Padabog na isinara ni Olive ang pinto nang makarating sila sa New York. Nakahalukipkip siyang sumandal sa kotse habang nakabusangot ang mukha.
"Mag-uusap lang naman tayo pero bakit dito pa?"
"Wala lang, naisip ko lang." Nagkibit-balikat ang binata habang patuyang nakangiti. "Tara na sa loob?"
Olive heaved a deep sigh and headed to the entrance. Nicky opened the door for her. When they are both inside the mansion, he locked it.
"Wala ka naman sigurong babalakin sa aking masama?"
"Kung meron ba, tatanggi ka?" Nicky glanced at her and a wicked smile formed on his lips.
Olive was left tongue-tied. Nicky's question was stuck on her head.
"Of course, it's a joke." Nicky let out a soft laugh. "But if you'll give me consent.." He looked at Olive from top to down. "Why not?"
Nahigit ni Olive ang paghinga.
Huwag mo akong sinusubok. Palaban ako. sa loob-loob ni Olive.
"Stop!" Itinaas ni Olive ang dalawang kamay habang ang mga palad ay nakaharap kay Nicky.
Nicky pinched the bridge of Olive's nose. "Again, it's a joke." He winked at her while grinning.
Pumunta na ang binata sa fire place. Nilagyan iyon ng ilang piraso ng mga kahoy at pinasilab.
Nang masigurong tuloy-tuloy na ang apoy ay humakbang siya papunta sa L-shaped sofa saka umupo roon. He looked at Olive and tap his hand on the couch. "Upo ka."
Alanganin pa si Olive sa una ngunit sa huli'y sumunod din. Umupo siya sa tabi ng binata. She made sure that there is still a small space left between them.
Bahagyang ikiniling ni Nicky ang puwesto kaya ngayon ay nakaharap na siya kay Olive. At that point, a deafening silence came in between them.
Nanatili lang na nakatitig si Nicky sa dalaga. Si Olive naman ay nakayuko ngunit kahit ganoon man ay pasimple niyang sinusulyapan ang katabi sa sulok ng kanyang mga mata.
Kung gaano sila katagal sa ganoong kalagayan ay hindi na nila masukat.
Napapiksi si Olive nang may umangat ng kanan niyang kamay. Nang matanto niya ay kinuha pala iyon ng binata at ikinulong sa sariling mga palad.
"I'm sorry." Kita sa mga mata ni Nicky ang sinseridad. Mas hinigpitan pa niya ang paghawak sa kamay ni Olive. "I've been dying to tell you that on the day that we met at the train station but I don't know where to begin with. Sa palagay ko kulang ang salitang 'yun para makuha ko ang kapatawaran mo."
"Limang taon na ang nakaraan, Nicky. Whatever it is in the past, stays in the past," malamig na sagot ni Olive.
Ipinilig ni Nicky ang ulo. "I can see it in your eyes that you're never okay. You're smiling but something's missing. Do you think hindi ko napapansin 'yun?" Nicky held Olive's chin up. "Hindi 'yan ang tunay na Olive na masaya. Iba ang Olive na kilala ko, na minahal ko... at patuloy kong minamahal hanggang ngayon."
Sa puntong iyon ay para bang nagiba ang harang na matagal nang isinalang ni Olive sa puso niya. She finally bursted in tears, na tila ba lahat ng iyon ay naipon sa loob ng napakatagal na panahon.
Isinubsob niya ang mukha sa dalawang palad at doon pinakawalan ang nag-uumapaw na emosyon. Yumuyugyog na ang mga balikat niya sa labis na pag-iyak.
"I'm sorry.. I'm so sorry." Nicky used his two thumbs to try wiping Olive's tears but those keep on streaming down. Pati siya ay napapaiyak na rin dahil sa sitwasyon ni Olive. "I hate to see you crying and makes me hate myself more upon knowing that I'm the reason behind it." May tumulong luha sa kanan niyang mata.
BINABASA MO ANG
Pleasure Me, Mr.
RomanceThis story contains adult language. If you are still wearing baby bra, please do not proceed. The fate of Olive, a real estate agent and Nicky, future CEO of a cosmetic company started when they stumbled upon each other one night in a bar. Start dat...