ko noong napag-usapan natin sa dinner table—"

"Yung bopis na paboritong-paborito mo. Na niluluto ni Lola Gets sa tuwing dinadala kita sa bahay!" may ngiting sabi ni Olive.

Napatawa si Nicky dahil doon. Kahit papaano ay gumaan na ang atmospera sa pagitan nilang dalawa.

"Seventeen years na ang nakakalipas pero sariwa pa rin 'yung mga alaalang 'yun."

Muli ay nilukob sila ng katahimikan.

Kaagad binawi ni Olive ang kamay sa binata. "Hindi mo ako kinumusta. Hindi ka rin dumalaw-dalaw."

"I'm sorry, Biy— I mean, Olive. I'm at fault for not doing that. Ipinadala ako ni Dad sa States to continue my studies at lalo akong nawalan ng pagkakataong makibalita."

Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ni Olive. "I'm glad to meet you again, Nicholas."

Ipinungay ng dalaga ang mga mata. "Noong araw na hinabol ko ang bola mo, natagalan ako sa pagkuha noon dahil sa daloy ng tubig sa ilog. 'Yun nga lang, hindi ko napansin na masyado na pala akong napalayo sa pinaglalaruan natin kaya natagalan ako pagbalik."

"Bumalik ka?"

Tumango si Olive. "Oo, kaso noong nandoon na ako, bigla akong nahiya magpakita kasi marami na ang tao ang nandoon kaya nagtago muna ako sa taas ng puno ng sampaloc. Nakita ko pa nga 'yung daddy mo na sinundo ka eh."

Nicky looked at Olive. "I lived in pain during that seventeen years thinking that you're gone." He held Olive's hand and put it on his lips. "But I'm not blaming you. Maybe, I'll do the same kung ako 'yung humabol sa bola. What matters now is I know you're alive."

"I'm sorry." Guilt was shown in Olive's eyes. Hindi niya lubos-maisip na ganoon ang pinagdaanan ni Nicholas sa loob ng mga panahong iyon.

"Let's call it a night. Ihatid mo na ako. Balikan mo na 'yung fiancee mo."

Nicky sensed a crack on Olive's voice when she said that.

"I won't."

Olive crossed her arms. "Iuwi mo na ako."

"Ayoko."

"Sabing iuwi mo na ako e. Bumalik ka na sa fiancee mo." Unti-unti nang tumataas ang boses ni Olive. Balak lang sana niyang ilihis ang usapan nila ni Nicky para hindi siya malukob ng konsensya sa hindi pagpapakita noon. Pero nang mabanggit niya ang 'fiancee' ng kaharap ay hindi niya mapigilang makaramdam ng inis.

"Are you jealous?"

"No!" Napasigaw na ang dalaga sa puntong iyon. Olive smirked at him. "Nagagalit ako. I feel betrayed. You're someone else's fiance p-pero... you're fucking me."

Pleasure Me, Mr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon