Chapter 6:

4.9K 150 6
                                    

Lorraine's POV

"Ano ba Adrian, bitawan mo nga ko! Hinihintay na ko ni rain sa baba" parang walang naririnig si Adrian dahil tuloy tuloy pa din sya sa paghila sakin.

"Bwiset ka talaga! Bitawan mo sabi ako eh" hinampas hampas ko na ung likod nya gamit ang isa kong kamay na hindi nya hawak habang nag pupumiglas sa pagkakahawak nya.

"Lintek naman oh!" Nagulat ako ng bigla nya Kong buhatin na parang sako.

"Oh my! Ibaba mo nga ko Adrian, ahhh! Ibaba mo ko" pinaghahampas ko na sya sa likod dahil sa sobrang nakakahiya na tong ginagawa nya. Buti na lang wala ng tao dito sa hallway ngayon, naka uwi na lahat ng studyante dito sa floor na to.

Bwiset kasi tong lalaking to eh. Ano ba talagang problema nya?! Kainis! Naghihintay pa naman sakin si rain sa baba.

Tumigil na ko sa pagpupumiglas dahil obviously, kahit na anong Palo at sigaw ang gawin ko sa lalaking to. Hindi sya makikinig, wala naman syang pinakikinggan eh.

Pagdating namin sa parking lot, binaba agad nya ko at sapilitang pinasok sa kotse nya.

"Hoy Adrian, San mo ko dadalhin?" Hindi nya ko pinansin at nagtuloy tuloy lang sa ginagawa nya. My god! What the hell is the problem of this damn guy?! I can't believe na nandito ko sa loob ng sasakyan nya. Sa maniwala po kasi kayo o hindi, ngayon lang ako nakapasok sa kotse nyang to. I'm sure theirs a lot of girls na nakapasok na dito but me?! Never!

"Adrian wala ka ba talagang balak magsalita? Bwiset naman eh. Baka maghintay sa wala yun si rain" inis na inis na talaga ko dito Kay Adrian.

"TUMAHIMIK KA NGA!" Para namang automatic na natahimik ako dahil sa pagsigaw nya. Ngayon nya lang ako sinigawan ng ganito. Ano ba talagang problema nya? Tinatanong ko lang naman sya ah. Nanahimik na lang ako dahil sa takot ko sa kanya.

Mathew's POV

Bakit parang ang tagal naman ni lorry?! Wengya! Baka kung napano na yun. Sundan ko na kaya?!

"Dong nahihilo na ko sayo! Sino bang hinihintay mo? Baka umalis na yun. Wala na kasing tao sa taas eh" napatingin naman ako Kay manong guard

"Ha? Sigurado ka kuya? Umakyat po kasi ung kaibigan ko, may nilagay lang po sya sa locker nya." Baka kasi di lang nakita ni kuya

"Naku dong! Wala ng tao sa locker room, baka umalis na yun." Impossible naman yun. Ano iiwan ako dito ni lorry?! Di naman yun ganun eh

"Ganun po ba?! Sige po! Antayin ko na lang ng kunti baka dumaan sa c.r" nginitian ko lang si manong

"O sige dong. Wag ka masyadong magpagabi ah?! Delikado" Tumango lang ako Kay manong at ngumiti.

Shit.

Medyo madilim na oh! Baka kung napano na yun.

Lorraine's POV

Hanggang ngayon wala pa ding umiimik saming dalawa. Hindi na ko nagsalita Simula ng sumigaw sya, baka masigawan ulit ako eh. Mahiral na. Sya naman tahimik na ding nag mamaneho, sabagay. Ako lang naman kasi maingay kanina eh

"Lorraine..." Tumingin ako Kay Adrian ng tawagin nya ko. Mag so sorry na ba sya?

"Why?" Tanong ko at binawi ang tingin sa kanya ng mapansing tinitignan din nya ko habang nag da-drive

"Kung gusto mo mamatay ibaba mo ko, wag mo ko idamay" cold na sabi ko sa kanya. Tanga naman kasi nito eh. Alam nyang nagda-drive sya tapos kung saan saan tumitingin, tingin nya sa muka ko?! Kalsada?! Psh.

"Sino bang nag sabi sayo na may balak akong magpakamatay?!"

"Sinasabi ko lang. Kung makatingin ka sakin Kala mo hindi ka nagda-drive eh" mataray na sabi ko sa kanya pero sya ngumisi lang.

"Why natatakot kang mamatay?" Tinignan ko sya ng masama pero sya nakatingin lang sakin na parang tanga. Bwiset na lalaki to! I don't know How he can manage to pissed me off by doing a simple act.

"Hindi naman ako natatakot mamatay eh, pero kung kasama mo?! Abay oo! Baka mamaya imbis na langit ang punta ko, mapunta pa ko sa impyerno kung saan ang punta mo eh. Edi nadamay ako?!" Bigla naman syang tumawa dahil sa sinabi ko. What with this man?! Kanina ang sungit ngayon naman halos mamatay na sa kakatawa *iling iling iling* Baliw na ata to eh.

"S-seriously?! Do you think na mapupunta ka talaga sa langit pag namatay ka? Cause you know what, I think that's impossible! Sa araw araw ba namang pang aaway at pagsusungit mo sa gwapong kagaya ko eh, di ka papapasukin ni San Pedro!" -_- see guys?! Ang yabang nya talaga nuh?! Kala mo naman totoo ung sinasabi nya.

" ikaw gwapo? San banda? Pakituro nga. Psh. Tyaka excuse me lang ha?! Anong connect ng pagpunta sa langit at pagsusungit ko sayo? " tinawanan nya lang ulit ako.

"Alam mo kas-" hindi ko na pinatuloy ang sasabihin nya dahil hinarang ko na ang palad ko sa muka nya.

"Hep hep hep! Wag ka na magsalita, I don't need your answer. Magdrive ka na lang ng maayos para di tayo mabangga, ayoko pa mamatay." Di na sya nag salita ulit at tawa na lang ang nadinig ko sa kanya.

Sinandal ko ang ulo ko sa bintana at pinikit ang Mata ko. Matutulog na lang ako kesa makipag usap pa sa lalaking to na wala namang sense kausap.

Adrian's POV

Tawa talaga ko ng tawa dito Kay lorraine. Napaka pikon talaga nito kahit kelan eh! Puro irap at taas kilay ang natatanggap ko sa kanya pag kausap at kasama ko sya eh.

Kanina naisip ko na mag bar na lang kaso nong nakita ko siya kasama nong lalaking transfery nainis naman ako. Nasungitan ko tuloy, tapos kanina dito na sa loob ng sasakyan nasigawan ko sya. Putek kasi puro rain ung naririnig ko sa kanya eh, pakilam ko ba sa rain na yun?! I don't give a damn if who is that fvcking bastard.

Tumawag din pala ko sa bahay kanina, pinag bakasyon ko sila manang pati ung mga ibang katulong. Ewan ko ba, parang gusto ko kasi na kami lang dalawa sa bahay eh. Tapos sya lagi ung magluluto, tutulungan ko na lang sya. To be honest, gusto ko na sya ung nagluluto hindi dahil para mahirapan sya. Gusto ko na sya ung nagluluto ng pagkain namin kasi gusto ko ung luto nya, I mean. Parang mas masarap kasi kung sya ung nagluluto para sakin?! Ganun! Wag na kayo kumontra ah. Eepal pa kayo eh.

Pagdating namin sa bahay pinark ko na agad ung kotse sa parking area, kung meron mang tao dito sa bahay ang di ko pinag bakasyon. Yun ung security guard, aba pano kung manawakan kami? Pano kung pasukin kami ng mga panget na akyat bahay gang? Edi kawawa naman tong bahay. Ung bahay ang kawawa hindi kami kasi mayaman naman kami eh.

"Lorraine.." Ginigising ko si lorraine pero ayaw matinag. Aba ayos to ah! Tulog mantika?!

"Hoy babae gising" niyugyog ko na sa balikat at tinulak tulak ng mahina pero ayaw pa din magising.

"Aishh.. Napaka tulog mantika mo naman psh." Napa kamot na lang ako sa ulo dahik no choice. Bubuhatin ko to paakyat sa kwarto nya, di naman pwedeng kaladkarin ko paakyat diba? Edi nagkasugat sugat at galos galos to. Lalo pa ko magera psh.

Binuhat ko na sya at nikabas sa kotse. Pang bridal style ung pagbuhat ko sa kanya di tulad kanina na parang sako haha.

Dahan dahan Ko syang binaba sa Kama nya at kinumutan.

Tignan mo nga naman oh! Dapat pala lagi na lang syang tulog, muka pa syang anghel. Kesa pag gising, napaka ingay at luklukan ng sungit. Bihira ko nga lang to makitang ngumiti pag gising eh.

"Bakit ba napaka sungit mo sakin? Ina-ano ba kita? Hay! Okay ka Sana eh, papasa ka sakin kung hindi ka lang bungangera." Hinalikan ko sya sa noo na di ko inaasahan na gagawin ko. Lintek na! Bakit ko ginawa yun?! Ayy bala ma nga di naman nya alam eh.

Lumabas na ko ng kwarto nya at dumiretso sa kusina para magluto nh dinner.

Bakit ba may nagagawa ako na di ko inaasahan na gagawin ko?

My Playboy Secret HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon