Epilogue

461 5 0
                                        


Nagmamadaling nag ayos si Adrian upang makipagkita kay Lorraine, hindi nya inasahan ang tawag ng asawa nya kaya ng tumawag ito at sinabing nais nitong makipagkita ay naging aligaga sya sa excitement. Natatawa naman ang matandang si manang Lourdes dahil sa kinikilos ng binata pero masaya sya para sa mga ito


Wala pang isang oras ay nakarating na si Adrian sa pinag usapan nilang lugar ni Lorraine, ilang minuto din ng dumating sya ay dumating din si Lorraine kasama ang tuna nitong daddy na seryoso lang na nakatingin sa kanya


'T*ngn*, la pa kong ginagawa pero mukang badshot na ko ah' hindi maiwasang bulong ni Adrian sa sarili ng makita ang expression ng daddy ni Lorraine 


Nang makalapit ang mga ito sa kanya ay awkward syang ngumiti kay Mr. Smith na tinanguan lang sya bago bumaling  sa anak


"Call me if something happen baby, okay? I'll fetch you" ngumiti lang si Lorraine sa daddy nya kaya bumaling sya kay Adrian


"Take care of my daughter, kid" seryosong sabi nito bago tinapik ang balikat nya at nagpaalam.


'Weird bulong ni Adrian


"Hi" bumaling ang tingin ni Adrain kay Lorraine na ngayon ay nakatitig na sa kanya, pansin nya ang pamumutla ng dalaga. 


"Namumutla ka, may sakit ka ba?" Tanong ni Adrian sa kanya pero ngumiti lang si Lorraine. Inabot ni Adrian ang noo at Leeg ni Lorraine para tignan kung mainit ito ngunit hinawakan ni Lorraine ang kamay nya na dahilan para mapapitlag sya, mahigpit itong hinawakan ang kamay nya  na dahilan para kabahan sya.


"You okay?" Nakakunot noong tanong ni Adrian


"Oo naman, is there any reason not to be?" Napangiti si Adrian sa tugon nito. Oo nga, okay lang sya. 


Inayos nya ang pagkakahawak ni Lorraine sa kamay nya at mahigpit nyang hinawakan ang kamay  nito at hinalikan, hindi sya sigurado sa pinapakitang sweetness nito pero masaya sya. 


"Anong una mong gustong gawin?" 


*

Adrian's POV


"Ibig sabihin minanipulate ng daddy  mo ang lahat kasi akala nya anak ka nya?" Sunod sunod ang naging tango ni Lorraine habang ngumunguya ng spaghetti na favorite nya, tumaas ang kilay nya ng makitang nakatitig ako sa kanya habang kumakain sya kaya napakamot ako sa batok na ikinatawa  nya


Parang ibang Lorraine yung nakikita nya at hindi nya alam kung okay lang ba yun, is this the effect of her real mother to her? Nabanggit nya noon na tanging mommy lorriele nya lang ang bubuo sa pagkatao  nya, ito na ba yun? Ito na ba yung masayahing Lorraine na tinutukoy ni manang noon?


"Kung tititigan mo lang ako habang kumakain ako, hindi ka mabubusog" napangiti ako sa sinabi nya. Ilang beses na ba kong ngumiti sa kanya simula ng magkita kami kanina?

My Playboy Secret HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon