Shower

11.4K 252 6
                                    

Nang makapasok si Olive sa CR ay humanga siya sa tumambad sa kaniya. Hindi kasi pangkaraniwan ang laki nito. May bathtub, shower room, at ang mas kapansin-pansin ay ang taglay nitong linis at bango. Halatang madalas nililinisan.

Dumiretso na ang dalaga sa bath tub pagkatapos niyang alisin ang lahat ng saplot sa kaniyang katawan. Nilagyan niya ito ng mainit-init na tubig at kapagdaka ay hinaluan naman ng Epsom salt at ilang patak ng lavender essential oil na agad kumalat ang amoy sa loob ng CR.

Siyempre, hindi kumpleto kung walang bubble bath kaya isinabay na niya ang paglalagay nito habang pinupuno niya ang bathtub.

Nang masiguro niyang handa na ang lahat ay agad na siyang tumubog sa tubig na agad nagpapresko sa kaniyang pakiramdam.

Balak sana niyang magtagal ng ilang minuto roon kaya kinuha niya muna ang bath tub and spa pillow para umidlip.

Pinilit niyang makatulog pero hindi nakikiayon ang kaniyang katawan kaya napagdesisyunan niyang huwag na lang gawin iyon. Kusa siyang ginigising ng mga nangyari noong araw na iyon na pilit man niyang takasan ay kusang bumabalik ngayong mag-isa na lang siya.

Isinandal niya ang likod sa bathtub. Kumuha siya ng kaunting bula at gumawa ng mas malaki pa. Nang magawa ang sukat na ninanais ay inaninag niya ang repleksiyon niya roon. Hindi niya maitatanggi ang kalungkutan na bumabalot sa mukha niya. Problema, paghihinagpis, desperasyon, at pag-aalala. Lahat ay naroon na.

Ilang segundo pa ay kusa nang pumutok ang bula. Hindi na niya binalak na gumawa pa ng isa.

Napatingin siya sa kisame. Muling binalikan ng tanaw ang lahat ng nangyari mula kaninang umaga.

Aaminin niyang may kaunti pa siyang nararamdaman kay Gino ngunit gusto na niyang puksain iyon. Alam niyang eventually ay magagawa niya rin iyon pero mahihirapan siya lalo na at kliyente niya ito at ang napangasawa.
Masokista man siyang maituturing dahil pinahihirapan niya ang puso niya ngunit kaya niyang ipagsawalang-bahala iyon alangalang sa pamilya niya.

Inalala niyang muli ang mukha ni Gino. Bagama't bibihira niyang tingnan iyon kanina ay hindi niya mawari kung tama ba ang emosyong nakukuha niya sa lalaki. Nakapagtataka rin dahil sa tuwing napapadako ang tingin niya sa dating kasintahan ay palagi niya itong nahuhuling nakatingin sa kaniya.

Napasinghap siya. Hindi siya mapakali. Mas higit na pag-aalala ang naiisip niya dahil kung ano man ang nararamdaman ng lalaki, hindi na iyon tama. Inihahanda niya ang sarili niya. Kung sakali mang magpakita ito ng motibo ay alam na niya ang gagawin niya. Kung sa patibayan ng labanan ng puso at isip niya, alam niyang laging nakahihigit ang paggamit ng utak niya.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang marinig niya ang pagpihit ng doorknob na sinundan ng pagsilip ng ulo ni Nicky.

Napangisi siya. Inaasahan na niya na hindi makakatiis ang lalaki na sundan siya.

Umayos siya ng upo. Tinakpan ng bubbles ang hubad niyang dibdib.

"Hi, baby." Tumambad sa kaniya ang kabuuan ng lalaki na noo'y naka-boxer shorts na lang. Malaya niyang napagmamasdan ang katawan nitong halatang batak sa gym lalo na ang ilang layer nitong abs na ilang beses na niyang nahawakan.

Tipid na ngiti ang isinukli ni Olive. "Want to join me in?"

Tumango ang binata at tumalikod sa dalaga. Agad nitong hinubad ang suot na boxer hanggang sa wala nang matira sa kaniyang katawan.

Kusang nagkrus ang mga hita ni Olive sa tanawing nakikita. Kakaiba kasing init ang idinudulot ni Nicky sa kaniya mula pa noong una. Ito ang hindi niya kayang kontrolin - ang libido sa katawan.

Itinungo ni Olive ang mga mata sa bula habang itinutubog ng lalaki ang sarili sa bath tub. Ayaw niyang tingnan ito nang diretso kahit pa gustong-gusto niya. Baka hindi siya makapagpigil!

Pleasure Me, Mr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon