Chapter 15: guilty or not?!

3.7K 101 2
                                        

Lorraine's POV

Ugh! Nakakainis talaga, bakit ko ba nalaman yun?! Ayan tuloy imbis na easy easy lang ako naloloka pa ko sa kakaisip ng kung ano ano, tapos parang ako pa ung nagu-guilty eh. Wala naman akong kasalanang ginawa

"Aaaaaaaaaaah nakakainis! Bwiset ka Adrian, bwiset kang Miguel Adrian madrigal ka! I hate youuuuuu" nakaka frustrate na ah.

"Oh my god Lorraine girl, what happened to you? Bat ka sumisigaw?" Sumimangot ako at nag dadabog na dumapa sa Kama. Isa pa kasi tong si jasmine eh, kunyare pa sya eh I'm sure na ung kameet nya kanina si jack para iset up ako. Huhu pinamimigay nila ko, binebenta ko ng mga kaibigan ko waaaaaaaah T_T

"Pfft di ka pinansin jaz? Wawa haha. Lorry friend, anyare sayo? Bat ka sumisigaw? Naloloka ka na ba?" Naramdaman kong lumubog ung sa side ko sa gilid ng Kama kaya siguradong umupo si sharly dyan.

"Iwan nyo muna ko" walang lingon lingon Kong sabi. Nakakainis sila, ibebenta nila ko Kay Adrian. Huhu

"Ayyy busy ?! Sa kakasenti?! Wag ka mag alala girl bibigyan ka Namin ng ng papable para magka love life ka na hihi" inangat ko ang ulo ko para harapin sila at binigyan ko ng nakakamatay na tingin si jasmine

"Ayoko! Wag nyo ko ibenta, waaaaaah" nakakainis nakakainis. Ibebenta na nila ko natutuwa pa sila?! Ganyan ba sila kasaya na masasaktan ako?! Mga walang puso! Walang konsensya! Nakaka

"Sira anon-"

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah bwiset ka Adrian madrigaaaaaaaal"

"Err friend okay ka lang ba? Gusto mo dalhin na kita sa mental? Naloloka ka na ata eh" umupo ako sa Kama ng maayos at niyakap ung unan ko.

"Oo naloloka na ko, bwiset kasing Adrian yun eh. Bwiset sya! Ang sarap nyang balatan ng buhay, tapyasan ng Ilong! Ang sarap nyang patayin uwaaaaah T^T" ginugulo ng Adrian na un ung utak ko Simula ng marinig ko ung recording. That manwhore is really in love with me, what I will going to do?! Huhu

"Oh my god girl, nooooooo! Serial killer ka na?! " -_- kainis naman to si jasmine panira ng moment naloloka ko dito tapos sasabihan akong serial killer?! Muka ba Kong mamanatay tao?! Sa ganda Kong to?! Ma's muka pa Kong beauty queen.

"Porket gustong patayin si Adrian, serial killer agad?! Di ba pwedeng gusto lang mag tanggal ng pasakit sa buhay ko?! Napaka judge mental mo naman -_-" nag peace sign lang sya taoos ngumiti tapos Maya Maya ngumiwi at biglang sumigaw ng.....

DARNA!

Pero syempre joke lang ang sinigaw nya talaga eto, sakit sa tenga -_-

"Nooooo! Hindi pwede, pag pinatay mo sya pano na love life mo?! Hindi ka pwedeng tumanda ng dalaga sayang beauty girl! " ngayon alam ko na bakit binereak sya ni jack. Masyadong masakit sa tenga tumili eh, tinis ng boses. Bagay na bagay talaga sila ni sharly lakas makatili titinis ng boses sakit sa tenga -_-

"Ewan ko sayo, tigilan mo ko! Sakit mo sa tenga -_-" sumimangot naman sya pag kasabi ko nun. Sus Pa cute kala mo cute ako lang naman cute dito eh -_- wala ng aagaw ng trono ko.

"Eyy friend, ano na naman bang ginawa sayo ni Adrian at nagkaka ganyan ka?!" Naka kunot noong tanong ni sharly kaya napatingin ako sa kanya at napanguso.

"Huhu that man, iniistirbo nya utak ko! Ginugulo nya utak ko, kinokonsensya nya ko waaaaaaah T_T" bakit ba kasi ako pa ang nakokosensya?! Diba dapat sya kasi sya ang may kasalanan sakin?! Kaimbyerna ah! Is it because napag selos ko sya Kay rain ng hindi ko alam?! Tanga naman kasi nya eh. Bakit di nya sinasabi sakin? Tyaka bakit iba ung kinikilos nya sa nararamdaman nya?!

