Chapter 17:

4.2K 118 23
                                    

Jasmine's POV


Kanina pa kami nag-hihintay ni sharlot dito sa baba, si Lorraine girl kasi ang tagal. Sayang time

"Jassy friend akyatin mo na un, baka nagluluksa pa din yun sa pinatay nyang ipis." Natatawang bulong sakin ni sharlot girl. Sinamaan ko na lang sya ng tingin. Isa pa kasi tong babaeng toh eh. Asarin daw ba ang nagluluksa--este ang cockroach killer? Sus. Wag nga kayong maingay baka marinig nya.

"Ikaw na, mamaya ipalibing pa sakin nun ung ipis" tumawa lang sya sa sagot ko pero natigilan din sya ng...

"Anong pinagtatawanan nyo?" Walang kaganang-ganang tanong ni Lorraine girl habang palapit samin. Napatayo na ko sa pagkaka upo ko at lumapit sa kanya


"Wala yun, natatawa daw sya kasi may naalala syang nakakatawa." Palusot ko Kay Lorraine girl, Sana lang makalusot. Tumango tango naman sya, buti naman at  naniwala  sya agad. Hindi ako magaling mag palusot eh


"Ano naman yun sharly?" Tinignan ko si sharlot at bigla syang naging aligaga at tumingin sakin na humihingi ng tulong. Anong gagawin ko? Di ko na alam sasabihin ko, bahala na sya dyan.



"A-ah eh...ano hahaha ung ano pala...ung...." Muka syang tanga na patingin tingin sa ibang direksyon at nag-hahanap ng sasabihin. Bakit ba hindi kami nabigyan ng talent pagdating sa paglusot sa mga ganito? Err :3

"Ung? Ano ung ano?" Nagtatakang tanong ni Lorraine girl. Pinanlakihan ko ng Mata si sharlot pero nginusuan nya ko

"A-ahhh hahahaha o-oo ung ano pala..ung..ung ipis. Oo tama ung ipis, hahahaha alam mo ba ung ipis na naapakan kanina ni jassy friend akala nya kung ano kaya nagtata-talon sya. Napatay tuloy ung ipis ha-ha-ha-ha" pilit pa syang tumawa sa naging palusot nya. Pero ako Napa sapo na lang sa noo ko, gusto ko pati sya batuhin ng sapatos ko. Lalo na ng makita ko ung naging reaction ni Lorraine girl sa sinabi nya. Bakit ba kasi sa dami ng pwedeng sabihing palusot, ito pa ung sinabi nya?! Ugh..



"N-napatay.." Mangiyak ngiyak na naman si Lorraine girl na parang Ewan. Sinamaan ko ng tingin si sharlot at parang na-realize na rin na naman nya ung sinabi nya dahil nag peace sign sya. Bakit kasi di muna nya pinag isipan kanina bago nya sinabi? Kainis talaga toh.


"H-huh? Anong patay? S-sabi ko buhay. N-nabuhay ung ipis na tinalon-talunan ni jassy friend ng sapatos nya." Nini-nerbyos na bawi agad ni sharlot at nag Iwas ng tingin Kay Lorraine. Nag peke naman ako ng ubo para maagaw ung atensyon nya


"Tara na girl, wag mo na pansinin ung kabaliwan nyan. Baka di pa nya nainom ung gamot nya at inatake sya" kumunot naman ang noo ni Lorraine girl sa sinabi ko at bakas sa muka nya ang pagtataka kaya nginitian ko na lang sya. Naman eh.



Sharlot's POV

Gusto ko ng tampalin ang bibig ko dahil sa mga pinagsasa-sabi ko. Mabuti na lang at agaw atensyon ung pekeng ubo ni jassy friend. Hoo~~ katakot pa ung tingin nya parang dragon sya na bubugahan ako ng apoy tapos to-toasted-in nya bago ko kainin ng buhay. Uwaaaaah T_T I don't want that to happen, I'm not masarap. Hoho

*

"Nasan na tayo? Bakit parang kanina pa tayo byahe ng byahe? Nasa labas na din tayo ng city. Saan ba talaga tayo pupunta?" Sunod sunod na tanong nito. Bumabalik ung pagiging masungit nya. sasagot na sana ko pero nag ring bigla ung cellphone ko. hoo~ buti na lang nakaligtas. sinenyasan ko silang sasagutin ko lang  kaso si lorry sinamaan ako ng tingin pero si jassy sumimangot lang. antagal naman kasi nila tumawag eh




"hello?"


["ahm..sharlot sorry ngayon lang ako nakatawag, nagka problema kasi sa lights na gagamitin sa garden nila eh. inayos ko muna"] daming alam. di na lang nya sabihin na nagpunta pa kasi sya sa mga babae nya




"sus, ok lang. sanay na ko. ganyan ka rin dati sakin diba?" napatingin ako kay lorry at naka kunot ung noo nya sakin kaya nag iwas ako ng tingin. samantalang si jassy tumatawa-tawa pa. bully talaga nya




"i mean, ok lang. nag enjoy naman ako sa biyahe habang inaantay ko ung tawag mo KUYA" lalong kumunot ung noo ni lorry kaya nginitian ko na lang sya.




["ha? teka teka. nasan na ba kayo? pwede a kayong bumalik. naayos na kasi lahat eh.kayo na lang iniintay. kayo na bahal-"] 




"oo kuya, babalik na kami agad. sorry ah. nakalimutan ko ngayon pala ung uwi mo galing japan hehe. babye. ilove you"



"sino yun sharly?" nagulat ako kay lorry kaya napa atras ung ulo ko.



"ha?" teka teka. tinatanong nya ko kung sino yun?



tinaasan naman nya ko ng kilay, tinignan ko si jassy sa harap. aba at ang bruha halos di na makahinga sa pagpipigil ng tawa




"h-hehe k-kuya ko?!" di siguradong sagot ko




"kuya mo? duh! wala kang kapatid o kahit pinsan"




patay kang bata ka!




My Playboy Secret HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon