Confused

7.1K 156 5
                                    

"Oh, bakit nagkukumpulan 'yung mga 'yun?" usisa ni Olive nang matanaw ang nangyayaring komosyon sa may lobby.

"Na-post na 'yata 'yung employee of the quarter," sagot ni Gianna na noo'y abala sa paghahalo ng kapeng hawak. "Tara, tingnan natin."

Kusang nahawi ang kumpulan nang dumating ang dalawa.

"Girl! Ikaw ang employee of the quarter. Congrats!" Magkabilang beso ang natanggap ni Olive mula sa kaibigan. Nagsipagsunuran naman sa pagbati ang mga empleyadong nandoon.

"Paanong— Bakit—?" takang tanong ni Olive. Isa-isa niyang tiningnan ang mga empleyadong nakatingin sa kaniya.

Kumawit si Gianna sa braso ng kaibigan. "Nagtaka ka pa. E ikaw ang may pinakamataas na sales nitong nakaraan." Sinundot ni Gianna ang tagiliran ng kaibigan kaya nakiliti si Olive. "Deserve mo 'yan!" Napapalakpak pa si Gianna sa katuwaan.

"Miss Barcelo, may I have a word with you?" Napalingon ang magkaibigan sa nagsalita. Si Mrs. Camingao.

Tinanguan ni Olive ang kaibigan saka tinungo ang direksiyon ng kaniyang boss. Iginiya siya nito sa sariling opisina.

"The directors have decided to offer a promotion to you, Olive."

"Promotion?" Ilang beses na imimulat-pikit ni Olive ang mga mata para manigurado.

"Yup!"Malaki ang impact ng latest sale mo sa revenue ng kompanya so the management want to give this opportunity to you." Hinawakan ni Patriciah ang dalawang kamay ni Olive. "You'll handle a team just like me."

Napahugot ng paghinga si Olive at mataman lang na nakatitig sa boss niya. Her dream is right in front of her. The dream that she'd been wanting to get the first time she stepped her foot on this building.

Being a team leader will open doors for her to a lot of privileges. Bukod sa titriple ang sahod niya kumpara sa kasalukuyang sinasahod, puwede siyang makapag-travel around the world to attend seminars na sagot ng kompanya ang gastos.

Itinutop ni Olive ang mga kamay sa bibig at nagsisimula nang magkabutil-butil ng luha ang gilid ng kaniyang mga mata sa labis na kasiyahan.

"Salamat, boss."

"It's about time." Patriciah gave her a pat on her left shoulder. "You'll be under probation for three months. Kaya do your best to show the bosses what you got."

No words can express how happy Olive is that time.

♡♡♡

"Oops!" Hinarangan ni Nicky si Olive pagkalabas ng huli sa Dunkin Donut shop. Hindi naman 'yun inalintana ng dalaga. Inisip na para lang hangin si Nicky. Itinuon ang atensiyon sa paper bag na hawak.

Ngunit malakas ang lalaki. Ayaw talagang paraanin si Olive.

"Ano ba?" may pagkayamot nang sabi ni Olive.

Napatawa si Nicky na panay pa rin ang harang sa daraanan ng dalaga.

"Iniiwasan mo ba ako?" Pinamaywangan siya ni Nicky.

"Hindi." Mas iniyuko ni Olive ang ulo para itago ang pamumula ng mukha. "Tabi na kasi."

Nicky held her pulse, seryoso na ang mukha nito. "Iniiwasan mo ako eh."

Olive looked around and found an empty table outside the donut shop. "Let's sit there."

♡♡♡

"I think we should stop seeing each other."

Kumunot ang noo ni Nicky sa pagtataka.

"What do you mean?"

Pleasure Me, Mr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon