Lorraine's POV
Anong oras na ko nagising kanina, mga around 10 or 11 am. Alas dos na kasi ng madaling araw ako naka tulog eh.
Pag gising ko nga napansin kong tahimik, Saturday ngayon kaya ang ene-expect ko ay ang pang aalaska ng dalawa Kong bestfriend but seems that they're not here. Nasan ung mga yun?
I immediately took my phone and try to call sharly but ring lang sya ng ring at hindi naman sinasagot so I decided na si jasmine naman ang tawagan ko and to my surprise pareho sila ni sharly, nag ri-ring ang phone pero di sinasagot ang tawag ko. What the hell is happening to them? Bat ayaw nila sagutin ung tawag ko? Hindi na nga sila nag paalam na aalis sila tapos ayaw pa sagutin ung tawag ko?! Kahiya naman sa kanila baka super busy nila.
Naku naku, ikakain ko na lang to.
"Oh iha, kagigising mo lang?" Gusto Kong irapan si manang pero mas pinili Kong tumango na lang at ngitian sya ng pilit sign of respecting na din. Ayaw ko masabihan ng bastos nuh, marunong pa din ako gumalang sa nakaka tanda sakin.
"Oh sige ipaghahain kita, saglit" umupo ako sa isang upuan sa dining table habang hinihintay si manang na nag se-serve ng food sakin. Pagkalapag nya ng mga Plato ay nag angat ako ng ulo para tignan si manang
"Ahm.. Manang nasan po sila sharly? Sinabi po ba nila sayo kung saan sila pupunta?" Tanong ko Kay manang. Minsan kasi may pagka chismosa si manang at paniguradong nag tanong sya sa dalawa kung saan ang lakad nila. Si jasmine kasi dito ko na din pinag i-stay para kumpleto kaming tatlo dito sa bahay, ayoko din kasing maging loner dito eh.
"Ayy oo nga pala iha, sabi nong dawa sakin sabihin ko na lang sayo pag gising mo dahil di ka na daw nila magigising. Nagmamadali nga ung dalawang un kanina eh, halos mag kasunod lang sila umalis. May ime-meet daw ite-text ka na lang daw nila pag pauwi na sila" kumunot ang noo ko sa sinabi ni manang. May ime-meet?! Ung dalawa?! Bakit wala naman atang nasabi sakin ung dalawang yun?! Ayyy buti na lang pala tinanong ko na si manang muka kasing kundi ko pa tinanong makakalimutan na nyang sabihin.
"May sinabi po ba sila sa inyo kung sino ung ime-meet nila?" Sakin kasi obviously, wala -_- kainis ung mga yun ah. Mamaya sila sakin, iha-hot seat ko sila.
"naku iha, pasensya na kasi wala eh. Ayyy maiwan muna kita dyan, palinis mo na lang Kay dori yang pinag kainan mo ha?! May nilalabahan pa pala ko" at ayun na pagkasabi nun ni manang umalis na sya.
Sino ba ung ime-meet ng dalawa? Wala man lang silang naku-kwento sakin na nakikipag date pala sila? Andaya nila ah.
*
Pagka tapos kong kumain ay ako na ang nag linis ng pinag kainan ko pati ako na din ang nag hugas ng platong ginamit ko then after that, umakyat na ko dito sa kwarto ko.
Dahil sa wala Kong magawa ay napag pasyahan kong mag Facebook na lang muna kaya nag log in ako at kung minamalas ka nga naman muka pa ng hinayupak ang bumungad sakin sa news feed ko. What the hell?! Aksidente lang ba o sinasadya?!
Its uploaded 7 minutes ago, and open pa sya. Nakikita ko kasi naka-invisible lang naman ako, ayoko ng may mangungulit kaya di ko pinapakitang open ako.
Naka uniform pa sya dito and for the Pete's sake, this picture was captured in my room sa bahay namin. What the shit is he thinking? Pano kung may maka alam nyan? Bwiset talaga tong lalaking to balak pa Kong ipahamak sa mga fangirls nya. Pagbuhol-buholin ko sila eh. May status update pang kasama na I'm sorry, I didn't mean it. And I promise that I will not do that again just please come back
BINABASA MO ANG
My Playboy Secret Husband
Novela JuvenilLorraine Mae Pettyfer and Miguel Adrian Madrigal. The story of pretentions, denials, secrets and roller coaster switch of moods. Ready . Set. Start readinggggggggg
