Chapter 11: Bestfriends simple bonding

4K 121 0
                                    

Lorraine's POV

"Hi girl, morning ^_^" nginitian ko si jasmine pag dating ko ng kitchen. Naka upo na sya sa kabilang side para kumain ng agahan

"Morning, where's sharly?" Wala pa kasi ung bruha

"She's still upstairs, tulog pa ata eh." Sagot nya habang sumusubo ng tinapay. Kumunot naman ung noo ko

"Tulog pa? Eh mas maaga ung natulog sakin ah." Saming tatlo kasi pag dating namin kagabi si jasmine ung unang natulog tapos sumunod si sharly, huli na Kong natulog kasi tinapos Ko pa ung assignment ko sa math :3

"Ewan. Baka di pa sya natulog kagabi nong pumasok sya sa guest room" nag kibit balikat na lang ako.

"Siguro nga, Baka iniisip pa din ung brix babe nya" sabi ko sabay inom ng hot choco ko.

"Haha brux babe? Ung ex nyang kaibigan ni jack? Tyaka ng famous playboy ng campus na si Adrian? My gosh! Last year pa sila nag break pero until now di pa sya nakaka move on? Lakas ng tama nya dun ah." Natatawang sabi ni jasmine pati tuloy ako natawa.

"Ganun talaga, first love never die" natatawa Kong sabi

"Really? First love nya si brix? Akalain mo nga naman. Malas namin dahil nabiktima kami ng dalawang mag kaibigang babaero" sabi ni jasmine sabay irap kaya natawa ko

"Bitter ka lang eh" sumimangot naman sya sa sinabi ko kaya lalo Kong natawa

"Che!" Tumawa na lang ako at tinuloy na ung pagkain. Buti na lang mamaya pang 9 ung klase namin ngayon. May meeting kasi sa faculty ung mga teachers ng senior kaya 9 na ung klase namin.

Maya maya pa ay puro kwentuhan na lang kami habang umiinom ng hit choco.

"Morning girls!" Napalingon kami sa biglang sumigaw at pareho pa kami ni jasmine na napataas ng kilay ng makita namin si sharly na ang ganda ganda ng ngiti habang suot pa nya ang kanyang white strap sando at pink hello kitty na pajama

"What's the good in the morning when your best friend is late to breakfast? " sarcastic na sabi ko habang naka taas ang kilay ko. Bigla syang sumimangot at padabog dabog na lumapit samin

"Sorry naman, bat kasi di nyo ko ginising?!" Pagdadahilan nya pa bago umupo sa tabi ni jasmine

"Abay sorry naman ho mahal na prinsesa dahil sa pagiging tulog mantika nyong matulog ha?! Sinasadya po namin" sarcastic na sabi ni jasmine sabay irap sa kanya.

"Sorry na nga eh! Sarap kasi matulog eh" nakabusangit na sabi nya. Kahit gusto ko ng tumawa eh pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil napag kasunduan namin ni jasmine kanina na gigisahin namin si sharly pag gising nya hanggang sa makayltapis syang kumain. Kaya tinaasan ko sya ng kilay, Arte pa Lorraine

"Nakakahiya naman sa tulog mo mahal na prinsesa, sige pa balik ka na ulit sa higaan tulog ka na ulit" sarcastic ko na namang sabi

"What's with you girls? Kanina pa kayo sarcastic ah. " naka pout na sabi nya. Nagkatinginan naman kami ni jasmine at sabay na humagalpak ng tawa.


"I know it I know it! Pinag titripan nyo lang ako, how rude of you" lalo kaming natawa sa inasal ni sharly pero sya nanatiling naka simangot lang habang kumakain.

"Liligo na nga ko, baka malate pa ko eh" sabi ko at tumayo na

"Ayy girl ako din antayin mo ko, pahiram uniform ah?!" Tumango lamg ako Kay jasmine tapos tinignan ko si sharly sabay ngiti

"Sige umalis na kayo, iwan nyo Ko. Ang ba-bad nyo!" Hindi ko na alam kung seryoso pa ba si sharly sa sinasabi nya o nagloloko lsng sya pero hindi ko napigilan ang sarili Ko na matawa bago umakyat. Ang childish talaga nun


My Playboy Secret HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon