32

1.4K 23 14
                                    

Lorraine's POV

Nagising akong sobrang sakit ng ulo ko, agad akong bumangon only to see the sofa beside my bed where adrian's sleeping. Umawang ang bibig ko sa gulat.

Bakit sa sofa sya natulog? May kwarto naman sya ah. Or...... bakit hindi sa tabi ko? I mean malawak yung kama. Kasya pa hanggang tatlong tao

Napabaling ako sa pintuan ng marinig ko ang sunod sunod na katok sa pinto. Napatingin ako sa wall clock sa taas ng study table ko at kumunot ang noo ko ng makitang it's still  2 ng madaling araw. Who could it be?

"Sino yan?" I asked habang tumatayo at hinahagilap ang pambahay kong tsinelas sa ilalim ng kama.

"Ako ito iha, nandito ang papa mo. Aalis na raw sila pero gusto ka nyang makausap bago iyon." Kumunot ang noo ko sa narinig. Gising pa si manang ng ganitong oras? At nandito si papa ng ganitong oras? At gusto akong makausap? Is this a dream?

"Lorraine" napatingin ako kay adrian na bumabangon. He look at me and then to the door, hindi pa ko lumalapit doon para buksan yun.

"Bakit dyan ka natulog?" Sa halip ay tanong ko. Nakagat ko tuloy ang labi ko sa biglaang tanong na lumabas sa bibig ko.

Really lorraine? That's what you said while your father is waiting for your presence outside of your room?!

Mukang pati sya ay nagulat sa naging tanong ko kaya nanatili syang tahimik pero ilang saglit lang ay napakamot din sya sa batok nya habang nakatingin sakin.

"Lorraine?" Nanlaki ang mata ko ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa non si daddy. Kita rin ang gulat sa mga mata nya ng makitang nakatayo ako di kalayuan sa pinto at nasa harap ko lang si adrian.

I don't know what he's thinking, kung yung hindi ko ba pagbukas sa pinto or yung presence ni adrian sa kwarto ko? Nakita ko din si manang sa likod nya na parang nagtatakang hindi tuluyang pumasok sa kwarto ko si papa. Tumingkayad sya para makita kung anong meron sa loob at nanlaki ang mata nya ng makita si adrian sa bandang harap ko. So what now? May iniisip ba kayong kung ano or okay lang to sa inyo since alam naman nating lahat na kasal na kami ni adrian at kayo pa ang may gusto na ikasal kami? Aish. Bakit ba pinoproblema ko yung sarili ko sa iniisip nila?

Tuwid akong tumayo at tumingin kay daddy, i saw adrian on my pheripheral vission who stand straight too. Probably thinking too kung anong iniisip ng dalawang matanda sa pinto. Why? Does it matter? Hindi ko na sya binalingan ng tingin at tinuon ko na lang ang atensyon kay daddy na nakatingin na sakin ngayon ng diretso

"What brought you here in this hour dad?" I said with a formal tone.

He blinked at pagkatapos ay bumuntong hininga.

"Your mom and i will be back in US now, i hope you'll be okay here with your husband. Just call me when something happened." Seryoso ang tingin nya sakin na nagpataas ng kilay ko, kumunot ang noo nya at mukang hindi nagustuhan ang ginawa ko.

"I'm fine here, don't worry" i sarcastically said na  nagpatiim bagang sa kanya, he probably notice how sarcastic my tone is. Tumalim ang tingin nya sakin pero di rin nagtagal ay binalingan nya ng tingin si adrian, kita ko pa kung panong lumunok si adrian.

"I am leavig now adrian,take care of her" tumaas ulit ang kilay ko sa narinig. Why? Acting like so concern?

"Asahan nyo po" magalang na sagot ni adrian habang nakatingin kay daddy. Sumulyap ulit sya sakin bago tukuyang umalis ng kwarto, nanatili naman si manang na palipat lipat ang tingin samin ni adrian. Napasimangot tuloy ako at bumalik na lang sa kama para mahiga. Nakalimutan ko na yung sakit ng ulo ko. Anong oras ba kami natapos sa pag inom? Am i that wasted na hindi ko matandaan kung panong nakahiga na ko sa kama ng magising ako?

My Playboy Secret HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon