Chapter 13: JackMine

3.4K 110 0
                                    

Jacks POV

Naks! Pumayag si author na mag ka POV ako? Talaga lang ha?! Ano nakain mo author? Haha de joke lang author ah. Joke lang yun uumpisahan ko na dahil Alam ko namang sawang sawa ka na sa gwapong tulad ko. He he ^^V

"Ano brad kelan mo balak kausapin si jasmine? Bilis bilisan mo dahil atat na si lover boy na makipag bati sa kanyang lovely wife hahaha" Napa iling na lang ako dahil sa bungad sakin ni jin pag pasok na pag pasok pa lang nya dito sa unit ko

"Tangna mong hayop ka! Ngayon pa nga lang sumasakit na ung ulo ko kakaisip pano makikipag bati sa kanya samantalang sobrang harsh ng break up namin, mamaya lalapit pa lang ako dun pasabugam agad ako ng Granada. Musta naman nun ang gwapo Kong muka at hot Kong katawan? Edi nagsabog sabog!"  Bigla namang tumawa ng malakas si jin at binato sakin ung unan na nadampot nya sa sofa

"Gago mo! Tingin mo kaya yun ni jasmine? Eh muka ngang hanggang ngayon may gusto pa din yun sayo. Baka nga mamaya isang tawag mo lang sunggaban ka agad nun eh" natatawa nyang sabi

"Ulol di ganun si jasmine. Sa lahat ng naging fling ko sya ang pinaka matagal at pinaka nirespeto ko. Ni hindi nga ko naka score dun eh" humagalpak na naman ng tawa si jin with matching hawak hawak pa sa tiyan kaya ako naman ngayon ang nambato ng unan na binato nya sakin. Tangna nito eh, makatawa.

"Ano yun brad? Ikaw? Nirespeto sya? Hahahaha wag ka nga brad." Ganun?! Porket gwapong gago ako tingin nya sakin di marunong rumespeto ng babae?!

"Tangna mong hayop ka, lumayas ka na nga lang dito." Asar na pagtataboy ko sa kanya. Pinag tatawanan ako eh

"Ayy sige sige eto na aayos na! Pfft. Pero seryoso? Di ka naka score dun?" Tangna nito muka bang di kapani-paniwala tong mukang to?! Tch

"Oo nga" asar na sagot ko.

"Ano yun maria Clara? Hahaha so silang mag ka-kaibigan pare-parehong maria Clara? Haha mga conservative." Napa isip ako. Oo nga nuh?! Sabi ni brix nong sila pa daw ni sharlot hindi nya pa yun nahahalikan sa lips laging sa noo o kaya sa cheek lang. Aba matinde?! Tapos si Lorraine? Mabait yun eh, hindi pa namin yun naririnig mag mura pero paniguradong minumura nun si adrian sa utak nya hahahahaha. Baka nga patay na si adrian sa isip nya eh tapos nililibing nya na pero all in all silang tatlo mababait naman. Kaso sadyang wala pa talagang makakapag patino sakin. Ung Kay jasmine? Sinubukan ko naman eh. Kaso tukso kasi hirap layuan lalo na kung sya ung lumalapit lagi.

"Tss, tigilan mo na nga ko. Lumayas ka na makikipag kita na ko Kay jasmine."  Tumayo na si jin at lumabas ng unit Kong tawa ng tawa. Shit baliw na ata yun eh.

Inabot ko ung cellphone ko na naka patong sa lamesa at tinext si jasmine.

To: jasmine

Hi! :)
Can we meet? May mahalagang bagay na sasabihin sayo, kahit 30 minutes lang. Kung pupunta ka meet tayo sa JMINE garden. Thank you

Yun!

Sent.

Buti na lang at di ko pa nade-delete ung number ni jasmine, ung JMINE garden eh pinatayo ko nong mag high school na ko. JMINE parang J-jack MINe- as in akin pag aari ko. Nadala ko na dun si jasmine one time kaya alam nya yun.

*

Pag dating ko sa JMINE garden ay naabutan ko syang nakaupo sa damuhan at inaamoy amoy ung tulips flower ko.

My Playboy Secret HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon