Trust

5K 142 12
                                    

"You have to trust me. I love you, baby."
~ Nicky

Ito ang nakasaad sa papel na hawak ni Olive.

Halos tanghali na siya nang magising at nang magmulat ang mga mata niya ay wala na sa tabi niya ang nobyo. Noon nga niya nakita ang sulat na nakaipit sa ilalim ng lampshade sa tabing lamesa.

Hindi niya alam kung ano ang nais ipahiwatig ng nakasaad sa liham ngunit malakas ang kutob niya na may kakaibang nangyayari. Kung ano iyon ay hindi niya alam.

"Something's not right."

Bumangon na si Olive sa higaan. Nakakailang hakbang pa lang siya ay nakaramdam na siya ng pagkahilo at pananakit ng sikmura.

Tinakbo niya ang hagdan at dali-daling tinungo ang sink.

"Morning sickness again." She cleaned herself after.

♡♡♡

Muling bumalik si Olive sa unibersidad ng mga kapatid para muling kumbinsihin ang dean ngunit talagang matatag ito. Wala na siyang ibang option kung hindi ang itaas ang concern niya sa CHED. Ipaglalaban niya ang pangarap ng mga kapatid niya.

Mag-aalas sais na ng gabi nang nakauwi na siya sa bahay. Noon lang niya naalalang hagilapin si Nicky. Sa buong maghapon ay hindi ito sumagi sa isip niya. Okupado ang utak niya dahil sa isyu ng mga kapatid sa school.

Dali-dali niyang kinuha ang cellphone sa bulsa. Kaylaki ng panlulumo niya nang bumungad sa kaniya ang message inbox na walang kalaman-laman. Kahit call log history ay wala ring recent calls or missed calls.

Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib pero saglit lang 'yun.

"Oy, Marck. Umuwi na 'yung Kuya Nicky mo?" Inilapag ni Olive ang sling bag sa sofa sabay upo. Umaasa pa rin siya na maghapon ding abala ang nobyo. Naalala nito ang pinaplanong negosyo kasama ang mga kaibigan. Sa hinuha ni Olive ay ito ang inaasikaso ng katipan.

"Hindi, ate e."

Ipinagkibit-balikat na lang ni Olive iyon.

♡♡♡

Pangiti-ngiti ang dalaga habang isa-isang tinitingnan ang mga litrato nila ni Nicky sa kaniyang laptop.

"Halos magkasama tayo sa buong panahon nitong mga nakaraang buwan. Kung magkakahiwalay man tayo, hindi lalagpas sa forty eight hours." Lumapit siya sa screen ng laptop at hinagkan ang litrato roon ng katipan. "Miss na miss na kita."

Isinara niya ang laptop at humiga na sa kama. Kinuha niya ang cellphone at pinadalhan ng mensahe ang katipan.

Sana paggising ko, katabi na kita.

♡♡♡

"Your siblings' case are withdrawn. Every accusation were found false and there's lack of evidence," saad ng dean. "Kojie will graduate with flying honors whilst Marck will remain to be a part of the dean's list."

Natuod sa kinatatayuan si Olive samantalang ang mga kapatid na katabi niya ay nagyayakapan na sa tuwa.

Dapat ganoon rin siya ngunit hindi niya magawang maging masaya.

"Gano'n na lang 'yun, dean? Parang kahapon lang e kulang na lang halikan ko ang paa n'yo para bawiin ang kaso tapos ngayon ipinatawag ninyo kami para sabihin na binabawi n'yo na 'yung decision?" Ibinagsak ni Olive ang nakatikom na mga palad sa desk ng dean. "Tell me what pushed you to do that?"

Pleasure Me, Mr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon