Tease

7.9K 182 9
                                    

Katatapos lang gawin ni Olive ang paperworks na pinaaayos sa kaniya ng boss niya. Ngayon ay wala na siyang magawa. Wala rin siyang makakuwentuhan dahil ang mga kasamahan niya sa trabaho ay nasa field upang makipagkita sa mga kliyente at kung hindi naman ay para maghanap ng potential buyer.

Nakahalumbaba lang siya habang pinapatok ang daliri sa ibabaw ng desk nang may maisip siyang gawin. Binuklat niya ang drawer na kalebel lamang ng tuhod niya at kinuha mula roon ang isang pamilyar na aklat – ang Kama Sutra.

Siniguro muna niyang naka-lock ang pinto ng kaniyang opisina para walang makaabala sa kaniya saka siya tumungo sa couch na nakatalaga para sa mga bisita.

♡♡♡

Ilang pahina na ang nabubuklat niya. Butil-butil na pawis na ang lumalabas mula sa noo niya habang nakatingin sa mga larawan ng isang babae at lalaki na nagpapakita ng iba't ibang posisyon sa pakikipagtalik.

Paulit-ulit niyang tinititigan ang mga iyon at wari ba'y hindi mapagkit ang mga mata niya roon. Mariin siyang pumikit at muling hinulma sa utak ang mga larawang kanina'y tinitingnan at ang mukha ng babae at lalaki ay napalitan ng mukha nila ni Nicky.

Sumandal siya sa upuan at napatingala. Ang pencil-cut skirt na suot ay bahagyang ibinuka. Ang sarili niya namang kamay na nag-iinit na ay ipinatong niya sa bahagi ng hita na hindi nakatago sa palda.

"Nicky... I need you." Tumitig siya sa pagitan ng hita niya at wari bang ang silhoutte ng lalaki ay bigla na lang lumitaw roon — habang pinaliligaya siya!

Ipinilig niya ang ulo at pinigilan ang sariling magpalamon sa tumatakbo sa kaniyang isip. Isinarang muli niya ang hita at umayos sa pag-upo.

Kinuha niya ang cellphone at may pagkapilyang pinadalhan ng mensahe ang lalaking ilang araw nang hindi nagpaparamdam sa kaniya.

Do you think I have undies on right now?

Napahagikhik siya sa ginawa. Hindi siya sigurado kung mababasa ito agad ng lalaki.

Sa puntong iyon ay napaisip siya sa it-in-ext niya sa lalaki.

"What if... tanggalin ko ang panloob ko?"

Halos sampung segundo rin siyang nag-isip. Sa huli ay hinubad din niya iyon at inilagay sa bag.

Nang gawin niya iyon ay mas lalong sumidhi ang nararamdaman niya at muling bumalik sa imahinasyon niya ang silhoutte ng lalaki sa pagitan ng mga hita niya.

Sa pagkakataong iyon ay mas inilawig pa niya ang pagbuka nito na malaya na niyang nagagawa dahil wala na siyang pang-ibaba.

"Shit... You should be here, Nicky. Damn it."

Hinayaan niya ang sarili na magpalamon sa pag-aalab na nararamdaman. Nang mahimasmasan ay muling kinuha niya ang cellphone at pinadalhang muli ng text ang binata.

Why can't I just be lying beside you in bed instead of working... 🙁

Napangiti siya nang bahagya at tumayo na.

"I should get back to work." She heaved a deep sigh. Muli siyang bumalik sa desk niya at nag-open ng Facebook para maghanap ng potential buyers ng properties nila.

♡♡♡

Labinlimang minuto pa lang siyang nasa harap ng computer nang tumunog ang cellphone niya. May tumatawag.

Hindi niya mapigilan ang pagngiti nang bumungad sa kaniya kung sino ang gustong kumontak sa kaniya.

"Ohhh. Nicky. Kumu—"

"Nasa tapat ako ng building ninyo, baby.  I'll wait for you." Agad na pinatay ng lalaki ang tawag.

Wala nang sinayang na sandali ang dalaga at agad siyang nag-ayos ng sarili. Sa pagmamadali ay nalimutan na niyang isuot ang panloob na kanina'y hinubad niya.

Pleasure Me, Mr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon