Chapter 7: Afraid of him?!

4.8K 125 0
                                    

Lorraine's POV

Nagising ako dahil ang sakit ng ulo ko at nagugutom ako, langyang Adrian yun! Di man lang ako ginising para kumain ng dinner, bwiset talaga un. Anong oras na ba?!

Kinuha ko ang cellphone ko na nakita ko sa side table para tignan kung anong oras na.

0_0

Imbis na oras ang tignan ko naka agaw pansin ung 43 miscalls and 19 text messages. At napabalikwas ako ng upo dito sa kama ng makitang galing lahat yun Kay rain and sharly. Problema naman ng mga to?!

From rain:

Where are you?

Hey, I'm worried. Where are you?

Are you in home already?

Lorry?!

From: sharly

Oh my gosh friend! Nakidnap ka ba?

Hoy lordy friend! Ano ba?! Wala ka bang balak replyan kami o sagutin man lang tawag namin? Pati tuloy ako nag aalala na sayo.

Kala ko naman nakidnap ka na friend! Anong trip ng asawa mo at tinakas ka Kay rain? Make kwento tomorrow ha?! Hihi labyu friend :* :* :*

Marami pang text na paulit ulit lang, message ni sharly ung huli Kong nabasa.

My gosh! Ung date pala namin ni rain. Bwiset na Adrian kasi eh! Yaan mo na nga, kakain muna ko ngayon at matutulog ulit dahil anong oras na at di pa ko nag didinner.

*

"Hi morning" ngiting ngiti si Adrian habang kumakain ng madatnan ko sya sa kusina.

"Morning" walang gana kong bati sa kanya. Mukang good mood ang siraulo ah. Psh! Kala nya nakalimutan ko na ung kagabi?! Aba tinakas na nga nya ko sa date ko di pa ko pinakain ng dinner? Buti na lang nagising ako ng madaling araw.

"How's your sleep?" He asked. Tinignan ko muna sya in disbelief. Si Adrian ba talaga to? Simula sa pagbati nya bago yun. Ngayon nya lang ako binati, parang hangin nga lang ako na dinadaan-daanan nyan pag umaga eh. Tapos ngayon tatanungin nya ko kung kamusta tulog ko? Aba! Himala. Ano kayang nahithit nitong lalaking to?!

"Fine" I simply said ignoring what's on my mind. Pinipigilan Kong wag mag salita dahil baka pag nagsalita ako ng mahaba ay di ko na mapigilang magtanong.

Habang kumakain kami ay nagulat ako ng magsalita sya pero mas nagulat ako sa tinanong nya.

"May assignment ba tayo?"

Nabulunan tuloy ako, parang nag bara ung kinain ko sa lalamunan ko. Dali Dali nyang inabot sakin ung tubig at mabilis ko naman ung ininom. Nang maka get over na ko ay hindi ko na talaga napigilang mag tanong.

My Playboy Secret HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon