"Ayan, sige kumain lang kayo. Damihan n'yo pa," ani Mrs. Camingao habang pinapapasok ang mga kapwa empleyado sa meeting room.
May ngiti sa mga labi na nilapitan ni Olive ang kaniyang boss nang halos nakapasok na ang lahat. Nginitian naman siya nito pabalik at nang magkaharap sila ay niyakap siya nito nang mahigpit.
"Salamat, Olive. Dahil sa 'yo, hindi lang nakapasa ang team, naging exceeder pa tayo!"
Hinawakan ni Olive ang mga braso ni Patriciah. "Credits should be for the whole team, Patty. Tulong-tulong tayong lahat kaya naka-P145 million sales tayo this month."
"I know." Patriciah gave Olive a pat on her right shoulder and look at her sincerely. "But I can't stop myself to thank you. 76% of the sales of our team came from you alone. Hindi mo talaga ako binigo. You're a buzzer beater!"
"Pwera bati. Baka next month, nganga na naman ako sa benta," himig-biro ni Olive. Nagtawanan ang dalawa dahil doon.
"Siyanga pala, boss. Masyado yatang marami itong pakain ngayon? At pa-catering pa? Malaki yata ang budget ng team huh?" Siniko-siko ni Olive ang katabi habang nakatingin sa mga empleyadong abala sa pagkain.
"Hindi naman kinuha sa budget 'yang pakain eh."
"Ha?" Hinarap niyang muli ang boss. "Saan galing?"
Hindi pa nakakasagot si Patriciah nang may kumatok sa meeting room.
"Delivery for Olivia Barcelo."
Kunot-noong tinungo ni Olive ang pinto habang kasunod naman niya si Patriciah na noo'y pangiti-ngiti. Bumungad sa kanila ang isang lalaki na sa wari nila ay ang toka sa pagde-deliver. May hawak itong isang bouquet ng sandosenang pink roses at sa isang kamay ay may kahon ng cake na may nakalagay na 'Congratulations'. Mayroon pang isang helium balloon na hugis-puso na ganoon din ang nakasulat.
Nang makaalis ang delivery man ay kinuha ni Olive ang note na nakalagay sa pumpon ng bulaklak.
Congratulations, baby.
N
"Baby pala ha?" Pasimpleng binangga ni Patriciah ng sariling balakang ang balakang ni Olive bilang panunudyo. "Iwan na muna kita. Babalikan ko muna 'yung mga ka-team natin."
Nang makalayo si Patriciah ay ngingiti-ngiting niyakap ni Olive ang bulaklak. Inilapit pa niya ang isang piraso sa ilong para samyuhin iyon. Sa puntong iyon ay tila ba naging malawak na hardin ang kaniyang paligid. May tanim na iba't ibang klaseng bulaklak na pinamumugaran ng mga paruparong may magagandang pakpak.
Sa dami ng naroon ay sa bulaklak pa rin na hawak nakatuon ang atensiyon ni Olive na wari ba ay ito ang pinakaespesyal na bulaklak kumpara sa mga naroon.
"Do you like it?"
Naglaho ang malawak na hardin sa imahinasyon ni Olive at muli na siyang nasa meeting room. Pero ang bouquet ay hawak-hawak pa rin niya.
Sumabay ang mga mata ni Olive sa pagngiti nang mapagtanto kung sino ang naroon.
He's wearing a button-down polo with a blazer on top, a well-fitted Khaki Chino pants, and a pair of shiny brogue shoes.
Umalis ito sa pagkakasandal sa pinto nang makuha na niya ang atensiyon ng dalaga. Nilapitan ito at binigyan ng magaang halik sa kaliwang pisngi.
"Congratulations!"
"Thanks. And thanks for coming."
Nicky held her chin. "Of course, baby."
May pagtataka si Olive dahil napapadalas na ang pagtawag sa kaniya ni Nicky ng 'baby' kahit sa kaswal lang nilang pag-uusap. Nicky's only calling her that when they are making love.
BINABASA MO ANG
Pleasure Me, Mr.
RomanceThis story contains adult language. If you are still wearing baby bra, please do not proceed. The fate of Olive, a real estate agent and Nicky, future CEO of a cosmetic company started when they stumbled upon each other one night in a bar. Start dat...