CHAPTER 4

58.8K 2K 224
                                    

Chapter 4

Ady Pov

"There you are pisting yawa."

Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong sandok nang biglang may magsalita sa likuran ko. Pisti!

Nilingon ko si Sir Laszlo pero sa paglingon ko ay mukha niya ang nakasalubong ko. Natigil yata ang paghinga dahil sa lapit ng mukha naming dalawa. Naa-amoy ko ang panlalaki niyang pabango. Tapos ang buhok niyang kulay abo ay natatakpan ng isang towel. Kakatapos niya lang maligo dahil madampi pa iyon!

Sinubukan kong tagpu-in ko ang mga mata niya. Nararamdaman ko na ang init ng hininga niya sa isang bahagi ng mukha  ko. Gumalaw ang panga niya. Gusto kong igalaw at ilayo ang katawan ko sa kanya—mukha ko sa kanya pero hindi ako makagalaw. Parang nilagyan ng kung anong pampadakit ang paa ko.

Malayang naglakbay ang mata ko sa perpekto niyang mukha. Napakaputi niya talaga. Parang nakikita ko na nga ang ugat niya dahil sa kaputian niya. Tapos iyong ilong niyang mapakatangos. Oo nga't matangos ang ilong ko pero iba kasi ang sa kanya. Iyong symmetrical niyang ilong ay talagang nakaka-agaw ng pansin. Then his sleepy silver eyes, it hits different the longer you stare at it. Kumabog ang puso ko.

"Aren't you done with that?" Nginuso niya iyong niluluto ko.

Kung hindi nagsalita si Sir Laszlo ay baka hanggang ngayon ay nakatunganga pa rin ako sa kanya. Nakakatulala naman talaga ang mukhang mayroon siya.

Pisti!

Ano na ba itong pinagsasabi ko?

"A-ah... malapit na po, Sir." Ani ko at binalik ang mata sa niluluto ko.

"Hmm," si Sir Laszlo saka tumabi sa akin.

"You're good at cooking too?" Mayamaya ay tanong niya.

Sinulyapan ko siya saglit. Nagpupunas ulit siya sa basa niyang buhok.

"Hindi naman. Natuto lang ako dahil ako ang nagluluto noon para sa Lola ko." Binagsak ko ang mata ko sa niluluto ko. Namimiss ko na ang Lola ko.

Humigit dalawang taon ko na siyang hindi nakikita. Hindi na kasi ako nakaka-uwi ng Cebu. Sila Auntie naman ay parang walang balak na dalawin din si Lola. Tapos minsan ko lang din natatawagan si Lola Flor. Wala kasi akong cellphone tapos nakikihiram lang ako ng cellphone sa kakilala ko dito. Madamot din kasi iyang pinsan ko sa gamit niya.

"Hmm, is your cousin always treating you like that?"

Napatingin ako kay Sir Laszlo na nakatuon pala ang mga mata sa akin. Parang may kung anong pwersa na humahatak sa akin na tingnan ang mata niya, ang ganda talaga ng mukha.

"A-ah, hhindi naman kapag galit lang siya... m-may pagkamabait naman s-siya." Pagsisinungaling ko.

Tina-asan niya ako ng kilay.

"Okay." Maikli niyang turan at parang 'di naniniwala sa akin.

"Maniwala ka sa akin. M-mabait s-siya."

Tinanggal niya sa ulo ang towel at sinampay iyon sa malaki at malawak niyang balikat. Kailan kaya ako magkakaroon ng ganoong klaseng masels?

"I know." payak niyang saad saka tumalikod sa akin at nilisan ang kusina.

Napabuntong hininga ako. Bakit ko ba sinabi iyon sa kanya? Para tuloy'ng pinagpipilitan ko sa kanya na mabait talaga si Rose.

Simula nang dumating si Sir Laszlo isang linggo ang nakakalipas at hindi na natahimik ang utak ko. Hindi ko maunawaan dahil palagi ko siyang naiisip. Saka siya lagi ang paksa ng panaginip ko. Nakakapanibago lang dahil data rati naman ay hindi ako ganito. Kahit na hindi ko siya iniisip sa pagtulog ko dinadalaw niya talaga ako sa panaginip ko. Talagang humahanga ako kay Sir Laszlo pero hanggang doon lang iyon... diba? Pati ako ay nababaliw na sa kakaisip. Pati sarili ko parang 'di ko na maunawaan ng maayos.

[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon