Mariing napapikit si Olive. Pinigil niya ang paghinga.
"H-Hindi kita maintindihan."
Umikot siya para harapin ang binata. Bumaba ang kanyang tingin. May hinanap.
Ngayon ay mas lalo na siyang nalilito. Hindi makapag-isip nang tama.Napasinghap siya. kumibot-kibot ang labi.
"I-I have to rest.."
"Olive." Sinubukang pigilin ni Nicky ang dalaga sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito ngunit marahas lang na binawi iyon ni Olive. Tuloy-tuloy ang dalaga sa pagpanhik patungo sa kuwartong pinagdalhan sa kanya ng binata.
♡♡♡
Nang makarating sa kuwarto ay nagtalukbong siya ng kumot. Hindi maalis sa isip niya ang nakita.
Walang singsing na suot si Nicky.
"So the wedding didn't happen?" Umusbong ang kyuryosidad sa utak ni Olive. Hinanap niya ang cellphone. She'll do something that she has been avoiding to do ever since. She thought it would save her heart from ache kung hindi na niya iduduldol ang sarili sa katotohanang mas pinili ni Nicky si Georgina kaysa sa kanya.
She typed Nicky Byrne and Georgina Ahern's wedding.
No results found. You mean "Alluring CEO to tie knot with Georgina Ahern?" Iyan ang prompt error na lumabas sa sine-search niya.
Nagsalubong ang mga kilay ni Olive. She paraphrased the keyword sa pag-asang makahanap siya ng ibang impormasyon.
Ilang minuto na siyang sumusubok pero wala pa rin siyang makita. She finally gave up.
She sighed deeply. Padapa siyang humiga sa kama at ibinaon ang ulo sa unan. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
♡♡♡
Samantala ay nasa labas naman ng kuwarto ni Olive si Nicky. Ilang beses na niyang pinaplanong katukin ang dalaga ngunit laging nauudlot. Olive has roller coaster of emotions. He totally understand that as he as well is in the same state. Naghahalo ang pagkakarambola ng kanyang puso at ang paghahangad na isinisigaw ng kanyang katawan na tanging si Olive lang ang nakapagdudulot noon sa kanya.
Nicky looked at the closed door and decided to walk away. He got a lot of explaining to do at ipagpapabukas na lang niya iyon.
♡♡♡
Maagang bumangon si Nicky. Tiningnan niya ang labas. Umuulan pa rin ng snow pero hupa na ang blizzard. May mangilan-ngilang tao na rin sa labas na nagki-clear ng pathway para alisin ang niyebeng nakatambak na ga-kalahating binti ang sukat. He will do the same later.
He made few calls overseas and checked some e-mails. Nag-iwan siya ng ilang instruksiyon sa kanyang sekretarya. Nasabihan niya na rin ito na ipakansela ang mga naka-schedule na meetings dahil malabo pang siya ay makauwi sa Pilipinas.
Natawagan na rin niya si Shane. Ang kaibigan niyang ito ang ini-appoint niyang Chief Operating Officer when he assumed the CEO position of Alluring Essentials years ago. Kung mayroon man siyang pagkakatiwalaan ng posisyon sa kumpanya ay mga kaibigan na niya iyon. Kian as the Chief Marketing Officer. Brian as the Chief Business Development Officer. Mark as the Chief Financing Officer at ito nga si Shane who has the second highest position in the company next to him as the COO.
He never regretted the decision dahil mas yumabong ang Alluring Essentials sa tulong ng kanyang mga kaibigan na itinuturing na niyang kapatid.
They also pursued the business they planned years ago. At iyon nga ang Men's Facial Wash. Their original plan was to create a new business catering men's hygiene and beauty product. Things changed nang mapabalik si Nicky sa kumpanya. Imbes na gumawa ng bagong produkto ay isinama na lang nila ang facial wash sa product line ng Alluring Essentials. And it is a success.
BINABASA MO ANG
Pleasure Me, Mr.
RomanceThis story contains adult language. If you are still wearing baby bra, please do not proceed. The fate of Olive, a real estate agent and Nicky, future CEO of a cosmetic company started when they stumbled upon each other one night in a bar. Start dat...