29

829 25 2
                                    

Adrian's POV

Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa isara nya yung pinto ng kwarto nya, ayoko ng kulitin pa sya. Di muna ngayon, i think this day seems so tiring for her.

Kanina, pansin ko kung gano sya kaexcited na darating yung mga magulang nya. Pero nong dumating naman sila, she seems so uneasy and aloof.

Alam kong hindi sila okay ng mga magulang nya, at alam ko yung tungkol sa namatay nyang ate. Ang hindi ko alam ay kung bakit galit ang mga magulang nya sa kanya at bakit sya aloof sa mga ito. Hindi ko din alam kung bakit namatay yung ate nya, walang nakakaalam.

Ang alam lang ng mga tao sa paligid is namatay yung ate nya, and thats all. Walang nakakaalam kung pano namatay yung ate nya. Wala ding pinagsabihan si lorraine, kahit mga kaibigan nya. Actually, nalaman ko lahat to sa mga kaibigan nya. Ang hindi ko inaasahan ay pati pala mga kaibigan nya hindi alam ang lahat tungkol sa kanya. Ganun ba sya katakot magtiwala sa tao?

"Iho?" Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si manang. May bitbit syang gatas.

I smiled to her and took the glass of milk in her hand.

"Kay lorraine po ito ano?" Tumango sya kaya humarap ako pinto ni lorraine. I was about to knock ng magsalita si manang.

"Gusto mo bang malaman ang katotohanan sa likod ng lungkot sa mata ng alaga ko?"

Natigilan ako sa pagkatok at tumingin kay manang, alam ni manang? Hindi iyon imposible since matagal na syang nagtatrabaho sa pamilya nila lorraine pero sasabihin ba nya sakin?

Bumaling ang tingin ko kay manang ng marinig ko syang bumuntong hininga, kinuha nya yung gatas sa kamay ko at kumatok sa pinto ni lorraine. Gumilid ako para hindi ako makita ni lorraine pagbukas nya ng pinto

"Iha, nakalimutan mong uminom ng gatas bago ka umakyat."

"Thanks manang"

Nang maisara ng lorraine ang pinto ay tumingin sakin si manang at sinenyasan akong sumunod sa kanya sa baba, i did. Dumiretso sya sa kusina kaya sumunod ako sa kanya.

"Umalis na sila madam, alam mo namang hindi nagtatagal yung mga yin pag nandito. Oh hindi mo napansin nong nakaraang taon?" Tinignan ako ni manang at awkward akong ngumiti dahil aminado akong hindi ko napansin. I didnt pay attention to anyone related to lorraine before, i was avoiding her.

"Kanina, yung dinalaw nila sa sementeryo bago dumiretso dito, alam mo ba kung sino?" Tinignan ko si manang at dahan dahang tumango.

Ngumiti naman sya at naupo kaya umupo din ako sa harap nya

"Lorriele ang pangalan nya, maganda syang bata. Parang si lorraine. Gagraduate na sya ng college nong namatay sya, at alam mo ba kung bakit sya namatay?" Nakatingin lang ako kay manang habang nagkukwento sya at ramdam ko ang lungkot sa bawat salitang lumalabas sa bibig nya. Hindi ako sumagot, i remained silent as she continue her story

"Namatay sya kasi niligtas nya si lorraine, nabaril sya. Sa harap ni lorraine nabaril sya, ang pinakamamahal na tao ni lorraine ay namatay sa harap nya. Ang bata pa ng alaga ko non, marami pa syag bagay na hindi alam. Alam mo ba kung anong nangyari kay lorraine non?" Tumigil sya saglit at lumunok. Ako? I cant move. Hindi ko alam kung ano pang sunod na sasabihin ni manang pero nagbabara na yung lalamunan ko at naninikip na yung dibdib ko.

"Natrauma sya. Hindi kumakain, hindi nagsasalita, takot sa mga tao, hindi lumalapit sa magulang nya at higit sa lahat, lagi syang binabangungot. Lagi syang takot at laging umiiyak. Awang awa ako non sa slaga ko, sinisisi  nya ang sarili nya." Hindi ko alsm ang gagawin ko ng mag umpisang umiyak si manang, pero kinalma nya yung sarili nya at malungkot na ngumiti sakin.

"Isang gabi, narinig kong sumisigaw di madam. Si lorraine nasa harap nya at iyak ng iyak, kitang kita ng dalawang mga mata ko kung paanong pinsgbuhatan ng kamay ni madam ang alaga ko at wala akong magawa kundi ang manood lang. Anong magagawa ko? Katulong lang ako. Nong gabing yun, doon sumabog lahat ng katotohanan, lahat ng sikreto ng pamilya ni lorraine. At nong gabi ding yun, nagbago si lorraine, nong gabing yun nabuo amg lorraine na kilala mo ngayon. Wala na yung batang lorraine na hindi marunong lumaban, wala na yung lorraine na iiyak sa gilid, wala na yung lorraine na paulit-ulit na binabanggit ang ate nya. Natuto syang maging malakas, matapang, palaban, at natuto syang itago lahat ng sakit. Kahit sakin, kahit sakin itinago nya." Nagukat ako ng hawakan ni manang ang kamay ko, nginitian nya ko pero hindi ko magawang ngumiti pabalik dahil sa mga nalaman ko tungkol kay lorraine.

"Iho, mabait na bata si lorraine. Nagbago man sya ng kaunti, alam ko at ramdam ko na sya pa din yung dating lorraine, yung batang lorraine na alaga ko. Wag mo sana syang sukuan o saktan, magtiyaga ka sa kanya, mahalin mo sya. Tabunan mo ng masasayang alaala ang malungkot nyang nakaraan. Hindi mo pa sya ganun ka kilala ng lubusan pero makikilala mo din sya. Makikilala mo din yung lorraine na kilala ko, hintayin mo lang. Hintayin mo lang na maghilom lahat ng sugat sa puso nya. Hintayin mong matutunan nyang pagkatiwalaan ka, pero sana, huwag kang mapagod na patunayan sa kanya na pwede ka nyang pagkatiwalaan."

Someone's POV

"Hindi mo anak si lorraine"

"Hindi ako naniniwala sayo, alam kong anak ko sya kaya dito lang sya. Kung gusto mong umalis, umalis ka"

"Aalis talaga ko, but i need to bring my daughter with me."

" No, she'll stay in my house."

"Stay in your house? Why? What for? Hindi mo nga sya anak eh. Ano bang mahirap intindihin doon."

"Sinabi ko na, hindi ako naniniwala sayo. Gusto mo lang syang itakas. Leave if you want to leave but my daughter is mine"

"Hindi ka ba nandidiri o kinikilabutan sa ginagawa at sinasabi mo? Ako kasi diring diri na eh. Nakakadiri ka na nga, ang kapal pa ng muka mo."

"Say whatever you want and after that, leave this house."

"No! Please, hayaan mo kong umalis kasams si lorraine."

"I already said no, bakit ba pinagpipilitan mo na isama ang anak ko?"

"She's not your daughter, never kitang minahal at kahit kelan hinding hindi kita mamahalin kaya imposibleng magkaanak tayo!"

Mahigpit kong hinawakan ang basong hawak ko at binato ito sa pader. Mabilis at marahas ang binitawan kong paghinga, nilulukob ako ng galit dahil sa huling mga salitang sinabi nya.

Anak kita lorraine, dahil hindi pwedeng hindi.

*****

Guys sorr po, sabi ko isusunod ko kagabi kaso nawala sa isip ko. Sorrryyyyy.

My Playboy Secret HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon