Chapter 9: his side

4.8K 114 0
                                        

Adrian's POV

Ano nga ba talagang dahilan ko bakit ko ginawa yun?

Jealous?

Why? Am I already in love with her?!

Damn!

That's fvcking impossible.

Bakit naman ako magkakagusto sa kanya? Pano ko magkaka gusto sa kanya? She's not my type.

But you love her, your action admit it. As well as your heart, its just your mind doesn't accept it.

Kung mahal ko sya bakit hinayaan ko lang sya kanina?

Ewan! Mababaliw na ko kakaisip, magsosorry na lang ako sa kanya pag bumalik na sya dito sa bahay. Yun ay kung babalik pa sya. Mukang wala na ung balak bumalik dito sa bahay eh, its already 1 in the evening I don't think na uuwi pa yun. Mukang tama si brix kanina.

Fvck.

I should say my reason to her right?!

Arghh.. Damn it!

Mababaliw na ko.

*

Its been a week since the incident and yes. Tama nga ko na di na sya babalik, mula nun di na sya umuwi ng bahay. Alam Kong dun sya sa mansion nila nagste-stay pero pag pupunta ko dun laging sinasabi ng katulong nila na tulog daw si lorraine ,o kaya kung hindi tulog ay wala dun at umalis. I know na pinagtatakpan lang nila ung boss nila dahil ayaw nila masisante. Kahit sa school sobrang iwas nya sakin, ni tignan ako di nya magawa. Ganun ko ba talaga sya nasaktan? Ganun ba sya katakot sakin?!

Hindi ko na sya macontact kasi mukang nagpalit na sya ng number, and ung mga gamit nya nong isang araw kinuha ng butler nila sa bahay namin. Hindi ko na nga slam ang gahawin ko eh, sobrang stressed na ko sa kakaisip kung pano ko masasabi Kay Lorraine ung side gayong todo iwas sya sakin, hindi ko Alam kung pano ko makakahingi ng tawad gayong sa pag iwas nya sakin halatang ayaw nya ko kausapin. Tignan nga ayaw nya kausapin pa kaya?!

"Anong Plano mo ngayon brad? Mukang ayAw ka talaga kausapin ni Lorraine ah, todo iwas eh" nagkibit balikat lang ako sa tanong ni brix

"Ewan ko"

"Ayan ayan! Kung Sana Inamin mo na sa sarili mo nong Una mo pa lang naramdaman yan Edi Sana di ka nahihirapan ngayon, tanga mo kasi brad eh. " tinignan ko sya ng masama dahil sa sinabi nya. Gagong to makasabi mg tanga, sino kayang mas tanga ako na hindi inamin agad ung nararamdaman ko Kay Lorraine o sya na nakipag break Kay sharlot ng dahil sa takot na baka masaktan nya yun. Ang tang diba?! Takot sya na masaktan nya kaya nakipag break sya, eh ano ngayon si sharlot dahil sa nakipag break sya?! Ayun nasasaktan

"Wag mo ko masabihan ng tanga dahil mas tanga ka" inis na sabi ko sa kanya

"Sus talo pa kayo pareho lang naman kayong tanga" isa pa to si jin, sarap balian ng buto eh. nanumuro na mga tao kakatawag sakin ng tanga ah

"Tigilan mo ko jin baka gusto mo makita gano ko kastress ngayon" pagbabanta ko sa kanya Kay agad syang natahimik.

Andito kami ngayon sa bahay, simpleng inom. I'm use to do it Simula ng lunes, hindi kasi talaga umuwi si Lorraine kaya banas na banas ako.

Kung totoosin Hindi naman talaga ko ganito kagago noon eh, naging ganito lang ako dahil sa tarantado kong ama. My mom died because of him, inatake sa puso si mommy noon dahik nahuli nya si daddy sa isang hotel suit na may Kay sex. Bata pa ko nun kaya di ko Alam ang nangyayare, hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ng nakita ko. Yes! I saw that, kasama kasi ko ni mommy na pumunta ng hotel suit nun para sundan si daddy at yun ang bumungad samin kaya inatake si mommy sa puso. Iyak lang ako ng uyak nun, kasi ang tanging alam ko lang eh namatay si mommy. Hanggang sa lumaki ako nagkaisip at dun ko lang naintindihan lahat, dun ko lang naintindihan na niloko ni dad si mommy. Kaya ko nag rebelde, natuto kong uminom at magpunta sa bar. Nakakapasok ako kahit minor pa lang ako kasi muka namang hindi na ko minor. Dun na din nagumpisa ang pang bababae ko.

My Playboy Secret HusbandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon