Panaka-nakang nagsusulyapan sina Nicky at Olive habang nasa loob sila ng sasakyan. Sa tuwing nagtatagpo ang mga mata nila ay napapangiti na lang sila sa isa't isa.
Matapos ang limang oras na pagbiyahe sa sementadong daan ay ngayon naman ay binabagtas nila ang daang patag na lupa lamang. Sa tingin nila ay may layo itong pitong kilometro mula sa huling kapitolyo na nadaanan nila.
"Here we are!"
"Ang ganda." Sininghap ni Olive ang hangin. Hindi naman siya nabigo dahil pinaghalong amoy ng kopra at mga bulaklak ang nasagap ng kaniyang ilong. Walang sinabi ang hangin sa lungsod na pinaghalong usok at polusyon.
Pinagmalas ni Olive ang tingin sa dalawang palapag na bahay na nasa harap nila. It's an old ancestral house na gawa sa narra.
"Wow." Nagdire-diretso ang dalaga patungo sa pintuan. Sabik na siyang tingnan kung ano ang nasa loob.
At hindi nga siya nabigo. Bumungad sa kaniya ang ilang kagamitan na gawa rin sa matitibay na kahoy ng narra at mahogany. May barnis ang mga ito na nakatutulong para magmukhang bago. Pati na rin ang sahig ay hindi rin nakaligtas kaya kumikinang ito sa tuwing nasisinagan ng araw.
Napapitlag si Olive nang may mga brasong kumulong sa kaniya mula sa likuran. Sinundan ito ng magaang halik sa gilid ng kaniyang leeg.
Napangiti ang dalaga sa inasal ni Nicky. Hinarap niya ito at ipinulupot ang mga kamay sa batok ng binata.
Nagtama ang kanilang mga mata. Pitong segundo nilang pinag-usap ang mga ito.
Kinuha ni Nicky ang isang kamay ng dalaga at hinagkan. Pagkatapos ay muli niya itong ibinalik sa pagkakapulot sa kaniyang batok.
"I'm sorry, baby. I know hindi madali ang pagdedesisyon sa pagsama mo sa akin but I will make sure it will be worth it."
Olive sealed Nicky's lips with a kiss. "Whatever the decision I made when I opened your unit's door, 'yun na 'yun. Wala nang atrasan." She pinched the tip of Nicky's nose. "I'll make lunch. Stay there." Olive pointed at the sofa made of narra wood.
Nicky followed what she instructed. Pinanood lang niya ang dalaga habang nagpeprepara ng mga sangkap sa ulam na lulutuin. Muli niyang binalikan ang nangyari kaninang madaling-araw.
"Baby..." Nagtutubig ang mga mata ni Nicky dahil sa pinaghalong galak at gulat nang mapagtanto niyang dumating ang dalaga.
"Sasama ako sa 'yo." Sunod-sunod na hinagkan ni Nicky ang likod ng palad ni Olive. Nang magsawa roon ay sinapo naman ng mga kamay niya ang pisngi ng kaharap.
"Are you sure?"
Kumawala si Olive sa pagkakahawak sa kaniya ni Nicky. Naglakad-lakad paroon at parito sa loob. Sinusundan naman siya ng tingin ng binata.
"Hindi ko alam kung tama itong desisyon na ito. But all I know is, ayokong mawalay sa 'yo. Akala ko noong una, it is just pure guilt kasi hindi kita masamahan gayong nandiyan ka noong mga panahong kailangang-kailangan kita. Pero hindi e."
Tiningnan ni Olive ang binata."May iba e. Hindi ko alam. P-Parang nagugustuhan na rin kita." Iniiwas ng dalaga ang tingin sa kaharap.
Napatuwid sa pagtayo si Nicky. Pinanatili ang pagiging kalmado ngunit ang loob niya ay nagdiriwang na sa tuwa.
"I know many things will be put at stake sa pagsama ko sa 'yo. But I am pretty sure it is the best thing to do and I know this is what I have to do."
BINABASA MO ANG
Pleasure Me, Mr.
RomanceThis story contains adult language. If you are still wearing baby bra, please do not proceed. The fate of Olive, a real estate agent and Nicky, future CEO of a cosmetic company started when they stumbled upon each other one night in a bar. Start dat...