Nagka tinginan si jasmine at sharly at sabay na nag taasan ang kilay bago humagalpak ng tawa. Seriously?! Tatawanan lang nila ko dito?! Ang sama nila ah. Sabagay ibebenta nga pala nila ko Kay Adrian kaya masama talaga sila uwaaaah T^T huhu

"Girl tulog mo na lang yan  :D " inirapan ko si Jasmine dahil sa sinabi nya. Mga bad sila, ibebenta nila ang sarili nilang kaibigan sa isang manwhore Playboy?! How rude they are huhu

"Ayoko nga, di nga ko makatulog eh" baka mamaya pag nakatulog ako dalhin nila ko Kay Adrian. Waaaaah ayaw ko nun.

"Sige ka, male-late ka sa appointment mo tomorrow" pag kasabi nun ni jasmine nag takbuhan na sila ni sharly palabas. What the hell was that?!

"Hoy mga bruha, anong appointment?" Hindi na sila sumagot sa tanong ko kaya nahiga na lang ako. Langya ung mga yun ibebenta ata talaga ko.

Pero Hindi yan ang dapat Kong isipin, ang kailangan Kong isipin ay kung pano ko aakto sa harap nila na parang wala lang. Hindi nila pwedeng malaman na alam ko na ung nararamdaman ni Adrian for me, paniguradong ako ang lalabas na masama. Bwiset kasing Adrian eh, bakit ba nya ko mahal?! Akala ko ba hindi mga tulad ko ang type nya?! Ang dami nyang alam na kachoosihan may gusto na pala sya sakin. In fairness galing nya umarte na walang pakialam sakin ah, may future sa pag aartista :D

Adrian's POV

Paakyat na Sana ko sa taas para matulog ng makarinig ako ng mga kalabog galing sa pintuan at kasabay nun ay ang sunod sunod na tunog ng doorbell. Who the hell is that? Anong oras na ah. Wala rin naman akong inaasahang bisita ngayon

Nag lakad ako palabas ng pinto at tumungo sa gate, laking gulat ko ng makita ang tatlong ugok Kong mga kaibigan na may kanya kanyang hawak na mga chips at beer. Anong balak nila? Dito uminom sa bahay namin ni Lorraine? Mga gago ata to eh.

"Anong ginagawa nyo dito? " naka kunot noo kong tanong na parang walang ideya sa kung ano man ang gusto nilang gawin dito

"Yow Adrian, lam mo na ba ang balita?" Lalong kumunot ang noo ko dahil sa tanong no jin. Anong balita sinasabi nito?

"What?"

"Magkaka love life ka na! Hooooo inuman na" natulala ako sa sinabi nila. Kaya kahit nag sipasukan na sila sa loob ako nakatayo lang sa harap ng gate. Ano daw?! Ano ba sinasabi ng mga gunggong na yun?!

"Hoy mga ugok, ano yun?" Sinarado ko na ang gate at sumunod sa manila sa loob. Mga walangya tong mga to, masyadong feel at home na feel at home.

"Brad successful!" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni brix

"Successful ang alin? May tinayo ba kayong negosyo?!" Alam ko naman wala eh. Bigla naman akong binatukan ni jack dahil sa tinanong ko

"Negosyo sinasabi mo dyan, ung Kay Lorraine tanga" ung Kay Lorraine?

"Sigurado kayo? Ibedensya nyo?" Mamaya pinaglolo-loko lamg ako ng mga ugok eh.

"Oh" inabot ni brix sakin ung phone nya at may pinabasang text message

From: sharly babe

       Hello brix, good eve! Ahmm... Just wanna say na pumapayag na kami ni jasmine about Lorraine and err :3 Adrian. Just make sure that my best friend is safe from any harm okay?! Yun lang, thanks :)

"Ano may bilib ka na samin nyan?!" Asar ni jack pero binaliwala ko lang yun. Pumayag na sila? Ibig sabihin tutulungan na nila ko makipag ayos Kay Lorraine?!

"Ano?! Inuman na?!" Inangat ko ang tingin sa kanila

"Inuman naaaaa!"

Sisiguraduhin ko na magkaka ayos kami ni Lorraine at pag nangyare yun. Aayusin ko ang sarili ko at aamin ako sa kanya tungkol sa nararamdaman ko.

My Playboy Secret HusbandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon